Chapter Twenty

Magsimula sa umpisa
                                        

Agad din naman silang natapos sa ginawa nila. Dumating ang sunod nilang professor kaya dumistansya na si Jake kay Hyde. Nanghihinayang pa nga siya dahil kailangan pa niyang dumistansya rito. Pwede naman kasi siyang mas dumikit dito pero may quiz sila.

Napangiti na lang siya nang ilayo rin nito ang upuan sa kanya.

SINADYA NI Devin na hintayin si Hyde mula sa huling subject nito para sa araw na iyon. Nakaupo siya sa isang bench habang tinitingnan ang bawat estudyante na dumadaan sa harapan niya. Nagbabakasakali kasi siya na makikita ito doon.

Wala naman kasi siyang pasabi na susunduin niya ito at yayayain na kumain sa labas. Wala na rin siyang load kaya hindi niya ito na-text. Hindi na rin siya nagpa-load dahil nagtitipid siya. Lately, naubos ang pera niya sa mga projects na ginagawa niya. Bukod pa roon ay sa pamasahe kapag nagtutungo siya sa bahay ng kaklase kapag may activity sila na ginagawa. Ang perang gagamitin niya sa paglabas nila ni Hyde ay talagang naka-save para roon.

Napangiti si Devin nang makita niya si Hyde. Kausap nito si Marty. Nasa likuran naman si Jake na nagpawala ng ngiti niya. Kung dati ay hindi ito komportable kay Jake, ngayon ay iba na. Well. Of course. Sino ba naman ang manliligaw na hindi gagawin ang lahat para maging komportable ang nililigawan sa kanya? Wala naman yata. Dahil kapag gusto mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat para mapasaya ito.

Pinigil ni Devin na magselos. Wala naman siyang dapat ipagselos pero hindi naman yata mapipigilan iyon lalo na at si Jake ang mahigpit niyang karibal kay Hyde. Lalo na at alam niya na pareho lang ng status niya ang status nito pagdating kay Hyde.

Nang makita siya ni Hyde ay ngumiti ito. Kinausap ng saglit si Marty saka iniwanan ang mga ito. Mabilis itong naglakad palapit sa kanya.

"Nandito ka." Nakangiting sabi nito.

"Yeah. Hinihintay kita."

"Ganoon ba. May pupuntahan ba tayo?"

Ngumiti siya. "Oo. Hindi ko na pala kailangan pang mag-explain sa 'yo. So, ano? Tara."

"Okay. Magpa-paalam muna ako sa mga kasama ko," anito.

Kaya naman ang ginawa nila ay hinintay na makarating sina Marty at Jake sa pwesto nila. Nang nasa harapan na niya ang mga ito. Isang matipid na ngiti ang ibinigay ni Devin kay Marty. Samantalang isang tango naman kay Jake. Ganoon din naman ang ganti nito.

"Mauuna na ako, ah." Paalam ni Hyde sa mga ito.

"Okay." Ani Marty.

Hindi naman nagsalita si Jake. Tiningnan lang nito si Hyde saka tumango.

Nauna na silang naglakad sa mga ito. Naiwan ang dalawa.

"Kumusta naman kayong dalawa ni Jake?" Usisa niya kay Hyde ng sila na lamang dalawa.

"Okay lang naman," matipid nitong sagot.

Hindi na nag-usisa pa si Devin. Mukhang wala naman kasi sa mood si Hyde para pag-usapan iyon. At parang awkward din kung ang pag-uusapan nila ay ang karibal niya. Iniba na lang niya ang kanilang usapan.

"Kumusta naman Hyde? Iyong project n'yo, kamusta?"

"Okay lang naman. Malapit na kaming matapos ni Jake doon. Next week kami magre-report."

Alam ni Devin na si Jake ang partner ni Hyde sa project na ginagawa nito. Ikinwento nito iyon sa kanya ng minsan na mag-usap silang dalawa sa cellphone. Nakakatuwa nga na wala itong inililihim sa kanya. Nakikita niya ang effort ni Hyde para maging fair sa kanilang dalawa ni Jake.

Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay nito. Napatingin ito sa kanya. Nginitian niya ito na ginantihan naman nito ng isang ngiti.

"Next week na rin ang birthday party ni Vhian, hindi ba?"

String from the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon