Para hindi na mapeste ang utak niya. Iniiwas na lamang niya ang paningin saka inayos na ang pagkakasandal ng ulo nito sa balikat niya. Kailangan din niyang mag-adjust para huwag na iyon mahulog pa. Pa-slouch na tuloy siyang naupo sa upuan niya.

Mula sa kanyang ginagawa ay napaangat ang tingin niya sa taong nasa harapan niya. Si Rubius iyon. Umupo ito sa upuan na nasa harapan niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Alam mo mas bagay kayong dalawa ni Jake kaysa kay Devin." Lantaran na sabi nito. Grabe. Napaka-straightforward naman ng lalaking ito.

"Kung ganoon ang kaso, may paki ka ba?"

Ngumiti ito. "Matapang ka talaga, ano?" Anito saka umiling. "Of course, may paki ako dahil kaibigan ko ang pinag-uusapan natin dito."

"Kaibigan mo naman si Devin ah."

"Noon 'yon. Mas pinili ni Devin na lumayo sa aming dalawa ni Dominic ng mag-away sila ni Jake sa hindi namin alam na dahilan. Kapag lumalapit naman kami sa kanya lumalayo siya."

"So kaya mo ba sinasabi ang ganoon?"

"No." Mariing tanggi nito. "Wala akong galit na kinikimkim para kay Devin. Its just that, for me, mas bagay kayo ni Jake. Oo, 'yong una niyong pagkikita, mali, pero sa mga nakikita ko kay Jake, he changed. At dahil 'yon sa 'yo."

Umiling siya. "Mahal ko si Devin." Halos pabulong na niyang sabi. Nangangamba kasi siya na baka marinig iyon ni Jake. Anong malay niya? Baka nagising ito o kaya naman ay kanina pa talaga gising at hindi naman natulog.

"Kung mahal mo si Devin, siguro, dapat mo na siyang sagutin."

"I'll come to that point, Rubius. 'Wag kang atat."

"Hindi ako atat." Nakasimangot na sabi nito. "Gusto ko lang madaliin mo na para isahan na lang ang sakit para kay Jake. Hindi iyong unti-unti. Na-i-imagine ko tuloy 'yong kanta na Killing Me Softly eh. Ganoon ang ginagawa mo kay Jake."

"Sorry." Napayukong nasabi niya.

"Okay lang." Ani Rubius saka tumayo mula sa kinauupuan at iniwanan siya.

Napatingin naman siya kay Jake nang gumalaw ito.

SA KANYANG ISIP. Lihim na napapailing na lamang si Jake sa ginawa ni Rubius na pagka-usap kay Hyde. Hindi niya akalain na gagawin nito ang bagay na iyon. Alam niya na concern ito sa kanya pero sa ginawa nito ay parang sinabi na rin ni Rubius na uminom siya dahil sa sakit na madarama. Parang wala tuloy naging saysay ang pagpapa-cool niya kay Hyde kanina nang kausapin siya nito.

Nang marinig niya ang paggalaw ng upuan na kinauupuan ni Rubius ay saka pa lang siya gumalaw. Inalis ang pagkakasandal ng kanyang ulo sa balikat ni Hyde saka ito tiningnan. Nakatingin din ito sa kanya. Nakaawang ang labi na parang inaasahan na iyon.

"Kanina ka pa gising, hindi ba?"

"Nope. Kakagising ko pa lang." Tanggi niya saka nag-iwas ng tingin dito. Mapanuri kasi iyon. Hindi niya kinakaya.

"Magsabi ka nga ng totoo, Jake. Hindi ka naman yata nakatulog eh."

"Nakatulog ako. Nagsasabi rin ako ng totoo, Hyde. Kagigising ko pa lang. Bakit ba?"

"Wala." Mabilis na sagot nito. "Ngayon na gising ka na. Oras na siguro para pag-usapan natin ang final decision natin sa reports."

"Okay." Sabi niya.

Iyon nga ang ginawa nilang dalawa. Habang nagsasalita si Hyde ay hindi maiwasan ni Jake na titigan ito. Ang cute lang. Masaya na siya. Masaya na kaibigan niya ito.

String from the HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя