“Mom?”

“Mavee, come to St. Elizabeth hospital.”

“Mom!”

Nataranta na siya, una si Leila, ngayon ang Mommy niya. Anong nagyari at pinapapunta sya sa hospital. Palabas na siya ng office nung makasalubong niya si ….Craig?

“Craig?”

“What are you doing here?” Sabay pa nilang tanong.

“Craig, I’ll talk to you later. Dad is at the hospital.” Halos tumakbo na ito palabas ng building. Hindi naman alam ni Craig anong gagawin. Hindi niya alam ito, hindi niya alam kung ano ang plano ng ama. Bakit nandirito si Mavee? Akala ba niya pag napirmahan ang kailangan pirmahan ay okay na ang lahat. Ang alam kasi niya, by now ay kanila na ang lahat ng ari-arian ng mga Klein,ultimo ang bahay nila. Bakit nandirito si Mavee?

Nakita niyang umiiyak ang Mommy niya, heto kasi ang pinakamalapit na hospital sa kanila. “Mom, what happened? Where’s Dad?”

“He’s at the emergency room, Mavee.”

“What happened Mom? Akala ko ba okay ang lahat? Bakit nagkaganito?”

Ikinuwento ng Mommy niya ang lahat. Tama ng nabayaran sila ng Zanjo nay un, dumating rin si Gonzalo na wala namang magawa dahil nasa harap niya lahat ng hinihingi niya. Pero nagulat silang lahat nung dumating ang talagang bagong may-ari. Si Calixto Chou.

“Anong ginagawa mo rito sa pamamahay ko!” Galit na sigaw ni Alejandro nung makita ang taong dumating. It’s been years since they last met. Ni hindi maganda ang nangyari nung huli silang magkita. Si Calixto Chou, ang dating nobyo ng asawa niya ngayon.

 

“Alejandro…Alejandro…pakiulit. Pamamahay mo?” Tila isang hari ito.

 

 

“Calixto.”

 

“Oh, how are you my dear Athena? Kumusta ang pagiging Klein mo? Pinagsisihan mo ba na siya at hindi ako ang pinili mo?”

 

 

“Ca-calixto, matagal na yun. Matatanda na tayo, akala ko ba okay na sa iyo ang lahat?”

 

 

Nagtataka man sa mga pangyayari ay nasisisiyahan pa rin si Gonzalo na nakangisi at nagtataka sa tabi. Mukhang siya pa rin yata ang panalo ngayon, may pera na siya, natalo pa rin niya si Alejandro. Tignan mo nga naman ang pagkakataon.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें