"Eh ang high pitch ng boses niya nun eh. Ngayon ang deep~"

"Eh, whatever~" tumawa naman ang dalawa.

Tumingin ulit si Seulgi kay Jimin at nakatitig pa rin ito sa kanya. Di maiwasang mahulog ang loob ni Seulgi sa binata. Eh sa may taglay itong kagwapuhan at may magandang katawan. Ehem ehem.

---

Tanghali na at lunch break nila ngayon. Magkasabay na nananghalian sina Seulgi, Jimin, at Joohyun sa room 95. Nagkukwentuhan at nagtatawanan ang dalawang babae samantalang tahimik lang si Jimin at nakikinig sa kwentuhan ng mga dalaga.

"Ang tahimik naman yata ni Jimin." sambit ni Joohyun.

"Ano ka ba? Syempre nagrerecover pa yan! Hindi pa siya masyadong makakapagsalita aba." pilosopong sagot ni Seulgi. Inirapan lang siya ni Joohyun.

"Jimin?" tawag ni Seulgi kay Jimin habang sinusubuan ito. "Ano nga pangalan mo?"

"P-P-Par...k... J-Ji-Ji...m-min..." sagot ni Jimin habang nakatitig kay Seulgi.

"Ano ba yan! Wag ka ngang tumitig sakin baka matunaw ako dito hahaha." biro ni Seulgi. Tinignan siya ni Joohyun ng nang-aasar.

"Ayie~ Baka gusto ka niyan ah. Naku~ Magmala-Harley Quinn at Joker kayo niyan. HAHAHA!" pang-aasar ni Joohyun. Nabatukan naman siya ng dalaga.

"Baliw ka! Mas baliw ka pa siguro kesa sa kanya." inis na sabi ni Seulgi at tinignan siya nang masama.

"Joke lang! To naman." sambit ni Joohyun at nagpeace sign. Tinignan na naman ulit ni Seulgi si Jimin.

"Jimin?" tawag na naman niya sa binata. "Ilang taon ka na?"

Tinignan siya ni Jimin ng blangko pero nakikita niya sa mga mata niya na masaya siya. Napangiti naman siya kasi alam niyang malapit ng gumaling itong si Patient 95. Tinanong ulit niya si Jimin.

"Jimin, ilang taon ka na?"

"Tu-twen..ty..." pautal-utal niyang sagot. Masaya ngayon si Seulgi dahil sooner or later, makakausap na niya nang maayos si Jimin at sa tamang panahon ay maikukwento na ulit ni Jimin ang nakaraan niya.

Patuloy ang kasiyahan ng tatlo sa loob ng kwarto habang si Sehun naman ay patuloy na pinagmamasdan ang bawat kilos ng mga ito.

"Doc, may nakuha na po kaming bagong impormasyon tungkol sa isa sa mga kaibigan ng Patient 95." sambit ng isa sa mga trabahante ng hospital. Inilahad niya ito kay Sehun at tinignan niya ang nakapaloob dito.

---

[Seulgi's POV]

Gabi na at tapos na ang trabaho ko ngayong araw. Pumunta na ko sa opisina upang isulat sa documentation ko ang recovery ni Patient 95. Habang nagsusulat ako, may narinig ako sa likuran na parang may nahulog na gamit. Lumingon ako sa likod ko at nakita ang isang folder. Tumayo ako at kinuha ito.

"Ano kaya 'to?" bulong ko. Gusto kong buksan itong folder at tignan kung ano ang meron nito ngunit baka nagmumukha akong pakielamera. Duh, who cares. Wala namang tao sa opisina at walang makakakita.

Binuklat ko ito at bumungad ang isang profile information.

PERSONAL INFORMATION

Full Name: JEON Jungkook

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Full Name: JEON Jungkook

Age: 17 years old

Date of Birth: September 1, 1997

Place of Birth: Busan, South Korea

Status: Deceased

Date of Death: June 13, 2015

Cause of Death: Severe injury in the upper abdomen

Blood Type: A

Relationship to the patient: Close friend

Ito pala si Jungkook? At namatay siya dahil sa isang malalang injury sa upper abdomen niya? So, he was killed by stabbing him in his stomach? Yung una ko siyang nakita, may saksak siya sa tiyan niya which is yun yung dahilan kung ba't siya namatay. Nagpapakita siya sa akin dahil malapit siya kay Jimin at gusto niyang bantayan ko siya. Pero why me? Aside from being Jimin's nurse, ba't ako pa? Ba't siya laging nagpapakita sakin?

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang humangin at ang lamig. I hugged myself so I could warm myself and then, I closed the folder. Nawala naman agad yung ihip ng hangin pero ang lamig pa rin.

But then, someone whispered to me,

"She will kill him and you."

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon