Chapter 1. The Abduction

Magsimula sa umpisa
                                    

Princes of Hell, ito yung listahan ng mga lalaking may mala-diyos na kagwapuhan ngunit may mala-demonyong pag-uugali. Cold-blooded demons ang mabentang adjective sa kanila, mga walang puso sabi pa ng media. Pero sabagay, in fairness naman sa kanila mukhang hindi naman lahat ng member ay confirmed na heartless, kasi ang nauna sa listahan na si Jandrix, ang Prince #1 eh kinasal na, 'di ba? At ang matindi, patay na patay daw ito sa asawa. Syempre rumors lang 'yon. Pero umaasa ang lahat na totoo.

Napabuntong-hininga ako sa pag-asam na sana ang pangalawa sa listahan ay may puso din. Si Drico Antonio DiVanne, ang pinakapaborito kong Prince of Hell, he's called, the paparazzi-shy lion. Hindi lang panga ko ang nalalaglag sa tuwing nasisilayan ko ang mga pictures niya, kundi pati ang puso at matris ko fall na fall dito.

Muli kong sinulyapan ang topless picture niya na naka-frame at nakalagay sa center table ng sala namin. I like him so much hindi ko alam kung bakit, maybe because of the intelligent slant of his brow, the arrogant twitch of his lips or maybe because of the mysterious cold stare in his eyes na para bang tumatagos sa kaluluwa kung tumitig?

"Nakita niyo na, si Drico Antonio DiVanne lang ang magpapabalik sa lupa ng kaluluwa ng isa diyan eh! Nakangising komento ni Mexie na ako ang tinutukoy.

"Uy bes, kanina ka pa tense diyan pino-problema mo pa rin ba ang tawag ng ate mo kagabi?" si Lira.

Napalunok ako ng maalala ang paos at nahihintakutang boses ng kapatid ko kagabi. Nilapitan ako ni Lira. "Alam mo 'wag kang mag-alala doon, malay mo nananakot lang 'yon o kaya nagbibiro. Hindi ka kailangang magtago dahil wala ka namang atraso sa kahit na sino, walang magtatangka sa buhay mo 'no!"

"Papano pala kung ang bruha niyang ate ang may atraso at siya 'tong balikan? Kaya siya pinapatago?" Sabat ni Mexie.

May punto si Mexie, nang sabay na mamatay ang mga magulang namin tatlong taon na ang nakakalipas ay hindi na rin nagpakita si Rebecca sa akin. Nabalitaan kong nagpunta siya ng Athens at nagsilbing personal assistant ng isang mayamang bilyonaryo. Matalino at ubod ng ganda si Rebecca, hindi na ako nagtaka kung isang bilyonaryo ang kumuha sa serbisyo niya. Sa loob ng mahabang panahon ay wala kaming naging kumunikasyon sa isa't isa.

Ngunit kagabi, tumawag siya. Binalaan akong magtago, umalis sa apartment ko at huwag daw munang makihalubilo sa kahit na sino. Tinanong ko kung bakit pero wala siyang sinabi. Matapos humingi ng tawad sa kung ano mang kasalanan ay pinutol niya ang linya.

Kinabahan ako hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya. Anong nangyari sa kanya sa Athens? Nagkaroon ba siya ng atraso sa boss niya? Hindi ako mapakali sa kaba, dahil kahit naman inabandona niya ako nang mamatay ang mga magulang namin, siya nalang ang natitira kong kadugo sa mundong ibabaw ano. Parang ang hirap naman kung pati siya ay mawawala pa sa akin. Kaya naman kung may magagawa ako, hindi ako magdadalawang isip na tulungan siya anuman ang problema niya.

"Hindi natin alam kung ano ang nangyari kay Rebecca sa Athens, baka may nakabangga siyang masamang tao, magtago ka na lang kaya?" seryosong komento ni Julia.

Sumimangot si Mexie. "Hay naku! Kung sino man 'yang kinatatakutan ng ate mo, malamang nadamay ka na sa galit no'n. Yang kapatid mo na yan, pahamak!"

"Oiisst!" Saway ni Lira dito. Kinurot pa ang taklesang mga kaibigan.

Gusto kong tulungan ang kapatid ko sa kinasasangkutan niyang problema pero paano? Ni hindi ko alam kung nasaan siya, at kung sino ang kaaway niya. Pinakiusapan ako ng mga kaibigan ko na huwag munang pumasok sa club hangga't wala pang linaw ang lahat ngunit nagpumilit ako. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko.





The Devil's Stolen HeritageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon