University Town

1.8K 68 1
                                    

A/N: Eto talaga yung one shot na pinaka pinagisipan ko. Enjoy reading!


**

 "At dahil diyan, meron tayong isang kasama na ipinagmamalaki ng De La Salle University, the one and only, Ara Galang!" Sabi ni Ate Gretchen kaya lumapit na ako sakanila.

"Hello, kuya and ate!" Ngumiti ako. Kinakabahan naman ako ng very light, ewan ko, di parin kasi ako sanay. Shy type ganon!

"Ang blooming ni Ara today, ha! Anyway, pwede mon a ba kaming samahan ikutin ang La Salle? Tumango ako sa sinabi ni Kuya Robi.

"Sure sure! Tara na po."

**

Patapos na yung episode at niyaya ko sila kumain sa Agno. Nagkkwentuhan lang kami dun nang...

"Oh, Thomas Torres! Idol!" Sambit ni Kuya Robi. Napatigil ako sa pagkain. Hindi ako humaharap sakaniya. Kunwari wala akong marinig.

Baka kasi maissue nanaman kami. Gagraduate na ako at lahat may ThomAra parin?

"Thomas! You're here!" Putek, Ate Gretch. Bakit mo pa binati?! Huhu!

"Hi Kuya Robi, Ate Gretch, and Eruh." Napatingin ako sakaniya.

Wrong move ata, bakit kasi ang pogi niya ngayon?!

Ay everyday naman.

Anak ka ng bimby, Victonara! Manahimik nga!

Ngumiti lang ako sakaniya at tumango. Tumango din siya saakin at nakipagkwentuhan na kay Kuya Robi.

Kumain nalang ako ulit at nakita kong nagtext si Mika.

From: Daks

YOU ARE WITH THOMAS TORRES?!?!?!?!?

To: Daks

Huh??? Ano nanaman issue mo???

From: Daks

ULUL!!! KAY BANG MO SABIHIN YAN KASI MAS MARAMING ISSUE YUN!!!!!111 pero hindi, may nakakita sainyo na thomara shipper sa may agno. Check yo twitter!!!

Hindi na ako nagreply sakaniya at nicheck ko na yung twitter ko. Sabog notifs. As usual.

@mikareyx

GUYS!!! ROBICHEN AND THOMARA SPOTTED SA AGNO OMG DOUBLE DATE BA DIZ???? pic.twitter.com/A2sHjL345HgK

That earned so many retweets and likes.

Aba, at niretweet din ni Mika.

Napaface palm nalang ako.

"Tara na guys! Ang last stop natin ay the one and only, Razon." Natahimik ako.

Sa lahat ng pupuntahan, bakit sa Razon pa? Lalo na't kasama ko pa siya?

This is not good.

**

"So Thomas, ano masasabi mo sa Razon?" Sabi ni Robi habang naglalakad kami. Vinevideohan na kasi kami, pero magkabilang dulo naman kami ni Thom.

"Para sakin, ito talaga yung second home ko. Sa acads yung La Salle mismo but Razon really mold me that's why I'm here. Tapos yung mga coaches namin. Tsaka, I found my love of my life here in Razon." Napatingin kaming tatlo sakaniya. Napangisi ang RobiChen.

"Sino???" Sabay na sabi ng magcouple. Napatingin siya saakin saglit at tumingin siya sa dalawa.

Shet ka, Thomas Christopher. Kung wala lang talagang media dito nasapok na kita.

"Syempre, basketball. Diba, Ara?" Nagulat akong tumingin sakaniya.

"Diba, love na love natin yung mga sports natin?" Nakangiti siya, yung panginosente.

Pusanggala ka talaga, Torres. Napaka showbiz mo!

"Ah, oo naman!" Sambit ko kaya ako naman yung tinanong kung ano daw masasabi ko sa Razon.

"Masaya ditto sa Razon. Dito ko mas lalong nakilala yung mga kaibigan ko ngayon. Sobrang thankful ako kay Lord kasi dito ako sa La Salle napunta. Hindi ako magiging si Ara Galang kung walang tulong ng mga coaches, LaSallian community, family and friends, and syempre ni Lord. Saksi ang Razon sa lahat ng hardwork namin." Napapalakpak naman silang tatlo.

"Ara Galang, everyone!" Sabi naman ni Robi kaya natawa lang ako.

"And there you have it, everyone! That's it for University Town. I'm Robi Domingo and she's Gretchen Ho, signing off." After nun nagpack up na silang lahat at umais na. Naiwan kami ni Thom dito sa Razon. Agad naman niya akong niyakap.

"Kailangan pa talagang sumali ako sa University Town para lang makasama ka, ano?" Sabi nya kaya napangiti lang ako. Magkayakap parin kami.

"Eh, busy kasi ako tsaka, alam mon a yung mga shippers natin."

"Pagka graduate na pagkagraduate mo talaga, ipagkakalat ko sa buong mundo na akin ka na at papakasalan kita agad agad. Tandaan mo yan, Victonara Galang-Torres." Natawa ako sakaniya.

"Maghintay ka, Thom. Saglit nalang to." Bumitaw ako sa yakap at tinignan ko siya.

"Papatunayan natin na may lifetime tayo. Ayos ba?" Tumango ako. Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa labi.

Yes mamang, Torres for three. CHAROT!

Paalis na kami nang biglang dumaan sina Ate Gretch at Kuya Robi na magkaholding hands at nakangiti.

"Naiwan phone ni Gretch sa may bench na nasa likod mo, Ara." Sabi ni Kuya Robi at napatingin ako. Kinuha ko at inabot sakanila.

"Don't worry, secret's safe with us, ThomAra." Sabay kindat nilang dalawa.

Shet.

Paktay na.

**

twitter: 

Alternate UniverseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang