The Chainsmokers Concert

1.7K 44 0
                                    

Mika's

"Kiannaaaa, wala ka na ba talagang kilala na nagbebenta ng tix para mamaya?" Nagbbargain ako dito kay Kianna kasi gusto ko manuod mamaya.

"Sorry Ate Miks, wala talaga eh. Pero gusto mo sayo nalang yung ticket ko?" Umiling naman ako agad.

"Ano ka ba, date niyo ni Marck yon, eh. Maghahanap nalang ako ng kadate para mailibre din ako ng concert mamaya!" Natawa naman siya.

"Meron yan, ate. You'll see." Kumindat muna siya saakin bago umalis.

Sana nga at magdilang anghel si Kianna.

--

After ko magdinner, nawalan na talaga ako ng pagasa makahanap ng tickets. Tahimik lang kaming kumakain ng WAFS.

"Ye, wag ka naman masyadong pahalata na malungkot ka. Nasa harap tayo ng pagkain, oh! Nawawalan tuloy ako ng gana." Maarteng sabi ni Kim.

"Ako nga kahit di ka malungkot pag nakikita kita nawawalan na ako ng gana." I said blantly. Napaurong si Ara sabay sigaw na....

"BURN!!!!! HAHAHAH LITERAL, IMI!!!" Tumawa lang si Ara ng tumawa pero umirap lang si Kim at ako naman ay nilalaro ko lang yung pagkain.

"Huhuhu chainsmokers mga bes..." Sabi ko habang paiyak na.

Nagkatinginan naman yung dalawa sabay nagcountdown sila nang...

"3, 2, 1!!!!" Tapos biglang may kumatok. Nagtaka naman ako sa sinabi nila.

"Daks, ikaw na tumingin kung sino!!" Excited nilang sabi. Um-oo nalang ako at binuksan na yung pintuan.

At friends, si Jeron Teng lang naman po. Holding two tickets of The Chainsmokers Concert. Napanganga ako.

"I know you are waiting for a miracle, so, here I am." Ngumiti siya saakin.

Shiz.

Ang pogi.

Napatakbo nalang ako sakaniya at niyakap siya. Natatawa siyang niyakap din ako at ginulo gulo yung buhok ko.

"Iyan ba ang sinasabi niyong just friends lang?" Napatingin kami sa nagsalita. Si Kim, with Ara. Nakangiti na para bang wala nang bukas.

Oo, friends lang kami ni Jeron. May mga times na iniisip ko na baka gusto niya ako, pero sabi nga diba, don't assume. Kaya pinapahalagahan ko nalang muna yung friendship namin. Kung wala, wala talaga.

"Mga loka! Sige na aalis na kami ni Jeron! Bye!" Sabay hila ko kay Jeron palabas ng bahay.

The Chainsmokers, here we go!

--

ANG SAYA.

Nasa half palang ata kami ng concert pero grabe, ubos na yung boses ko kakakanta. Pati si Jeron din, buti di ko masyado narinig boses nya dahil sa ingay. Joke!

Nung nasa Closer na, bigla akong hinila ni Jeron papalapit sakanya at hinawakan nya ako sa waits. Natawa lang ako.

"Aba, porket nilibre mo ko sa concert ng Chainsmokers humohokage ka na ah?" Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa bewang ko. "Mika Reyes ata 'to." Binelatan ko siya at tumalikod sakanya para makikanta at sumabay sa crowd.

Nang biglang may bumulong sakin. Jeron.

"As if naman makakatakas ka sakin?" Tumigil siya at binack hug ako. "Jeron Teng ata 'to?" Ramdam ko yung pagngiti niya sa likod ko.

Shet, heart. Kalma lang. Kasing lakas mo na yung beat ng kanta eh.

Huminga ako ng malalim at humarap sakanya.

"Ano ba 'to, Jeron? Ano ba tayo?" Ngumiti siya saakin.

"Something worth it." Magsasalita pa sana ako nang dinagdagan nya.

"I know this isn't the perfect place, but I know it's the right time..I love you, Mika Aereen Reyes. Hindi kita dadalin dito ng tayo lang dalawa kung hindi ka special sakin. I planned this a month ago pa. Nagpatulong ako kela Ara kung paano ka namin papaniwalain na wala nang tickets. And ayun nga, eto na yun. It was all worth it. You are worth it." Napaluha ako sa 'speech' niya, and niyakap ko siya in return.

"Thank you, Jeron. Thank you for everything. Hanggang thank you muna ha?" Tumingin siya saakin at ngumiti.

"Oo naman, basta simula ngayon, liligawan na kita. Okay lang ba?" Nagkunwari muna akong nagiisip.

"Weh Mika?" Tumawa lang ako kasi biglang nalukot yung expression nya nung nakita nya akong nagiisip.

"Silly! Of course okay lang, si Jeron Teng ka diba? King Archer! Bigatin!!" Hinalikan niya ako sa forehead.

"I love you, Mika. Remember that."

"THANK YOU EVERYONE! TILL WE MEET AGAIN!" Napatingin kami sa harap. Tapos na pala yung show.

"Tapos na pala Je, di natin napansin." Natawa siya.

"You got distracted kasi sa face ko, hinay hinay lang kasi." Binatukan ko na.

The Chainsmokers, the best talaga kayo :)

At twitter...

@jeronteng Chainsmokers + @mikareyesss = HEAVEN. pic.twitter/j3m1k1sr3aL321 


**

A/N: JEMIK 2.0?? nope. nope. 


For me, for us rather, Jeron and Mika is the real meaning of JeMik.


 It will always be Jeron and Mika. 

Alternate UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon