Naabutan ko siyang papanhik ng kwarto niya kaya agad ko siyang sinundan.

"This will be the last time na pakialaman mo ang garden ni Mommy, maliwanag ba?"

"O-opo."

Lumabas na ako ng kwarto niya bago ko pa siya mapagalitan nang husto. Yumi is a brat. Palibhasa kasi unang apo na babae ng mga Villaceran kaya naman spoiled siya ng mga ito. But not to me. As much as possible, dinidisiplina ko siya para hindi lumaking pasaway. Tulad na lang ng nangyari. Uminit na naman tuloy ang ulo ko nang maalala ko ang nangyari sa mga bulaklak. Napahilamos na lamang ako ng mukha.

Mga ilang oras ko ring inabala ang sarili ko sa pagbabasa ng Wattpad bago ko naisipang bumaba para tingnan ang ginagawa ni manang Len. Malapit na kasing mag-gabi kaya siguradong darating na si Pangga mula opisina. Dalawang araw din kasi siyang absent dahil inalagaan niya ako nang nagkalagnat ako.

Si manang Len ang kasama namin dito sa bahay. May tagalaba naman kami pero stay-out. Ayaw kasi ni Bryce na marami kami dito sa bahay. Ayaw niya kasing ma-invade ang privacy namin.

"Manang, ako na ho d'yan. Pakitawag na lang po kay Yumi."

"O sige, luto na naman 'to. Ihahain ko na nga sana."

"Sige po. Ako na po."

Nang makaalis na si manang ay agad kong tiningnan ang niluto niya. Napangiti ako nang maamoy ko ang pakbet. Ni-request ko kasing ito ang iluto niya. Bigla kasi akong natakam nang makita ko ang kalabasa sa supermarket kanina.

Naglagay ako ng dalawang plato para kay Yumi at manang. Kapag kasi nagpapaalam na gagabihing umuwi si Pangga ay pinapakain ko agad ang anak namin para maagang makatulog. Ako naman ay hinihintay siya para may kasabay siyang kumain.

Saktong pagkahain ko ay siyang pag-upo ni Yumi sa kanyang puwesto.

"Manang, umupo ka na rin po. Ako na ang maghihintay kay Bryce para may kasabay siyang kumain." Tumango naman si manang at nilagyan muna ng kaunting kanin ang plato ni Yumi bago ang sa kanya. Pinanood ko na lang silang dalawa ngunit natigilan ako nang hindi man lang ginagalaw ng anak ko ang kanyang pagkain.

"Yumi, ano pang hinihintay mo? Big girl ka na, 'di ba? Don't tell me magpapasubo ka na naman." Ngunit hindi ito natinag. Nakayuko lang ito at tinitingnan nang masama ang pagkain sa kanyang harap.

"Yumi." Napatingin na rin si manang Len sa kanya. Parang wala lang kasi itong naririnig.

"Kumain ka na, baby girl. Masarap 'yan. O, eto tikman mo." Naglagay ng konting kanin at ulam si manang at akmang isusubo sa kanya ngunit umiling siya.

"Yumi, if this is about earlier, wala na. Hindi na galit si mommy sa'yo kaya kumain ka na," sabi ko ngunit umiling na naman siya.

"I don't like squash, Mom," maarteng tugon niya. Bigla na namang uminit ang ulo ko sa di malamang dahilan.

"Huwag kang mag-inarte, Yumi. Palagi ka na lang hotdog at chicken fillet. Masama 'yon. Kailangan mo ring kumain ng gulay. Kainin mo 'yan o ako ang magpapakain sa'yo," banta ko ngunit umiling na naman siya at nagsimulang tumulo ang kanyang luha.

"Can I have bacon instead?"

"No! Tingnan mo nga ang katawan mo, ang payat-payat mo. Kainin mo 'yan. Huwag na huwag kang tatayo d'yan hangga't hindi mo 'yan nakakain, maliwanag ba?" Nagkatinginan naman kami ni manang at sabay na umiling.

"But I hate vegetables, Mom!"

"Yumi!" Kumulo ang dugo ko nang padabog nitong inusod ang kanyang plato. Ito talaga ang kinaiinisan ko sa ugali niya. Masyadong maarte. Hindi ko alam kung kanino nagmana.

The Scorned LoverWhere stories live. Discover now