Epilogue

98.4K 2K 121
                                    

2 years later...

"GINTO!"

"Ay kabayo!"

Biglang natigil ang imagination ko nang bigla akong batukan ni Lucicar. Iyon na eh! Malapit na malapit na sana! Malapit na sana ang moment namin ni Pangga sa imagination ko. Dakilang epal talaga 'tong si Besh.

"Besh naman! Anong problema mo?!"

"Problema? Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako pinapansin. Para kang timang na nakatulala sa lalaking nasa counter." Kumurap naman ako at inayos ang aking pagka-upo saka itinuloy ang pagsubo ng fries.

"Seriously? Ano naman 'tong trip mo sa buhay, Besh? Masyado mo nang sinasamantala ang kabaitan ni Bryce. Hindi ka na naawa. Pinag-franchise mo siya sa fastfood na 'yon pagtapos ginawa mo pa siyang service crew!"

Napairap ako sa tinuran ni Lucicar. Kasalukuyan kasi kaming nasa favorite fastfood chain namin. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako kay Pangga habang ini-imagine ko ang moment namin.

"Hindi naman niya ikakahirap ang pagiging service crew ng tatlong araw lang. At saka siya na rin ang may sabing gagawin niya lahat para sa'kin, di ba?"

"Alam mo Besh, minsan hindi ko maiwasang isipin na pinaglalaruan mo lang yung tao. Hindi ibig sabihing patay na patay sa'yo yung tao aabusuhin mo. Mahal mo ba talaga siya?" I rolled my eyes on her. Heto na naman ang walang katapusang sermon ng napaka-loyal kong bestfriend.

"Ano bang klaseng tanong 'yan, Besh? Of course, I love him."

"E kung gano'n, bakit dalawang taon mo na siyang tinitikis? Akala mo ba hindi ko alam ang pinaggagawa mo sa kanya? Alam kong palagi kang nagdi-ditch sa date n'yo. At alam ko ring palagi mo siyang pinagtataguan sa tuwing pinupuntahan ka niya sa bahay n'yo. Tita told me everything."

Wala sa sariling napatingin ako sa counter. Hindi magkandaugaga si Pangga sa pagbigay ng orders ng mga customers. This is actually his second day being a service crew. Masyado na ba akong perfectionist? Parang hindi naman ah. Parang masaya pa nga siya sa kanyang ginagawa.

Yes, it's true. Dalawang taon na ang nakalipas magmulang nang magkaayos kami. Sa loob ng dalawang taon ay ipinakita niya sa'kin kung gaano niya ako ka mahal. Siyempre, gustong-gusto ko naman. Sino naman kasi ang mag-aakalang ang lalaking nililigawan ko noon ay mahal na ako ngayon.

"Hayaan mo na nga lang kami, Besh. Ang love life mo ang atupagin mo. Balita ko umaaligid na naman sa'yo ang past BF mo." Bigla na lamang umasim ang kanyang mukha at tiningnan ako nang masama. Napailing na lang ako at tiningnan ulit si Pangga. Saktong pagtingin ko sa kanya ay nakasalubong ko pa ang kanyang tingin. Kinindatan niya ako kahit na hirap na hirap siya. Alam kong hindi siya sanay sa mga ganito, kaya nga sinadya kong ipagawa 'to sa kanya.

"Ewan ko sa'yong Ginto ka! Alam mo, marami pa akong gagawin. Mauna na ako sa'yo. Wala akong balak na samahan ka sa mga pinaggagawa mo!"

"Ingat, Lucicar! Huwag na huwag kang magpapadala. May tamang panahon!" Isang matinding irap ang ibinigay niya sa'kin bago tuluyang lumabas ng fastfood.

Napatingin akong muli sa counter nang mapansing naubos na ang fries na kinakain ko. Tumayo ako lumapit kay Pangga. Agad naman niya akong hinarap. "May kailangan ka, UK?"

Biglang sinalakay ng mga bulate ang aking heart!

Bakit nakakakilig pakinggan sa tuwing tinatawag niya ako nang ganun? Ayaw kong tawagin niya akong Baby, kaya ipinatigil ko 'yon sa kanya.

"Wala naman. Uuwi muna ako, Pangga." Bumalatay ang lungkot sa kanyang mukha. Halatang ayaw niyang akong umalis.

"P-puwedeng mamaya na lang?"

The Scorned LoverWhere stories live. Discover now