W.R - 8 ( Karera )

Start from the beginning
                                    

uh-oh! seems like trouble..

hindi na nakasagot si Ericka ng
narinig namin ang pagbukas ng pintuan sa likuran namin. lumabas dun' si Jaime na naka-gear up na para sa race. nagulat pa ito saglit ng makita ang dalawa.

" hello' sweetheart.." malambing na salubong sa kanya ni Ericka. bumitaw ito sa kasama at nakipag beso kay Jaime. yayakap pa sana ito, kaso hinila na siya ni Ethan. wow! possessive si fafa Lee. keber???!

nagpout ng kanyang labi si Ericka sa ginawi ni Ethan.

" don't be jealous honey. i told you JV is my friend. ganyan lang talaga ako sa kanya sweet. " hayag nito sa huli.

" I don't like to see you flirting with other guy. " pabulong na sabi ni Ethan na hindi naman nakaligtas sa pandinig namin.

nilingon ko si Jaime, ng bigla itong umakbay sa akin.

" Are you alright?. " parang nag slow ang lahat ng magtama ang aming mga mata. his sweet voice echoed in my mind. i simply nod at him. he pinch my cheek and patted me.

" Just watch me okay.? i need you to shout my name kapag natalo ko ang mga 'yan. " turo niya sa ibang mga racer. humalukipkip lamang ako at nginitian siya.

tumingin ako sa dalawa na nasa harap ko.

" oh' i almost forgot i need to change now, malapit na ang race. " sabi ni Ethan.

" Sasali ka..? " magkapanabay na tanong namin dalawa ni JV.

kunot noong tiningnan kami ni Ericka.

" of course! he's going to race. kaya nga kami nandito dibeey?.."
pabaklang sagot nito.

" you invited me, Mr. Montevallo. remember?." sabi ni Ethan kay JV.

shunga! din palang isang 'to makakalimutin. kailangan nito memo plus gold na inumin. tsk!

kaya pala ibang kotse ang dala ni Ethan. isang Chrysler Viper na model na nakaukit dun ang nakita ko. tapos sa likod nito nakalagay 'Hush'. then sa may hoodie nito nakadesign naman 'Hot & Crazy'. ang weirdo ng mga nakasulat dun.'

" Alright..alright, get yourself ready. " surrender na sabi nito. habang nakataas ang dalawang kamay.

bumaling ako ulit ng tingin kay Jaime ng magsalita ulit ito kay Ethan.

agad din umalis si Ethan para magpalit. sinamahan ito ni Ericka. infairness ang cool nilang tingnan dalawa.

" do you have a crush on him..?" tinanggal ko ang tingin ko kina Ericka at hinarap ang taong kasama ko ngayon.

" crush? kanino..? " tanong ko kay Jaime.

" Ethan.." simpleng sagot niya lang.

wow! ibang klase din itong isang 'to. tiningnan ko lang crush na agad?. matinde!

" hindi ah..." tanging nasabi ko lang.

naramdaman ko ang kanyang presensya na lumapit pa sa akin. umupo din siya sa gutter kung saan ako nakaupo. nakamata lamang ako sa ibang mga racer ngayon na sumasabay sa tugtog.

" good! because i don't want to see you admiring someone other than me. do you get me Tabby pea?." aniya sa husky na boses.

nilingon ko siya, isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa akin. sheyt! kilig pems!

nagiwas ako ng tingin. hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga titig. those expressive eyes.

hanggang sa yumuko na ako dahil hindi ko kayang tagalan ang kanyang mga mata na tila nangungusap dahil sa reaction ko, dahil sa sinabi niya. nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagsupil ng aking ngiti.

WILD RIDE ( Wild Series 1 : Jaime & Tabitha) R-18 COMPLETEDWhere stories live. Discover now