Chapter 8

0 0 0
                                    

Kanina pa si Daniel sa loob ng fastfood. Halos isang oras na. Gutom na gutom na siya. Kanina pa niya gusto bumili ng makakain pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Konting tiis pa. Kaya ko pa.

Maya maya ay humahangos ng dumating si Irene. Magulo pa ang buhok at pawis na pawis. "Mahal sorry late ako. May pinagawa pa kasi sa akin eh." Sabi ni Irene sabay halik sa labi ng nobyo. Nakasimangot si Daniel. Hindi kumikibo. Nakatingin lang sa menu. Binaling ang tingin kay Irene. Matalim ang mga mata at sinabing: "Umorder na tayo bago pa kita kainin!" Sagot ng binata. Sabay silang nagtawanan at tumayo papuntang counter. Ganito ang sitwasyon nila. Masaya. Makulit. Walang away. Walang pride. Handang magpatawad sa pagkakamali at pagkukulang ng bawat isa. Pangarap ni Irene ang ganitong relasyon. At buong buhay ding hinahanap ni Daniel ang katulad ni Irene.

Pero sa sulok ng utak ni Daniel ay nababahala siya. Dahil kaya niya lamang naibibigay ang kasiyahan ng dalaga ay dahil sa pagbabasa ng isipan nito. Paano kung bigla itong mawala? Paano kung pag gising niya isang araw ay hindi na niya mabasa ang isipan nito? Magiging masaya pa kaya sila? Ngunit sa ngayon ay sinasamantala na lamang nila ang kasiyahan sa isat isa. Saka na niya iisipin yun pag nangyari na. Sa ngayon ang mahalaga ay masaya sila.

2pc chicken, spaghetti, cheeseburger, large french fries, at ice cream ang tumambad sa lamesa ng magkasintahan. Nanlaki ang mata ni Irene sa tuwa. Napangiti na lamang si Daniel sa kinikilos ng nobya. Kukunin na niya ang cheeseburger ng bigla syang tanungin ni Irene. "Mahal, ano kakainin mo? Bakit di ka umorder ng syo?" Natigilan si Daniel. Kay Irene pala lahat ng inorder nila. Akala niya share sila. Kinurot na lamang niya ang pisngi ng dalaga. Kamot ulong tumayo si Daniel patungong counter.

"I love you Mahal." Pahabol ni Irene sabay tawa.

Nanood sila ng sine. Yung nakakatakot. Tili ng tili si Irene. Takot naman pala pero yun pa din gusto panoorin. Paglabas nila ng sinehan ay nag siomai muna sila bago umuwi. At hinatid na niya si Irene sa bahay bago siya dumaan sa isang convenience store para magkape.

Sa loob ay nakaupo siya habang umiinom ng kape. Nagiisip kung tama ba ang pinasok niya. Tatlong buwan na sila ni Irene. Masaya siya. Mahal niya ito. Pero may mali. Dahil dinadaya niya si Irene. Kung hindi niya ba alam ang takbo ng isip ng dalaga ay mapapamahal kaya siya nito? Malalaman ba niya ang dapat gawin kung sakaling galit ito o masama ang loob? Minsan naiisip niyang ipagtapat kay Irene. Pero paano niya ipapaliwanag sa dalaga ang lahat? At mauunawaan kaya siya nito?

"Isang yosi pa tapos uwi na ko." Sabi ni Daniel sa sarili habang nakatambay sa labas ng convenience store. Tumingin sya sa itaas. Daming bituin. Bilog ang buwan. Tumingin siya sa paligid. Napansin niyang ito din pala ang madalas nilang puntahan na convenience store ni Samantha noon. Pinagmasdan niya ang kanyang kotse. Napapangiti siya dahil parang nakikita niya pa din si Irene sa passenger seat habang nagmamaneho siya. Kinukulit siya at kinukurot sa pisngi. "Mahal" - sarap sa pakiramdam kapag tinatawag siya ni Irene ng mahal. Ramdam niyang tunay. Dahil wala itong pakialam kung minsan ay wala siyang perang pang regalo sa kanilang monthsary. Or kung wala man siyang budget pag lumalabas sila. Dahil gusto ni Irene hati sila sa lahat ng bagay. Bigayan lang. Walang lamangan. Dahil ang pagibig daw ay hindi tungkol sa pera. Tungkol ito sa pagmamahal na kaya mong ibigay ng walang halong panunumbat at walang sapat na paliwanag. Gagawin mo ito kasi mahal mo. Hindi dahil sa laman ng bulsa ng isang tao.

Pasakay na siya ng kotse nang may humawak sa balikat niya. Paglingon niya ay isang matandang pulubi na tila nanghihingi ng pagkain. "Wala po akong pagkain pasensya na." Wika ng binata. Nasa loob na siya ng kotse ngunit hindi pa din umaalis ang matanda. Nakatayo pa din ito sa gilid at nakatingin sa kanya. Binaba niya ang salamin ng kotse. "Manong eto po ang pera, bumili na lang po kayo ng makakain ninyo." At inabot niya ang 50 pesos.

Nakatingin lang ang matanda. Hindi kinuha ang pera. Lumapit ito bahagya sa kanya at nagsalita. "Hindi pera ang kailangan ko Daniel. Ang kailangan ko ay ang kakayahan mong magbasa ng isipan ng isang tao."

Nagulat si Daniel sa narinig.

Itutuloy...

RewindWhere stories live. Discover now