Chapter 6

1 0 0
                                    

11:45pm. Labinglimang minuto bago sumapit ang Kapaskuhan. Lahat ng tao sa bahay nina Irene ay abala sa paghahanda. Nais tumulong ni Daniel ngunit pinigilan siya ni Irene. "Dyan ka lang at uminom ng kape. Kami na bahala dito." Sabay ngiti.

Nahihirapan na siyang magpigil. Hindi na nya kayang itago ang nararamdaman. Pero bumabalik balik sa kanya ang ginawa ni Samantha. Ang pinaasa at sinaktan sa huli. Ayaw na nya maulit ito. Maaaring sa simula lang kami magiging masaya ni Irene. Kaya dapat mabasa ko sa isipan niya kung ano ang plano nya at kung hanggang saan ba kami hahantong.

"Maligayang pasko Daniel! Salamat sa lahat. Sana ay huwag kang magsawa sa ugali ko. Hahaha!" Halata ang kasiyahan sa boses ni Irene. "Maligayang Pasko din syo Irene. Salamat sa pagdating mo sa buhay ko. Binigyan mo ko ng dahilan na ayusin muli ang sarili ko." Ani Daniel.

"Mahal kita Daniel. Pero takot akong sumubok muli." Sabi ng isipan ng dalaga. Nagulat si Daniel sa nalaman. Gusto na niyang sabihin na mahal din kita Irene! Pero nagpigil sya. "Andito lang ako para syo. Hindi kita iiwanan. Mahalaga ka sa akin." Yun lang ang nasambit niya. "Sana mahintay mo ako. Pag handa na ako." Sabi ng utak ni Daniel.

"Salamat Daniel. Tara na kumaen na tayo. Gutom na ko eh." Nakangiti ang dalaga habang hatak ang kamay ni Daniel papuntang hapag kainan. Pagkatapos magdasal ay sama sama nilang pinagsaluhan ang handa nila sa araw ng Pasko.

Tulad ng dati, umabot ng ilang oras ang hapunan nila dahil sa biruan at tawanan ng dalawa. Parang hindi mauubusan ng kwento. Umakyat na sa kwarto ang mga magulang ni Irene. Nagligpit na at handa nang matulog ang kanilang kasambahay. Hanggang silang dalawa na lang ang naiwan sa sala.

"Kape? Pampatunaw ng nilamon mo. Hahaha!" Talagang masaya si Irene. Halatang maligaya sya at nasa bahay niya si Daniel. Nagtimpla na ang dalaga ng kape at sinabing "lipat tayo dun sa labas, para makapag yosi ka habang nagkakape."
Kanina pa nagtitimpi si Daniel. Unti unti nang lumalambot ang puso niya. Pati ang paninigarilyo at baho ng hininga niya ay tanggap ng dalaga. Lahat ng pangit sa ugali at pagkatao niya ay buong buo na tinanggap ng dalaga.

"Salamat." Ngumiti si Daniel sabay abot ng tasa ng kape. Bahagya niyang nahawakan ang kamay ni Irene. Madalas naman niya ito nahahawakan ngunit may kakaibang sensasyon siyang naramdaman ngayon. Parang nakuryente sya. Tila naramdaman din ito ni Irene kaya bigla din itong bumitaw.

Habang nagkakape siya, si Irene naman ay umiinom ng gatas. Nakatingin sa labas ng gate habang nakikinig ng mga kantang pamasko. "Anong oras ka uuwi Daniel?" Tanong ni Irene. Napatingin si Daniel sa kanya. "Pinapauwi mo na ba ako?" Sabay ngiti. "Hindi naman. Baka lang mahirapan ka umuwi kasi karamihan ng gate sa subdivision ay sarado na. Baka sa kabilang side ka pa paikutin ng guard." Sagot ni Irene. "Pwede ka naman dito matulog magsabi ka lang." Sambit ng isipan ni Irene. Na hindi nakaligtas kay Daniel. "Saan kaya ako pwede matulog dito? Dun sa sofa?" Tanong ng binata. "Pwede naman, bigyan na lang kita ng kumot at unan." Sagot naman ni Irene. "Hindi ba pwedeng tabi tayo sa kwarto mo?" Sabay tawa ni Daniel. "Gago ka! Hahaha!" Sigaw ni Irene. Pero sabi ng isip niya ay "Gusto mo ba? Sabihin mo lang kasi." Hirap na hirap na si Daniel. Nababasa niya ang isip ng dalaga kaya alam niya ang lahat. Hirap na hirap na sya magpigil.

Kaya niya bang labanan ang tawag ng laman at mapanatili ang kanyang katinuan sa kabila ng mga pinapakita at pinaparamdam ni Irene? Hanggang kailan niya kaya ito kayang labanan? Sapat na ba ang nararamdaman niya para papasukin si Irene sa buhay niya? Handa na ba siyang sumugal muli?

Itutuloy...

RewindWhere stories live. Discover now