Chapter 4

1 0 0
                                    

Siyam na araw pa ang inilagi ni Daniel sa ospital. Siyam na araw pa na gamutan. Siyam na araw na pagtitiis sa pagkain ng ospital. Pero siyam na araw din na kasiyahan dahil sa dami nang kanyang nalaman tungkol sa pagkatao ni Irene. Huwebes, alas kwatro ng hapon nang dineklara na ng doctor na maari na siyang umuwi kinabukasan. Magkahalong lungkot at saya ang kanyang naramdaman. Saya dahil sa wakas ay makakabalik na siya sa kanyang bahay at babalik na sa dating ikot ang kanyang mundo. Ngunit kaakibat nito ay lungkot dahil hindi na niya makikita araw araw si Irene. Pero meron siyang binitawang pangako dito. Ang nais niya itong tuparin.

"Irene, uwi na ko bukas. Huwag mong kalimutan yung usapan natin ha?" Sabi ni Daniel. Napatingin sa kanya si Irene at sinabing "Napagusapan? Ano yun?" Sabay ngiti. Lumabas na namang muli ang mga dimples ng magandang dilag. Kasabay nun ay ang pagbasa ni Daniel sa kanyang isipan na nagsasabing "Inaaya yata ako ng mokong na ito na mag date kami. Pero ayoko mag assume. Baka gusto lang talagang bumawi sa akin."

"Gusto ko lang magpasalamat sa kabutihang ginawa mo sa akin Irene. Sana mapagbigyan mo ko. Magkaibigan naman tayo di ba?" Tanong ni Daniel. Ngumiti at tumango si Irene. "Ayan ah pumayag ka na. Wala nang bawian. Sa sabado sunduin kita dito. Alas nuwebe ang tapos ng shift mo di ba?" Muling tumango si Irene. Tila hindi makapagsalita. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ng dalaga. Sigaw ng kanyang isipan "Dahan dahan lang. Baka mahulog agad ang loob ko sa kanya. Mahirap na. Mukhang babaero ata ito" Na hindi nakaligtas kay Daniel. Dahil sa sulok din ng isipan niya ayaw niya din masyado seryosohin ang dalaga dahil baka masaktan na naman siya. Pero dahil sa kanyang panibagong kakayahan na magbasa ng isip, napagtanto niya na habang maaga pa lang ay malalaman na niya kung anong klaseng babae si Irene.

Sabado, alas siyete pa lang ng gabi ay hindi na mapakali si Irene. Hindi malaman kung anong ayos ang gagawin sa kanyang buhok. Kung ano ang kanyang susuotin. Dalawang taon na din ang lumipas nang huli siyang magka nobyo. Na humantong sa hiwalayan dahil nahuli niya itong may kasamang babae na lumabas ng motel. Hinding hindi niya makakalimutan ang sakit na ito kaya sa kabila ng pagkagusto niya kay Daniel ay pinipigilan niya ang kanyang sarili. Taliwas naman sa plano ni Daniel. Nais niyang makilala ng lubusan ang dalaga kaya nais niyang malaman lahat ng maari niyang mabasa sa isipan ng dalaga pag nagkita na sila. Sisiguruhun niya na mahal na muna siya ni Irene at nahulog na ang loob nito sa kanya bago niya ligawan. Mahirap na, baka masaktan at iwanan na naman ako.

Limang minuto bago mag alas nuwebe ay nasa ospital na si Daniel. Simpleng shirt at jeans ang suot nito na tinernuhan ng sneakers. Malayo pa lang siya ay nakita na siya ni Irene. Kaya naman nagmamadali na din siyang tumungo sa locker room upang magbihis. Naisip niya na ganun na lang din ang kanyang susuotin. Mas komportable. Mas simple.

Paglabas niya ay sinalubong na agad siya ni Daniel at sinabing "Saan mo gusto kumain? Hindi ba sinabi ko syo kahit saan mo gusto dadalhin kita dun?"  "Ikaw na lang ang bahala Daniel." Ika ni Irene. "Mang inasal please, para unli rice." Sigaw ng utak ni Irene. Na sinagot naman ni Daniel nang "Doon tayo sa may unlimited rice kasi gutom na gutom ako. Namiss ko ang matinong pagkain." Sabay tawa. Napatingin si Irene sa kanya at napangiti. "Parang maghuhula si Daniel. Lahat ng iniisip ko parang alam na alam niya. Soulmate ba ang tawag dito?"

Tulad ng nais ni Irene sa Mang Inasal nga sila kumaen. Hindi nila matapos pareho ang kanilang mga inorder dahil puro sila kwentuhan at tawanan. Halos lahat ng tungkol sa pagkatao ni Irene ay inalam niya. Pati ang maliliit na detalye hindi niya pinalampas. Hanggang sa mapansin ni Irene "Teka muna, bakit laging puro sa akin ang topic. Ikaw naman ang magkwento. Para makilala naman kita di ba?" "Ah ganun ba? Sige, ano gusto mo malaman?" Sabi ni Daniel.

"Bakit ka ba naglasing noon at naaksidente? May problema ka ba nung mga oras na yun? Wala ka man lang bang mga kaibigan na pwedeng sumama syo sa mga ganung sitwasyon? Ang nobya mo asan siya? Bakit ka niya pinabayaan mag-isa?" Sunod sunod na tanong ni Irene.

Tinaas ni Daniel ang ulo, huminto sa pagkain at sinulyapan si Irene. Sa kabila ng mga tanong ng dalaga ay nag-iisa lang ang tumatak sa kanya. Ang kaisa isang tanong na sinisigaw ng isipan ni Irene.

"Marunong ka bang magmahal ng totoo?"

Itutuloy...

RewindWhere stories live. Discover now