Chapter 2

1 0 0
                                    

Sabado, alas sais ng gabi. Naghahanda na si Daniel sa pagpunta niya kay Samantha. Sinuot niya ang paboritong damit at sapatos na bigay sa kanya ni Samantha. Nagsuklay ng maayos na ayon sa gusto ng dating nobya. Ginamit ang mamahaling pabango na tuwing may okasyon niya lamang ginagamit. Nagbaon ng mint spray upang hindi siya mag amoy yosi. Dahil ayaw ng dating nobya niya ang paninigarilyo. Isang silip muli sa salamin sabay lakad patungong pinto. Sumakay sa kotse at bumiyahe papuntang Dangwa upang bumili ng paborito nitong bulaklak. At tsokolate.

Alas otso ay nasa tapat na siya ng bahay ni Samantha. Kinakabahan at namumutla dahil isang buwan na ang nakalipas nang huli silang nagkita. Nasasabik na siyang makita ito. Inayos muli ang sarili at binuksan ang pintuan ng kotse. "Kaya ko to." Aniya.

Sinimulan na niyang maglakad. Paulit ulit sinasabi sa sarili ang mga dapat itanong kay Samantha. Pakikiusapan niya na bigyan pa siya nito ng isa pang pagkakataon. Kumatok siya sa pinto.

"Daniel, iho napadalaw ka?" Sabi ng ina ni Samantha. "Magandang gabi po. Maari ko po bang makausap si Samantha?" "Sandali lang at tatawagin ko." Sabi ng ina. "Pasok ka at maupo."
"Salamat po at pasensya na sa abala." Sabi ni Daniel.

Mga ilang minuto din siyang naghintay bago bumaba si Samantha. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Punong puno ng pagmamahal ang mga mata ni Daniel. Ngunit taliwas sa inaasahan ni Daniel. Isang matamlay at walang ganang Samantha ang humarap sa kanya.

"Bakit ka nandito? Hindi ba nag-usap na tayo. Ayoko na Dan. Walang patutunguhan ang relasyon natin." Wika ni Samantha.
"Pero Sam, andito ako para humingi ng isa pang pagkakataon. Kung anuman ang mga pagkakamali ko ay itatama ko huwag ka lang mawala sa akin." Wika naman ni Daniel habang naghihintay kung anong mababasa niyang tumatakbo sa isip ni Samantha.

"Ayoko na Dan. Pakiusap umalis ka na." Ito ang sambit ni Samantha.

Ngunit iba ang sinambit ni Samantha sa kanyang isipan: "Maliit lang ang sahod mo. Kulang para sa atin. Hindi mo nga mabili mga gusto ko. Kailangan mo pa magipon para dun. Nakabili na lahat ng mga kaibigan ko pero ikaw nagiipon ka pa din. Ayoko ng ganung buhay. Kaya lang naman kita sinagot kasi akala ko mapera ka. Hindi naman pala."

Parang bombang sumabog sa mukha ni Daniel ang mga nabasa niyang tumatakbo sa isipan ni Samantha. Hindi niya akalain na sa kabila ng pagmamahal na binigay niya ay materyal na bagay pala ang higit na nagpapaligaya dito. Gusto na niyang mamatay sa sandaling iyon. Magkahalong galit at pagkaawa sa sarili ang kanyang naramdaman. Pinilit niyang ngumiti at inayos ang sarili. "Ganun ba? Sige hindi na kita aabalahin pa." Tumayo si Daniel at tumalikod upang hindi makita ni Samantha ang kanyang pagluha.

Pagbalik sa kotse doon niya nilabas ang luhang kanina pa gustong bumagsak. Muli na namang dumugo ang sugat na iniwan ni Samantha sa kanyang puso. Dahil sa mga nalaman niya ay lalong humina ang loob niya na magkakabalikan pa sila. "Ayoko nang maulit ito. Simula ngayon ay babasahin ko mabuti ang nasa isipan ng isang babae bago ako muli magmahal. Tama na ang hirap at pasakit. Pagod na pagod na ko masaktan."

Nagmaneho palayo si Daniel. Hindi alintana ang tulin dahil sa galit na nararamdaman. Mabilis ang takbo ng sasakyan dahil sa pagnanais makalayo sa bahay ng dating nobya. Wala siyang maisip na pupuntahan. Ang tanging nais niya lang ay makalayo.

The Oracle. Isang bar sa Pasay City. Alas onse ng gabi. Dito napadpad si Daniel. Ang nais niya ay makalimot. Malasing at maging manhid. Sa oras na ito, alak lang ang tangi niyang kakampi. Gusto niyang sirain ang buhay niya. Wala siyang makitang dahilan upang mabuhay pa. Mahal na mahal niya si Samantha.

Isa, tatlo, lima, hanggang sampung bote na ang naiinom ni Daniel. Ayaw na ng katawan niya ngunit gusto pa ng utak at puso niya. Hindi pa daw siya lasing. Hindi pa siya manhid.

Pinatigil na ng manager ng bar ang pagbibigay sa kanya ng alak. Wala na siyang dahilan upang manatili doon. Nagbayad na lamang siya at lumabas. Sumakay sa kotse at naghanap ng bar na lilipatan. Malaki ang Pasay City. Nagkalat ang mga inuman sa hanay ng Baclaran patungong Roxas Blvd. Hindi siya titigil uminom. At umarangkada na siya patungo doon.

Dulot ng matinding sama ng loob, galit, hinagpis, awa sa sarili, at dami ng nainom kasama ng mga luhang nakatumpok sa kanyang mga mata ay hindi niya namalayan ang kotseng nasa gilid niya habang bumababa ng flyover. Nasagi niya ito at pareho silang patumbok sa mga punong nakatayo sa gilid ng highway. Sa tulin ng kotse niya ay bahagya niyang naitulak palayo sa puno ang nasaging sasakyan kaya siya ang sumalpok sa puno. Naaninag niya pa ang mga taong nilalabas siya ng sasakyan at ang babaeng nagpakilalang nurse na sumusuri sa kanya.

Doon niya nakilala si Nurse Irene.

Itutuloy...

RewindWhere stories live. Discover now