Chapter 4: Voin D'yavola Vs. Dark Phonix

80 2 0
                                    

Chapter 4: Voin D'yavola Vs. Dark Phonix

Someone's Pov

Nagising ako dahil sa mataas na sikat ng araw na nagmumula sa kwarto ko. Kaya naman tumayo na ako sa kama ko para gawin yung morning rituals ko. Pagkatapos kong maligo sinuot ko na yung uniform. I bunned my red hair, naglagay na din ako ng contact lense, konting powder at lipbalm lang ok na, ready na ako para sa boring na school na yon. Pagbaba ko sa hagdan nakita ko si Callix na naghahanda ng pagkain. Mukhang napansin niya ako kaya napatingin siya sa direksyon ko.

"Good morning, Young lady" (bow) bati niya sakin pero hindi ko siya pinansin. Umupo na ako sa upuan ko at nagsimula ng
kumain.

After I finished my breakfast, tumayo na ako para pumunta sa garahe. Dumating na kasi yung kalahati ng sasakyan ko kaya naman hindi na ako magpapahatid kay Callix. Pagdating ko sa garahe pinili ko na lang yung sports car ko na kulay red, since it's my favorite color too.

Pagdating ko sa school halos lahat ng mga stupidyante nakatingin sakin or I would rather say sa sasakyan ko. Paglabas ko ng sasakyan ko lahat ng mata nakatingin sakin. Hindi ko na lang sila pinansin tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng may bigla na lang bumangga sakin. At syempre hindi na naman mawawala ang bulungan.

ohh! My mukhang mawawalan na tayo ng isang bitch!

Oo nga girl! tama ka diyan sa lahat ng taong babanggain niya yung leader pa ng Dark Phonix..

Well good luck na lang sa kanya hahah!!

"Hey! watch where you're going little girl." Nakayuko ako kaya naman hindi niya nikikita yung mukha ko. "Stupid girl!! are you lis----" at dahil ayaw na ayaw ko yung sinisigawan ako. Hinarap ko na siya mukhang nagulat siya ng makita ako.

"Don't call me stupid." Cold na sabi ko sa kanya. Akala ko nag-iisa lang siya may mga kasama pala siya bali lima sila at puro lalaki pa. Hindi masyadong pamilyar yung mukha nila ngayon ko lang sila nakita. At kakaiba din yung suot nilang uniform siguro taga ibang school.

"Ohh! look like we found a beautiful girl." sabi nung lalaking blonde yung hair.

"You're right! Ruki." sagot nung isa pang lalaki na tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"So what's your name? little girl" hahawakan na sana ako nung lalaking mukhang leader nila ng may humila sakin pagtingin ko si palakimero na naman with his company.

Ryou's Pov

Sabay-sabay kaming pumasok ngayon dahil sa HQ na kami natulog. Papunta na kami sa classroom namin ng mapansin ko na may mga estudyanteng nagkukumpulan kaya naman tinanong ko yung lalaking papalapit sa pwesto namin.

"Hey! Anong meron dun?" (turo sa mga taong nagkukumpulan) tanong ko sa kanya.

"A-hh! K-asi na-bang-ga n-ung transferee yung l-eader ng D-ark P-honix" pautal- utal na sagot niya sakin sabay takbo.

"Ryou, anong sabi nung lalaki may artista bang dumating kaya nagkukumpulan sila doon" biglang tanong ni Yui habang naglalaro ng COC sa cellphone niya.

"Si Zumi daw nabangga niya yung leader ng Dark Phonix" sagot ko sa kanya habang nakatakip yung tenga ko. Nagreready lang kasi siguradong sisigaw yan.

"Ahh! yun lang pal---- WHAT!! Anong ginagawa ng Dark Phonix dito?" Oh! diba sabi na sisigaw siya ehh! Pati tuloy sina Yuri, Ayah, Yuuichi nagulat sa pagsigaw niya maliban kay Takuma.

"Yui, ano ba? Wala ka naman sigurong balak na sirain yung ear drums namin nuh, ano bang problema mo??" Hindi na niya pinansin yung sinabi ni Ayah. Naglakad siya papunta sa mga taong nagkukumpulan kaya naman wala na kaming nagawa kundi ang sundan siya.

The Gangster Fallen Angelحيث تعيش القصص. اكتشف الآن