Chapter 3: Trouble

84 3 0
                                    

Chapter 3: Trouble

Yuuichi's Pov

Awww!! Grabe ang sakit ng ginawa ng babaeng yon.. tama ba naman na sikmurahan ako. Tomboy siguro yon kasi hindi tinatablan ng charm ko. Ito namang mga kaibigan ko nagpipigil ng tawa tsk!

"Pwede ba itawa niyo na yan at baka kung saan pa yan lumabas!" Baka mangamoy pa dito sa classroom.

"Ppffft.. hahahhahaa!! Grabe dude laugh trip" sige lang Ryou, itawa mo lang yan mamaya ka lang sakin.

"Ou! nga hahahahh! Edi nakahanap kana rin ng katapat mo! Hahah!" isa pa tong pinsan ko, nakisama pa hindi man lang ako pinagtangol. Babatukan ko na sana sila ng bigla na lang tumayo si Takuma.

"Where are you going, Takuma?" Tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ko pa rin yung sikmura ko grabe ang sakit talaga.

"Cafeteria." Sabi niya at tumayo na siya sa upuan niya Kaya naman sinundan narin namin siya kasi kanina pa ako nagugutom.

*CAFETERIA*

Yui's Pov

Grabe laugh trip talaga yung nangyari kay Yuuichi, biruin mo yun transferee lang pala ang katapat niya. Sobrang cool talaga nung transferee kaya gusto ko siyang maging kaibigan. Pagpasok pa lang namin sa loob ng cafeteria tilian na agad ang bumungad saamin.

Kyahh! Ang mga Princes and Princesses...

Girl! Look ohh! Ang gwapo at ang gaganda talaga nila wahhh!!

Tama ka girl! Lalong-lalo na si Prince Takuma! Kyaaahhh..

Ilan lamang yan sa mga babaeng walang sawa sa kakatili kala mo naman papansinin sila ng mga yan. Pagpasok namin sa loob umupo na kami sa table namin, may sarili kasi kaming table dito sa cafeteria kaya naman kahit late na kami pumunta dito may uupuan parin kami heheh!

"Guys! Ako na lang yung bibili ng foods natin" sabi ni Ryou, tapos tumayo na siya para bumili ng pagkain. Habang inaantay namin si Ryou, palinga-linga naman ako dito sa upuan ko hinahanap ko kasi si Izumi.

"Hey! Yui, sino bang hinahanap mo?" Napansin pala ako ni Ayah.

"Ahh! Hinahanap ko kasi si Izumiko." Pagkasabi ko ng pangalan niya lahat sila tumingin sakin maliban lang kay Takuma.

"Bakit mo naman siya hinahanap magkakilala ba kayo?" Wow! Nagsalita narin sa wakas ang kambal ko.

"Hindi pero gusto ko siyang maging kaibigan, ang cool niya kasi hehehe." Sabi ko sa kanila na amuse na amuse totoo naman kasi ang cool niya talaga lalo na nung sinalo niya yung patalim ni Miyoka.

"Tsk! Kung gus--" hindi na natapos ni Yuuichi yung sasabihin niya dahil dumating na si Ryou, bitbit yung mga pagkain namin kaya naman nagsimula na kaming kumain. Susubo na sana ako ng mapansin ko si Izumiko na palinga-linga habang may bitbit na tray. Mukhang wala na siyang upuan kaya naman tumayo ako para lapitan siya.

Izumiko's Pov

Fuck! That guy! Wag lang sanang magcross ang landas namin. Pagkalabas ko ng room pumunta na lang ako sa Cafeteria dahil lunch na. Pagpasok ko matatalim na tingin ang binigay nila sakin ano bang problema nila. Hindi ko na lang sila pinansin at dirediretso lang ako sa counter para bumili ng pagkain.

"Lasagna and coke in a can." Cold na pagkakasabi ko sa tindera mukhang natakot naman siya kaya dali-dali niyang kinuha yung order ko.

Pagkabigay niya umalis na ako para maghanap sana ng table pero mukhang wala ng vacant sit. Aalis na sana ako ng may biglang humawak sa wrist ko pagtingin ko yung babaeng kaklase ko na kaibigan yata nung lalaking Casanova ano naman ang kailangan niya.

The Gangster Fallen AngelHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin