"Tulala ka nanaman!" biglang sabi ni Christian pagkapasok nito sa pintuan.
Ngumiti ako dito, "Oh, ano 'yang mga binili mo?" tanong ko dito sabay lapit sa lamesa kung saan niya inilapag 'yung mga dala niya. "Alak at pulutan?! Para kanino 'tong mga ito?"
"Para kanino ba sa tingin mo tol? Para sa ating dalawa yan! Imbis na sa malalayong lugar ka pa magpakalasing at pahirapan nanaman ako sa pagbuhat sayo, dito na lang tayo sa apartment. Sasamahan kitang magpakasaya este, magluksa!"
"Ano?!"
"Joke lang. Basta mag-iinom tayo ngayon."
"Teka nga, wag mo sabihing--"
"Wag ka mag-alala, okay na kami. Oo, nagalit siya dahil hindi ko siya sinipot sa usapan namin kagabi pero wala eh, konting lambing ko lang, bumigay na agad. Gusto lang talaga kita damayan."
"Napaka-sweet naman talaga ng tropa ko. Oh tara simulan na ang session!"
"Let's celebrate! Wuhooo!"
Napatingin ako ng masama sakanya sa sinigaw niya. Hindi ko alam kung nananadya ba itong kaibigan ko eh. Sino ba naman kasing magcecelebrate pa kapag nakipagbreak sayo 'yung soon-to-be fiance mo na sana?
"Celebrate.. Ngayon na lang ulit kasi tayo mag-iinom ng tayong dalawa lang tol. Ikaw naman oh, kung anu-ano iniisip mo dyan eh!" pagpapaliwanag nito.
Alas-onse na ng gabi. Nakaka-anim na bote pa lang kami ng Red Horse. Masyado kaming malakas para malasing kaagad dito. Parang tubig na nga lang sa amin 'to eh.
Naikwento ko na rin sakanya 'yung nangyari sa amin kagabi ni Cindy at kung bakit ganoon na lang niya ako naabutan sa bar ns iniinuman namin sa Makati.
"Tol, ginamit mo ba 'tong cellphone ko kagabi?" biglang naitanong ko sa kaibigan nang maalala ko habang kinakalikot ko 'yung cellphone ko.
"Ha? Hindi, bakit?"
"May # kasing naka-save sa calls ko eh."
"Aba! Sino 'yan? Ay tol! Nagtext gf ko, nagpapasundo sa work. Sunduin ko na muna."
Bilib din ako dito sa kaibigan ko eh. Kahit gaano pa kasi kalayo ang Laguna sa Makati, sinusundo pa rin nito ang gf. Sabagay, gabi na rin kasi lagi out ng gf nito sa work.
"Oh sige, mag-ingat ka tol!"
Solo flight ako ngayon sa pag-inom. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko ngayong wala na si Cindy.
Ngayon ko lang napagtanto na napaka-walang kwenta kong boyfriend.
Malapit na akong mabaliw sa kaiisip kay Cindy.
Dala na rin ng malalim na pag-iisip ko, hindi ko napansin na meron pala akong 2 text messages.
From: ... MY PRINCESS <3
"Bukas na ng umaga ang flight ko. Gusto ko sanang ikaw ang maghatid sa akin sa airport at ang huling taong makakasama ko sa pag-alis ko. May mahalaga rin kasi akong sasabihin sayo. I will miss you, Luis."
Hindi ko inaasahan ang sasabihing iyon saken ni Cindy. Hindi ko alam kung anong klaseng ihip ng hangin ang nakapagpabago ng mood niya pagdating sa akin. Nararamdaman kong mahal pa rin niya ako kahit nakipagbreak na siya saken.
To: ... MY PRINCESS <3
"Hi baby! Salamat at nagtext ka na rin saken. :) Anong oras pala flight mo bukas? Susunduin na lang kita sa inyo kung okay lang sayo. I love you, my princess! :*"
Habang hinihintay ang reply nito, naagaw ang pansin ko sa isa pang text sa inbox ko mula sa isang unknown number.
It looks familiar to me.
FROM: +6392788864**
"Pwede ko bang malaman kung sino ka and why are you kept on calling me?"
Ah! Siya 'yung babaeng may mala-anghel na boses na tinawagan ko nung isang gabi!
Tatawagan ko na sana ito nang bigla namang tumawag si Christian.
"Hello?"
"Tol! Free ka ba bukas? Sama ka samen! Nagyayaya kasi 'tong gf ko mamasyal bukas. Wag ka mag-alala, hindi ka ma-oOP, isasama niya 'yung isang kaibigan niya. Chx 'yun pare!"
"Haha! Akala ko naman kung ano. Titignan ko tol. Kakatext lang din kasi saken ni Cindy at nagpapahatid siya sa airport. Bukas ng umaga flight niya."
"Yun naman pala eh! Hapon pa naman, mga 5pm pa kaya makakasama ka pa samen! Sama ka na ah! Di ka magsisisi! Haha!"
"Sige tol!"
Pagka-end ko ng call ni Christian, may reply na si Cindy.
From: ... MY PRINCESS <3
"Na-moved flight ko. Instead of 7AM, 7PM na ng gabi. Pero gusto kong ilabas mo ako sa umaga before ako umalis. Please."
Pumayag ako agad sa gusto ni Cindy. Gusto ko rin naman siyang makasama pa at kung maaari, magkabalikan pa kami bago siya tuluyang umalis at pumunta sa states.
Tinuloy ko na rin 'yung pagrereply ko sa text nung unknown number.
To: +6392788864**
"Hi. Last night when I'm checking my phone, I saw your number and aksidenteng napindot ko 'yung call kaya natawagan kita. Honestly, hindi ko alam kung paano napunta ang number mo sa calls ko. Wala naman akong maalala na tinawagan kita before. Pasensya na kung naabala pa kita. Btw, you have an angelic voice. ;)"
Ewan ko ba. Brokenhearted na nga ako kay Cindy pero nagawa ko pa ring manlandi ng iba.
Pero kasi, after kong marinig 'yung mala-anghel na boses nung babaeng 'yun, hindi na rin siya naalis pa sa isip ko eh.
Kasabay ng pag-iisip ko kay Cindy ang pag-iisip ko rin sakanya.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin ako sa screen ng cellphone ko at inaalalang muli ang boses niya.
Maya-maya pa eh, nagreply na ito.
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng excitement.
Para bang may something sa babaeng 'to na sa simpleng "hello?" lang niya, nakaramdam ako ng gaan ng loob sakanya.
From: +6392788864**
"Ah ganoon ba? Sa tingin ko, kailangan mo na magpacheck sa doctor. May amnesia ka na yata. Ako kasi, hindi ko makakalimutan 'yung gabing mahimbing na ang tulog ko tapos may biglang tatawag ng 3am na pagkatapos akong dramahan eh, tutulugan ako! Sinira-sira mo 'yung mahimbing na tulog ko tapos ganun-ganon na lang?! FYI, hindi ako si Papa Jack para dramahan mo! At hindi lang 'yun, dahil sayo hindi ko narinig mag-alarm phone ko! Hindi tuloy ako nakapasok sa trabaho ko! Napatay ko 'to sa inis sa tawag mo! >_< Ngayon, naaalala mo na ba lahat? Ha?"
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa kong text niya. Bukod sa ang haba nito, hindi ko lubos maisip na ganon pala ang nangyari nung gabing naglasing ako pagkatapos namin mag-away ni Cindy.
Pero hanggang ngayon, isang malaking palaisipan parin saken kung paano ko nai-dial ang number niya.
Ganon na ba talaga ako kalasing para makapag-imbento ng number na nag-eexist pala?!
At nagkaroon pa tuloy ako ng atraso sa taong ito.
YOU ARE READING
It Started With A Wrong Phone Call
Teen FictionAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...
Chapter Four: Confused
Start from the beginning
