Hindi agad ako nakapagsalita.
Parang ang sarap lang pakinggan ng boses niya.
"He--"
*toot toot*
Naputol 'yung pagsasalita ko nang bigla nitong binaba 'yung tawag.
Sinubukan ko ulit ito tawagan pero hindi na nito sinagot pa 'yung mga tawag ko.
Sobrang sakit na ng ulo ko.
Kahit gaano ko pa ito gustong kulitin, hindi ko na kaya sa sobrang sakit ng ulo ko.
**
Ayoko pang gumising pero sadyang makulit itong tumatawag ngayon sa cellphone ko.
Pikit mata kong pinindot ang cellphone ko para sagutin ang tawag nito.
"Hello?!" sagot ko sa tonong inis.
"Luis! Nasaan na ba kayo ni Christian?!"
"Teka.. sino ba 'to?"
"Si Jeric 'to, tol! Umuusok na sa galit 'yung ilong ni boss! Hinahanap kayong dalawa ngayon sa rehearsal!"
"Shit!" Sandali akong napatingin sa orasan ng cellphone ko. Alas kwatro na pala ng hapon. Nawala sa isip ko na may rehearsal pala kami ngayon ng ala-una!
"Si Luis na ba yang kausap mo, Jeric?!" narinig ko mula sa kabilang linya. Sigurado akong boses ni kalbo 'yun!
"Tol sabihin mo pa--"
"Wag na kayong mag-abala pang pumunta at humabol pa sa rehearsal dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo ni Christian, TANGGAL NA KAYO SA BANDA!"
"Pero bo--"
"Wala nang pero pero, Mr. Dela Vega! Hope not to see the both of you anymore!"
*toot toot*
Shit!
Napahilamos na lang ako ng mukha sa inis!
Badtrip na kalbo 'yun!
Nawala tuloy 'yung antok ko. Gusto ko pa naman sana bumalik sa pagtulog dahil sobrang sakit pa rin ng ulo ko.
2 missed calls?
+6392788864**
Teka.. familiar sa akin 'tong number na 'to ha?
Tumingin ako sa paligid ng kwarto ko para hanapin si Christian.
Nasaan na kaya 'yung mokong na 'yun?
Aaahhhh! Ang sakit ng ulo ko.. >_<
Naisipan kong lumabas ng apartment para kumaen na lang muna, baka sakaling mawala 'tong sakit ng ulo ko.
"Christian!"
Nandito ako ngayon sa karinderya ni Manang Inday. Katabi lang 'to ng apartment na tinutuluyan ko.
Habang kumakain kasi ako dito, bigla kong nakita si Christian papunta ng apartment at mulat-mulat ang mga mata.
Lumapit ito sa akin ng tawagin ko.
"Naka-shabu ka ba tol?" tanong ko dito.
Bukod sa mulat na mulat ang mata nito na tulala pa, parang zombie din kasi 'tong maglakad.
Gustuhin ko man matawa sa itsura ng kaibigan, hindi ko magawa dahil mukhang may malaking problema ito.
Naupo ito sa may harapan ko.
YOU ARE READING
It Started With A Wrong Phone Call
Teen FictionAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...
Chapter Four: Confused
Start from the beginning
