CHAPTER THIRTY SIX

Start from the beginning
                                    

"Here dad!" nagulat siya ng abutan siya nito ng susi.

Pero naalala niya kaagad na niregaluhan niya ito ng mga duplicate keys. Mabuti na lang!

Ibinaba niya saglit si Demon upang buksan ang pinto ng banyo. Pagkabukas niya ay naabutan niya si Abigale na nagpapanic pa rin sa loob at dumudugo ang paa. Nilapitan niya ito at niyakap.

"Calm down, sweetie!"

Yumakap sa kanya pabalik si Abigale. Ramdam niya ang higpit nun at ang panginginig nito.

"Timothy! Ialis mo na ako dito! Natatakot ako! Ang baby natin!"

"Okay! Okay! Aalis na tayo dito!" napabuntong-hininga siya. Kailangang madala ni Abigale sa hospital. Binalingan niya ang mga anak na nakatayo sa gilid at panay ang hikbi. "Go to your room kids!"

Umiling si Demon at tumakbo sa direksyon nila saka yumakap.

"Daddy, I won't! I want to be with you daddy! I'm scared!"

"Daddy sama kami!"

Holysh*t! Bakit ngayon pa? Pero kunsabagay, hindi siya makasisigurado kung iiwan niya ang mga anak niya rito. Tama lang na isama niya na ang mga ito. Mukhang may mga peste na rito sa bahay nila.











NAKATINGIN si Timothy kay Abigale na nakahiga sa hospital bed katabi si Demon na payapang natutulog. Magda-dalawang oras na silang narito sa hospital.

Okay na naman si Abigale at nagamot na ang sugat nito sa paa. Sa ngayon ay kailangan pa nitong manatili rito upang ma-obserbahan pa. Balak niya ring tawagin ang kakilala niyang Psychiatrist upang patignan ito. Hindi na biro ang nangyayari kay Abigale. Lumalala na ang anxiety attack nito. Ang nakakatakot ay baka hindi na bastang anxiety attack ito. Baka PTSD na ito.

"Daddy okay lang ba si mommy?" tanong ng anak niyang si Damon.

"Sabi ng doctor okay na daw si mommy. Nagpapahinga na sila ni baby."

"Natakot po ako kanina daddy. Para pong nabaliw si mommy."

Napailing siya. Heto na nga ang naiisip niya, naaapektuhan na ang mga bata. Kailangan niya na talagang kumilos para mapatigil na si Rio. Pero paano niya mapapatahimik si Rio ng hindi malalaman ni Abigale.

"That's her anxiety attack. Something in the past happened. And it's not a good memories that's why mommy was so scared."

"Kawawa naman po si mommy." kita niya ang lungkot sa mata ng anak habang nakatingin ito kay Abigale.

May kumatok sa pinto at dumungaw roon si Ion. Pinapasok niya ito. Hindi mag-isa si Ion may kasama ito na isang magandang babae.

"Kamusta Vidales? Sinabi ng ayaw kitang makikita rito sa hospital ko sa ganitong sitwasyon e!" wika nito bago balingan ng tingin si Abigale. "She's suffering from Post-Traumatic Stress Disorder. Ano bang nangyari sa kanya at nagkaroon siya ng ganung sakit?"

"Something that's very bad." iyon lang ang naisagot niya.

Isang iling ang isinukli sa kanya ni Ion.

"And you let that something happened to your love one. You are a jerk. Para kang 'yung kaibigan mong si Sebastian. Ang tatanga niyo magmahal."

Nasabi iyon ni Ion dahil alam niya ang istorya ni Sebastian at Sierra. Siya kasi ang doctor nito.

"Ano ka ba? Doctor o Love guru?" inis na tanong niya rito.

Psh! Kilala niya ng lubusan itong si Ion. Walabg preno ang bibig nito. Kung anung maisipan ay sinasabi. Kaya maraming tao ang naiinis rito.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now