"Dito ka lang. Dito lang tayo." taas baba ang dibdib nya at mukhang hiningal sa pagkakabuhat nya sa akin. I am not that heavy para hingalin sya ng ganito. In some ways, nakakainsulto sya.

"How dare you!" lumuhod ako sa kama at sinubukang bumaba pero maagap nya kong dinaganan. Kahit anong pilit ko, hindi nya ko pinakawalan. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" hindi nya ko binigyan ng pagkakataon para makawala pa.

"Shut up! O patatahimikan kita sa halik ko?" nakita kong umigting ang mga panga nga kaya alam kong napupuno na rin sya.

"Don't you dare! Sisigaw a---hmmmp!" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla nalang nya kong sunggaban ng halik.

I was frozen for few seconds. Hindi ko tinutugon ang halik nya but I am savouring every kiss he's giving me. Unti unti na ring pumipikit ang mga mata ko pero bago ko tuluyang mapapikit, tinigil nya ang paghalik sa akin at saka ako tiningnan. I saw how the corner of his went up.

"Bastos ka! Manyak!" nanlaban ulit ako at sinigawan sya sa mukha nya na nakapagpangiwi sa kanya. Ginawa ko lang yon para pagtakpan ang pagkapahiya ko.

"You just wait. Talagang babastusin kita at mamanyakin. But first, we need to talk." lumapad ang ngisi nya nang makita nya kong natigilan.

"Bastos ka talaga." mahinang sabi ko sa kanya pero sinuklian lang nya ko ng ngiti.

Binaba nya ang mukha nya pero ipinilig ko ang ulo ko dahil mukhang hahalikan na naman nya ulit ako. Dahil sa pag iwas ko, tumama ang labi nya sa gilid ng leeg ko. Kinilabutan tuloy ako sa ginawa nya.

"Gusto mo bang bastusin kita ulit?" kinilabutan ako sa bulong nya at sa meaning ng sinabi nya. "Pwede ring may kasamang kamanyakan." I can hear laughter from his voice. Bwiset sya! Paano nya nagagawa na kahit galit ako sa kanya ay gusto ko pa ring kiligin at matawa?

"Stop it." walang conviction na sabi ko.

"Say that again? Isang stop pa mula sayo," patuloy lang sya sa pagbigay ng mumunting mga halik sa leeg ko. Ano ang ibig nyang sabihin? Will he give me more kisses or will he do more than kiss me? "Titigil talaga ako."

Namula ako sa pagkapahiya sa sarili ko dahil sa mga naiisip ko. How could he? He will do something for me to crave for him tapos bibitinin lang nya ko? Nalalaman ba nya ang mga ginagawa nya?

Nang hindi ako umimik dahil sa pagkatulala, tumigil sya sa kakahalik sa leeg ko at tinitigan ako. I refused to look at him dahil ayaw kong makita nya ang sakit na nararamdaman ko.

Bumuntong hininga sya at iniangat ang sarili at humiga sa tabi ko. What exactly are we doing?

Noong bata pa ko, I always envision myself being sweep off my feet by the man I really like. Yung tipong liligawan ako. He will visit me in our house with flowers in hand. Then magkukwentuhan kami. We will get to know each other. He will date me to restaurants, or any places basta kaminh dalawa lang at mag e-enjoy kami.

Pinangarap ko din na pupunta kami ng carnival at sasakay ng ferris wheel like in the movies. We will go to mall and see a movie.

Di ba yun naman ang pangarap ng mga babae? Kahit na sinasabi nilang millenials tayo, old fashion pa rin tayo pagdating sa ligawan. At the end of the day, we still want our man to swoon us.

Unfortunately for me, hindi naging ganito ang karanasan ko. I even gave him my virginity pero parang hindi naman big deal ito. It's like it was never important na sa kanya ko inalay ang sarili ko.

"You win. Nakuha mo na ang puso ko, pati na ang buong pagkatao ko. Kaya mo na kong paikutin sa mga palad mo." napatingin ako sa kanya nang bigla nalang syang magsalita. Ano ba ang mga sinasabi nya? Can't he be more straight forward para mas maintindihan ko sya?

Operation: Pop My CherryWhere stories live. Discover now