Chapter 18

1.8K 45 7
                                    

"Claire! Claire, wait! Mag usap muna tayo! Wag kang umalis! Ako ang aalis!"

Ang pagbigkas lang pala nya ng pangalan ko ang magiging trigger para bumuhos ang mga luha ko. Pero bago pa bumagsak ang mga ito, tinalikuran ko na sya at nagsimulang mag empake.

I can't be with him in one house. Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha, pinilit ko pa rin bilisan ang mga kilos ko. Kinuha ko agad ang maleta ko na hindi ko pa na-a-unpack at kumuha ng damit na pampalit.

Inis na pinalis ko ang mga luhang ayaw paampat sa pagtulo. Ang dami kong time noon na umiyak lalo na tuwing mag isa ako pero tulala lang ako lagi. Ngayon naman na kaharap ko sya, saka naman walang tigil ang mga to sa pagtulo.

"Claire..." mahina nyang tawag sa akin. Wala na akong pakialam kung nasa likod ko man sya, agad kong hinubad ang suot kong pantulog at isunuot ang pantalon at longsleeves shirt na nakuha ko.

Galit na pinalis ko ulit ang mga luha ko bago ko sya hinarap. "I didn't know na ipagkakanulo ako ni Art. Sana hindi nalang nya pinahiram ang apartment nyang to." masama ang loob na sabi ko. I know hindi ko dapat sinisisi si Art. What if Lex just threatened him kaya nya to binigyan ng susi din sa apartment nya?

"I... I..."

"You can have this apartment. Mag-che-check in nalang ako sa hotel." may malapit na hotel akong nakita kahapon nang nasa taxi pa ko. Doon na muna ako kahit na alam kong malapit lang yon dito.

Sinamantala ko ang pagkatulala nya at padarag akong lumabas ng kwarto. Iniwan ko ang susi ng apartment sa mesa malapit sa pinto at nagsisi pa ko kung bakit ako nagpadalus dalos ng desisyon nang makita kong madilim pa pala. At kahit na naka long sleeves na ako, nanunuot pa rin ang lamig sa balat ko.

"Put your bag inside." nangangatog ang baba na sabi nya. Ngayon ko lang napansin na naka boxers lang pala sya at sando. "Ako ang aalis. Come on." nag aalinlangan pa syang kunin ang bag ko pero hindi ko ibingay to sa kanya at kusa na kong pumasok sa loob.

Pumasok na rin sya at dumeretso sa isang kwarto na sa tingin ko ay yun ang pinakamalaking kwarto dito.

Umupo ako sa sofa para hintayin sya at tumunganga sa tv na naka on. Mukhang naka mute ito dahil walang sound na lumalabas.

Ilang sandali lang ay lumabas na rin. Nakasuot na sya ng pantalon at long sleeves. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib at tiningala sya pero hindi ako tumayo. Kung sya ang aalis then umalis sya. Wag syang mag expect na ihahatid ko sya sa labas.

"I'm going." nasa harapan ko sya at naka pamewang lang. Kinunutan ko lang sya ng noo nang hindi man lang sya gumalaw.

Akala ko ba aalis na sya? Ano pang ginagawa nya at nakatayo pa sya sa harapan ko?

Few days ago, gustung gusto ko syang makausap at magpaliwanag at linawagin na rin ang tunay na estado ng relasyon namin. But seeing him now, parang lahat ng kagustuhan kong yon ay nawala.

"What the---?" nabigla ako nang bigla nalang nya kong buhatin at isampay sa balikat nya. Para lang akong isang sakong bigas na binuhat nya.

"Ano ba?! Put me down!" nag hi-histerya na ko dahil unang una, hindi maganda sa pakiramdam ang parang nakabitin ng patiwarik. Pangalawa, natatakot ako na baka mahulog nya ko. Lastly, hawak nya ko sa isang hita at kadangkal nalang ay mahahawakan na nya ang maselan kong bahagi.

Despite all what happened, he still able to make me feel aroused. Parang wala lang namagitan na tampuhan sa pagitan namin. And I hate my body for that! Isang traydor ang katawan ko! Pinagkakanulo nya ko!

Ipinasok nya ko sa kwarto kung saan sya nagbihis at binalibag lang ako sa kama. I am hating him more for acting like a caveman. Wala syang karapatan na tratuhin ako ng ganito.

Operation: Pop My CherryWhere stories live. Discover now