Chapter 1

2.7K 81 12
                                    

"Sige na, please? Parang awa mo na? Isipin mo nalang na I'm your little sister na humihingi ng favor sayo, huh? Sige na..."

"Are you kidding me?! Do you think I will even think to fuck my own sister?! Nababaliw ka na! Alam ba ng kuya mo to?! I need to tell Brent!"

"No! Please! He doesn't know!" nahintakutan ako ng kunin nya ang cellphone nya at akmang tatawagin si kuya.

Kanina pa ko nag mamakaawa kay Lex na tulungan akong mawala ang virginity ko. I know this is sound absurd, crazy even! Pero dahil sa obssession ko kay JP kaya nagagawa ko ang mga bagay na bangungot para sa akin.

I'm 20, so naisip ko na I'm already capable of making my own decisions. Kaya ang desisyon kong to ay sarili kong desisyon.

Wala akong sinabihan ng kabaliwan kong to. Kahit na si China na bestfriend ko ay walang alam.

Sinadya ko pa talaga sa office nya si Lex para makausap ko sya. I even ask for this appointment. I even gave his secretary a pseudo name.

Madalas naiisip ko na talagang nababaliw na ko. Kahit ako, nawiweirduhan na sa sarili ko. I can't even think why I'm doing this! Sigurado kung papayag man si Lex, pagsisisihan ko to pagdating ng araw. But right now, kailangan ko sya.

He's not that bad. In fact, isa syang ideal man kung hindi lang sya matanda sa akin ng eight years. Matanda sya ng two years kay kuya. I think sya ang pinaka matanda sa kanilang tatlong magbabarkada.

Successful Engineer na sya. Civil Engineer to be exact. May sarili syang Engineering firm. Tatlo silang Engineers sa company nya at isang secretary.

Mukha ngang busy pa sya dahil nagkalat ang mga blue prints sa mesa nya at may isang di pa tapos sa work station nya.

In fairness sa kanya, magaling sya. Although hindi ko pa talaga nakikita ang mga na-design na nilang mga bahay at building, base naman sa mga blue prints na nasa harapan ko ay magaling talaga sya.

Kung tutuusin, sa hitsura nya, hindi mo man aakalain na professional sya. Pano ang dukyutin ng hitsura nya. Ang haba pa ng buhok nya at may balbas pa! Pauso syang masyado! Porke ba nauuso ang man bun ay makikiuso na rin sya?!

Pero in fairness naman kasi, bagay nya ang mahabang buhok nya na tinali na parang bun. Instead kasi na magmukha syang bading, parang lalo syang gumagwapong tingnan at mukha din syang macho. Although, muscle wise, macho naman talaga sya. No wonder ang daming nagkakandarapa sa kanya.

Pero ang pinaka highlight ng mukha nya? Ang mga mata nya. Sa sobrang pagka dark brown, nagmumukha ng itim na itim ang mga mata nya. Malalalim pa ang mga to kaya pag tumitig parang laging nang aakit. Ang mga labi ay secondary nalang. Maninipis ang mga ito at mapupula na parang laging basa. Nakakainggit nga ang labi nya eh. Ako kasi natural na makapal ang mga labi. Sabi nila, uso naman daw ang makapal na labi kaya dapat embrace ko ito. Pero naman! Bata palang kaya ako pangarap ko ng maging manipis ang labi ko!

"Umuwi ka na kung ayaw mong tawagan ko ang kuya mo! Nakakaistorbo kana sa akin!" nakakapagpabagabag naman ang mga sinasabi nya! Para naman akong sampid na pinapalayas!

Pero pasensya sya! Hindi ako ang tipo ng tao na agad sumusuko!

"No! Sige na please? Just one night! Or day! Basta! Once lang naman. Ano bang mahirap dun di ba?!" ang hirap namang i-convince ng isang to! Bakit sa kwentuhan nila parang hindi naman mahirap na maikama sya?!

"No! Ang kulit mo rin no?!"

"Pero---" naputol ang sasabihin ko ng biglang mag ring ang cellphone nya. Tinaas pa nya ang hintuturo nya tanda na pinapatahimik ako.

Operation: Pop My CherryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin