Prologue

3.5K 71 4
                                    

"Tangna, tol! Natira mo na?! Gago ka! Tatlong araw palang kayo magkakilala ah?!" dinig na dinig ko ang boses ng kuya Brent ko. Pag talaga kasama nya ang dalawang matalik na kaibigan nya, wala silang ibang pinag uusapan kundi mga babae, sasakyan at trabaho. Pero laging napupunta sa babae ang usapan nila. Kung sino ang naikama nila. Kung sino ang gusto nilang ikama. Kung kanino sila gustong pumorma. Minsan kahit na ayaw kong marinig ang pinag uusapan nila, hindi ko to maiiwasan dahil ang kwarto ko ay katapat ng patio namin sa likod bahay.

Oo nga't pwede ko namang isara ang mga bintana pero may mga instances katulad ngayon na sobrang init ng panahon at iniiwan kong bukas ang mga bintana. Hindi naman kasi aircon ang kwarto ko. Yung kina mama lang. At recently lang, si kuya pinalagyan ng aircon ang kwarto nya.

Sabi ni mama, kung gusto ko raw ng aircon, pag ipunan ko raw. Minsan nakakaasar dahil parang hindi nila ako anak. Sila nagpapakasarap sa aircon, samantalang ako, kahit na maligo ako ng malamig na tubig, hindi pa rin ako makatulog lalo na pag summer.

"Pare, wala yan sa tagal ng pagkakilala nyo, nasa diskarte yan." narinig kong pagyayabang ni Lex. Sa kanilang tatlo, si Lex ang napagalaman kong maraming babae. Si kuya naman ang nakikita kong nag seseryoso at si Art katulad ni kuya na nagseseryoso pero may mga fling kahit na may girlfriend na.

Hindi ko nga alam kung paano sila naging mga kaibigan ni kuya. Ang alam ko naging mga kaklase nya ang mga to at hindi na sila naghiwahiwalay pa pagka graduate nila.

"Ang landi ng puta! Basta ako stick to one lang." napaismid ako ng marinig ang sinabi ni Art at tinawanan lang sya ng dalawa. Yung tawa na hindi naniniwala.

Binuksan ko nalang ang laptop ko at nag facebook. Mas mae-entertain pako sa facebook kesa sa pakikinig sa kanila.




Chinita Queen: pst...

Chinita Queen: may chika ako.

Chinita Queen: yung crush mo

Chinita Queen: si JP

Chinita Queen: mahilig pala sa mga babae na



Sunud sunod ang mga naging chat ni China kaya hindi na muna ako nag reply.



Chinita Queen is typing...


Ilang segundo din akong naghihintay sa susunod nyang sasabihin pero wala namang dumarating. Ang galing nya talagang mambitin. Palibhasa alam nya kung gaano ako ka patay na patay kay JP.




Miss Ellie: ano na? Anong type nyang babae?



Naiinip na chat ko sa kanya.




Seen ✔ 9:12 pm




Kainis talaga ang babaeng to.


Chinita Queen: atat much?

Chinita Queen: basta sa crush mo no?

Chinita Queen: hahahahhahaa





Kainis ang bruhang to! Mabuti na lamang at hindi ko sya kaharap ngayon.


Chinita Queen: eto na

Chinita Queen: seen zoned agad?

Chinita Queen: pikon talaga neto

Chinita Queen: yung crush mo!

Chinita Queen: ang gusto sa babae ay yung

Chinita Queen: ma experience

Chinita Queen: maraming alam sa kama




Marami pang ch-in-at sa akin si China pero nag hang na ata ang utak ko ng mabasa ko ang "experience" at "kama".

Para namang hindi kapani paniwala eh. Di ba ang mga lalake, usually yung virgin pa ang gusto? Yung magiging proud sila na sila ang nauna?

Bakit ganun? Sya ang gusto nya ay yung may experience na?! Nakaka! Anong gagawin ko?!

"Pare, ang tindi mo rin no? Ang hilig mo sa mga virgin! Tangna! Kaya ang drama ng buhay mo eh! Mga virgin ang tinitira mo! Gago ka!" boses yon ni Art. Nahimasmasan ako ng marinig ang malakas na halakhakan nila.

Sino ba ang sinasabihan nya? Si kuya ba? O si Lex? Mukhang napaka expert naman nyang mag-pop ng cherry ah?

"Tanga! Anong magagawa ko kung sa akin nila gustong magpa-devirginize?! Di ko sila pinilit no? Asa!" malakas na halakhakan ulit ang narinig ko pagkatapos sabihin ni Lex yun.

So that means...

Then an idea came to my mind. He's an expert and I'm a novice. Hindi ko na kailangan pang maghanap sa malayo. He maybe kuya's best buddy but I know I can trust him. He's the one!

To Pop My Cherry!


Operation: Pop My CherryWhere stories live. Discover now