Chapter 2

2.5K 70 3
                                    

"Ang kulit mo! Ilang beses na kitang sinagot, tanong ka pa rin ng tanong!" naiirita na ko sa bestfriend kong to! Kanina pa sya nagtatanong kung nasaan ako kahapon!

Pinangako ko sa sarili ko na walang makakaalam ng ginawa ko. And I'm pretty sure, hindi rin pagsasabi ni Lex yon. Takot lang nya sa kuya ko. Kahit na nasa tamang edad na sya, alam kong ayaw pa nyang mag asawa. Pag nagkukwentuhan sila, napaka negative nya about sa marriage kaya alam kong iki-keep nya lang ang nangyari sa sarili nya.

"Naglilihim kana kasi sa akin!" nagtatampong sabi nya at sumimangot pa. Humalikipkip pa sya at pinag krus ang mga braso nya. Minsan talaga kaimbyerna sya!

"As if naman, ikaw hindi no?! Asan ka nung last week?! Dapat may lakad tayo non di ba?! Pero inindyan mo ko!" nakita kong namilog ang mga mata nya at parang biglang nahiya.

"Sabi ko nga." kitam? May nililihim din sya kung ganon?

"Tara na nga. Last subject na rin naman. Mag mall tayo after." tumayo na kami at pumunta na ng classroom. Pareho kami ng kurso at naging mag bestfriend kami ng naging close kami nung second year. Simula non, laging pinapareho namin ang schedule namin para kami ang magkasama.

May mga naging kaibigan din naman kaming iba pero kaming dalawa ni China talaga ang naging super close. Yung iba nagiging classmates lang namin o ka-group sa mga projects.

Isang sem nalang at ga-graduate na kami ng Business Management. After this, hindi ko pa alam ang plano ko. Saka ko na siguro pag iisipan pa pag nag graduate na ko.

Ang pag ma-malling na gagawin sana namin ay hindi natuloy dahil sa isang text.

Anonymous:

Puntahan mo ko sa office after your classes. AAA

Alam ko na kung sino ang nagtext dahil sa mga initials na nakalagay. Lagi syang tinatawag na "battery" noon nila kuya dahil sa initials nya. Alexander Amadeus Arcilla.

I used to laugh at his name dahil napaka ancient nito. Pero sya, mahal na mahal daw nya ang pangalan nya dahil ang lolo nya ang nagbigay nito. Lumaki kasi ito sa lolo nya kaya mahal na mahal nya ito.

Nagdalawang isip pa ko kung pupunta ba ako o hindi. Kasi kailangan ko pang gumawa ng alibi para hindi magtampo si China.

"Bhe..." malambing na tawag ko sa kanya. "Pass muna ako ha? Promise pag ready na ko sasabihin ko lahat sayo!" mabilis na dugtong ko at niyakap pa sya para hindi na maka hindi. Tumango nalang sya at pinandilatan ako ng mga mata.

"Fine! Promise mo yan ha?"

"Oo! Promise! So pano...?"

"Sige na. Mukhang atat kana eh."

"To naman oh." pinatulis ko pa ang nguso ko pero nangingiti naman. Kahit sya ngumiti nalang at bineso ako saka nagpaalam na kami sa isat isa.

Hindi na ko nagpatumpik pa na tumawag ng taxi at dumeretso na sa office ni Lex. Pagbaba ko palang ng taxi ay nagmadali nakong umakyat sa floor nila.

Parang may mga pakpak ang mga paa ko dahil feeling ko nililipad ako. I don't know where this anxiety is coming from. This is just Alenxander Amadeus for crying out loud! There is really nothing special about him! Sa ilang taon na pagkakakilala namin, mukhang little sister lang talaga ang turing nya sa akin.

It only took me 10 seconds to ride the elevator pero feeling ko yun na ang pinakamahabang sampung segundo ng buhay ko. Para akong naiihi na ewan. Ang tyan ko parang may humahalukay. Ang tibok ng puso ko ay parang hindi magkamayaw. What is this excitement I'm feeling? Dahil ba inaanticipate ko na may mangyayari? Am I ready? Now na ba? Agad agad? Di ba dapat may foreplay muna? To get us ready? May condom kaya sya? Or is he going bare? Since first time ko naman di ba? Sana pala dumaan muna ako ng Pharmacy para bumili ng condom. Pero hindi ba nakakahiya yun? Ano nalang iisipin ng mga taong makakakita?

Operation: Pop My CherryWhere stories live. Discover now