Chapter 9

2K 46 2
                                    

"Wake up, sleepyhead! May surprise ako sayo!" nakangiting dumilat ako ng mga mata ko. Kung ganito bang boses anghel at mukhang anghel ang gigising sa akin tuwing umaga, siguradong laging maganda ang gising ko. "Hey, beautiful." matiim akong tinitignan ni Lex.

Bakit nandito si Lex? Anong ginagawa nya sa kwarto ko?

Pinagmasdan ko ang paligid at napagtanto ko na hindi ko pala kwarto to. Saka lang sumagi sa isip ko na pinatulog ako pala kanina ni Lex after nya kong pinapanood ng porn. OMG!

Napabalikwas ako at napatutop sa noo ko ng tuluyan ng magising ang diwa ko. Tumingin ako sa wall clock nya at alas-singko na pala ng hapon. Ilang oras ba kong nakatulog?

"Tidy yourself up. Hihintayin kita sa kusina. May binili akong meryenda. Kumain muna tayo bago kita ihatid."

Hindi na nya ko pinasagot pa dahil agad syang tumalikod para pumunta na ng kusina. Naiwan tuloy akong tulala dito. If he will be my boyfriend, baka tumaba ako nito dahil maya't maya ang pagkain namin. Parang may obsession sya sa pagkain. Na-deprive ba to nung bata sya?

"Halika na kain na tayo." anyaya nya sa akin paglabas ko ng banyo. Nakaupo na sya sa dining chair at nakahanda na ang pagkain. Pizza and pasta ang nakahain mula sa sikat na pizza house.

Tahimik lang kaming pareho habang ninanamnam ang pagkain namin. I welcomed the silence. It gives me time to think. Kanina kasi parang tulog pa ang utak ko dahil natutulala nalang ako bigla lalo na nung naghilamos ako at nag toothbrush.

Ang dami kasing pumapasok sa isipan ko. Hindi ko alam kung nag-o-over analyse lang ako sa mga nangyayari. He's acting like he's my boyfriend and at the same time, ginagawa nya ang pinag usapan namin. Nalilito ako kung ano ba talaga ang turing nya sa akin? Pinapakita nya kina kuya at mommy na kami na pero parang hindi naman. He was like doing an obligation to me. Since, napilitan lang syang umoo noon, parang ngayon, ginagawa lang nya ang mga to out of his word of honour.

Ayoko naman syang tanungin dahil aminin ko man o hindi, hindi pa ko ready sa magiging sagot nya. What if he will say na kaya lang sya ganito ka-sweet dahil lang ang alam nila kuya is kami na. Or baka sabihin nya na, nakakaawa ako kaya pumayag na sya sa pakiusap ko.

I was never a shallow person. Lahat ng gagawin at ginagawa ko ay pinag iisipan ko. Hindi ko alam kung bakit ngayon naging ganito ako kababaw. Dahil lang sa isang lalake? Or is JP an excuse para mapalapit ako kay Lex?

I may be indifference towards Lex pero hindi naman naging hadlang yon para hindi ko sya hangaan.

"Tapos ka na? Tulala ka na naman. May problema ba?" umiling ako sa huling tanong nya at nagligpit na ng pinagkainan namin. Hindi kami gumamit ng pinggan at kubyertos kaya wala ng huhugasan pa. Nilagay naman nya sa fridge ang hindi namin naubos.

"Tara sa sala. Nanduon ang surpresa ko sayo." namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. Wala naman akong napansin na kakaiba kaninang dumaan ako sa living room.

Wala mang flowers o chocolates o stuffed toys! Ano kayang surprise nya?

Pagdating namin sa sala, iniupo nya ko sa sofa at sya naman ay lumapit sa may TV divider at may kinuhang paper bag don. Kulay red yung paper bag at may symbol na hindi ko maintindihan at di familiar sa akin.

"Ano yan?" malawak ang ngiting tanong ko sa kanya.

"Open it." nakangiti rin sya kaya mas lalo akong na-excite.

Bumuntong hininga muna ako bago ko dahan dahan na binuksan ang paper bag. May dalawang rectangular shaped na kahon sa loob na magkaiba ang size.

Nanginginig pa ang kamay ko na kinuha ang maliit at ganon nalang ang panggilalas ko ng masilip kung ano ang laman nito.

Operation: Pop My CherryWhere stories live. Discover now