3

51 2 0
                                    

Chapter 3

Medyo limitado lang ang pinupuntahan namin ni niel kasi di ko sya pwedeng ipasyal ng ipasyal dahil bawal sya mapagod pero sinisigurado ko parin na nag-eenjoy sya sa mga pinupuntahan namin at dumaan ang ilang araw na talangang nakatutok lang ako kay niel


"Vania!, sorry pero di kita masasamahan makipag usap dun sa client natin promise babawi ako bibigyan kita ng pasalubong pero mas madami padin yung kay niel" kausap ko sa google duo ngayon si cheng nagkaroon kasi ng biglaang alis ang pamilya nya


"Gaga ka ee ano pa ba magagawa ko? Basta pasalubong ha itext ko sayo yung make up na gusto ko maganda kasi make up dyan sa korea"


"Napaka kuripot mo no?! Ang yaman yaman mo tapos make up lang duh?!"


"Tita cheng ako gusto ko ng snow!" Natawa kami ni cheng nung magsalita si niel


"Nako niel matutunaw si olaf pag dinala ko dyan sabihin mo nalang kay mommy mo na dalin ka dito sa korea! "  nag promise ako kay niel na pag nagpakabait sya at pwede syang ilabas labas ng bansa pupunta kami sa merong snow na lugar


"Sige na cheng papatulugin ko na to at gabi na ingat sila sayo dyan maghanap ka na din ng ka forever mo" gabi nadin dun pero aalis sila para mag night market at sa napakabait na kapatid ni jim sasamahan nya si cheng. Namiss ko tuloy si kuya

"Hi vania!"


"Hi jim! Yang kambal mo oh lumalandi! " natawa nalang si jim


"Ay grabe sila oh! Purkit meron ka jim  ginaganyan mo na ako baka ikalat ko sa net yung picture mong nakahubad ka!"


"Sige na cheng umalis ka na baka makita mo na ka forever mo sa dongdaemun market na yan" after ko iend yung call pinatulog ko na si niel dahil sa takot ko na magisa sya matulog sa kwarto nya at pano kung di ako magising pag kailangan nya ako kaya sa tabi ko sya natutulog

-
"Manang patignan nalang po si niel ha baka matagalan po ako sa kausap ko, at ikaw baby k-" natawa ako sa ichura ni niel


"Mommy diba big boy na po ako? Bakit may baby pa?"


"Bigboy ka na nga pero ikaw padin ang baby ko ayt?"


"Ilove you mommy"


"I love you more, Wag ka magpapagod ha laging sumunod kay manang okay??"

____

"Cheng wag paulit ulit please andyan ka na nga sa korea pero feel ko katabi kita dito na paulit ulit" napaka hilig nitong babae na to sa video call at ngayon habang nag ddrive ako kausap ko sya at pinaalala nya kung saang building


"Ee kung di ko ipapaalala sayo babae ka ee napaka ano mo panaman sa daan my gawd may pamili" halos mamatay ako kakatawa buti nalang at naka red light


"What cheng?? At saan mo naman nakuha yang may gawd may pamili mo?" Nag usap pa kami at tinuro pa nya sakin yung mga shortcut dahil sa traffic dito sa metro baka anong pesta na nasa daan pa naman ako

My Only Love Where stories live. Discover now