Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Welcome!

356K 7.8K 300
                                    


Hi,


This is the second book of the Prince of Hell Series. For those who have read the original version, this one is slightly different and with a much more fulfilling ending.

Thank you for being here.

Enjoy !!!


-VixenneAnne




"Totoo ang lahat ng kwento. Totoo ang tungkol sa goblet. Totoong halimaw ang gustong buhayin ng mga kultong humahabol sa atin!" Tila tolerong bulalas niya.

Hindi ako nakasagot.

"Hanggang kailan mo sa akin itatago ang lahat ng ito, Drico? Hanggang kailan? Kapag napatay na kita?"

"Anong sinasabi mo?"

"Tama ang nakita ko sa panaginip ko. Ako ang papatay sa 'yo."

"Hannah," bumangon ako at kinulong ang mukha niya sa kamay ko. "Hindi totoo 'yan. Hindi mangyayari 'yan."

"Yun ang nakatakda!"

"Sabi nino? Walang nakatakda! Walang nakakaalam ng nakatakda! Tayo ang gagawa ng kung anong nakatakda para sa ating dalawa. Hindi ang kung sino mang diyos o demonyo!"

Pero iling ang isinagot ni Hannah. "Tama ang pamilya mo, kailangan mo na akong patayin."

"Nababaliw ka na ba? Alam mong hindi ko magagawa 'yan. Sa lahat ng ito, ikaw ang gusto kong protektahan. Lalabanan ko ang mga kampon ni Persephone. Wawasakin ko ang kopita at tuluyang papatayin ang espirito ng halimaw na 'yon. Walang mangyayaring masama sa 'yo!"

"Hindi mo ba naiintindihan? Ako ang reincarnation ni Persephone. Masamang dugo ang dumadaloy sa katawan ko, masamang nilalang ako at hindi excuse na hindi ko maalala ang nakaraan kong buhay para magpasasa sa kung anumang meron ako ngayon. Isinilang ako para maging kasangkapan ng kadiliman! Ako pa rin siya. Ako ang halimaw, Drico! Kaya kagaya ng ginawa mo sa akin noon, patayin mo na ako."

Marahas na iling ang isinagot ko. "Maaring totoo na pinanganak ka para maging kasangkapan ng dilim pero hindi ka isinilang na makasalan. Reincarnation ka lang ni Persephone, pero ibang tao ka na! May sarili kang kaluluwa at espirito. Hahanap ako ng paraan para mailigtas ka. Hindi ka mamamatay, walang mamamatay sa ating dalawa. Kung meron mang mawawasak sa giyera na ito, iyon ay ang mga kultong hanggang ngayon ay umaasang matatalo ng dilim ang liwanag."

"Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko parati kong nakikitang pinapatay kita! Anong dapat kong gawin para pigilan si Persephone na pasukin ang katawan ko? Sabihin mo.."

"I shouldn't touch you."

Pagak ang naging tawa ni Hannah sa sinabi kong iyon. "Anong ibig mong sabihin?" Sandali siyang natahimik.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. "Isa kang alay na temptasyon mula sa underworld, kapag tinanggap kita, magkakatotoo ang sumpang iniwan ni Persephone na iibig ako sa 'yo."

"Anong ibig mong sabihing isa akong alay na temptasyon? You can't have sex with me? Is that it?"

And it's like hell for me. Hannah was born to be perfect in my eyes, she was born to tempt me. My desire for her is nothing imaginable. I'm like a hungry lion to a sheep, a vampire to a blood. Pinigilan ko ang kamay ko na abutin siya at pasayarin ang balat ko sa balat niya. Kakaiba ang nararamdaman ko sa t'wing napapalapit sa akin si Hannah. Napapaso ang balat ko pero napakasarap sa pakiramdam. Halos mapatid ang hininga ko at masiraan ako ng ulo sa pagpipigil na pakawalan ang init na nararamdaman ng katawan ko para sa kanya. Namamatay ako sa tuwing napapalapit siya akin ng ganito, gustong-gusto ko siyang halikan, yakapin at mahalin, tapos wala akong magawa kundi ang umiwas. It's definitely hell and it's killing me!

"Don't let me touch you. Don't fall in love with me, Hannah. It's against the universe..."

"Walang kwenta. Mahal na kita."

Napaawang ang mga labi ko sa narinig. Sandaling tumigil ang pagtibok ng puso ko sa tinuran niyang iyon.

"Fetus pa lang ako, mahal na kita. At leche, fetus pa lang ako pinagnanasaan na kita! Kung pipigilan mo akong mahalin ka, patayin mo na lang ako," nanggagalaiting turan niya. "Tama ka, isang walang kwentang kwento lang ang lahat ng ito. Walang karapatan ang sinumang demonyo na sumanib sa katawan ko. Higit sa lahat, walang kahit na ano ang pwedeng pumigil sa akin na mahalin ka—"



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




The Devil's Stolen HeritageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon