Luhh! Maling address nga talaga tong napuntahan ko, meged ang tanga mo audrey jusme makakasira ka pa ata ng proposal o kung ano mang meron dito.

Gosh!

"Uhm! Excuse me lang po ah, sorry mali ata ang pinasokan ko. Di po ako ang hinihintay nyo, uhhhmm ano balik nalang kayo ulit sa umpisa pag tama na ang pumasok dito hehehe aalis na po ako. Pasensya po talaga" sigaw ko.

Wala kasi akong nakikitang tao, kahit isa man lang. Kahit nga yung lalaking kumakanta wala dito parang recorded lang yun.

🎤🎤 Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba...
walang iba
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Wag ka lang mawawala
Hmm, walang iba
walang iba. 🎤🎤

OMG! Nanghimasok ako sa isang event gosh! Mukhang masisira ko pa talaga ang event na to tsk.

Kailangan na talagang umalis baka biglang dumating yung taong hinihintay nila.

Tumalikod na ako at tatakbo na sana ako para umalis sa lugar na to ng biglang may nag salita.

"Stupid monic!" rinig kong sabi ng isang lalaki kaya napalingon agad ako.

"L-Loyd?" di makapaniwalang sambit ko sa pangalan ng lalaking nag salita kanina.

"The one and only tsk" sabi nya at lumakad sya papunta sa akin.

"Ano? Uhm, anong meron dito?" takang tanong ko sa kanya at nag *tsked* lang sya.

"Come, hold my hand" sabi nya sa akin at nilahad nya ang kamay nya.

"Hu?" takang-taka na ako sa trip nya pero humawak na din ako sa kamay nya.

Inalalayan nya akong mag lakad pa punta doon sa mesa. Inaya nya akong umupo tsk ano ako lumpo? Ano bang nakain ni halimaw at may pa ganitong effect pa sya tsk.

"Wait for a sec" sabi nya sa akin at tumango nalang ako.

Di na ako nag aksaya ng oras para sundan sya ng tingin, mangha parin ako sa mga nakikita ko ngayon.

"Roses for you" biglang sabi nya, napatingin agad ako sa kanya at sa bulaklak na hawak nya.

Gosh! Isang bouquet of white roses at sa gitna nito may nakapalibot na chocolate----ferrero rocher.

"Uhmm, thank you" sabi ko ko sa kanya na may ngiti sa aking labi.

Fudge!

My favorite chocolate 😍😍

"Beautiful" bulong ko habang nakatingin sa bouquet na binigay nya sa akin.

"Yes but you're more beautiful than that" sabi nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala sya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Feel ko tuloy na namumula na ako ngayon.

"Uhmm, a-ano. A-Ano, uhhmm a-ano to?" tangang tanong ko sa kanya.

"A peace offering" sagot nya sa akin.

"Ah o-okay" sabi ko nalang.

Fudge!

Ang bongga naman ng peace offering nya.

"Monic, I'm S----fvck. Makinig ka ng mabuti monic, dahil di ko to basta-basta binibigkas kaya makinig ka" simulang sabi nya sa akin at tumango ako sa kanya.

"I'm sorry" bulong nya pero rinig ko naman ito.

Hahahaha!

Fudge, si halimaw? Humingi ng sorry sa isang tulad ko? Hahahahaha, ma tripan nga haha.

"Ano? Di ko narinig" sabi ko sa kanya.

"Tsk! Sabi ko sayo kanina na makinig ka" inis na sabi nya sa akin.

"Nakinig kaya ako, ang hina lang talaga ng boses mo" rason ko sa kanya at sumimangot sya hahaha ang cute.

"I'm sorry monic" sincere nyang sabi habang nakatitig sya sa mga mata ko.

"Apology accepted" sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Thank you" sabi nya sa akin at nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.

"Woaaah! Seryoso? Anong nakain mo lloyd? Una may pa ganito ka pang nalalaman, pangalawa nag sorry ka sa akin at pangatlo nag thank you ka sa akin. Woaaaah! Mamamatay ka na ba lloyd?" sabi ko sa kanya.

"Tsk! Let's eat" sabi nya sa akin, iniwasan nya ang mga sinabi ko sa kanya tsk.

CLAP

Nag clap bigla si lloyd ng isang beses at may biglang sumulpot na waiter sa gawi namin.

"Excuse me ma'am and sir" simula nya at tumango lang si lloyd.

Nilapag naman ni manong waiter ang mga dala nya na nasa isang malaking tray.

"Enjoy your meal" sabi nya sa amin bago ito umalis.

"Let's eat" sabi ni lloyd sa akin.

Kukuha na sana ako ng pagkain ng bigla nya akong nilagyan ng pagkain sa pinggan ko.

"Try this, masarap to" sabi nya sa akin at tumango nalang ako.

Tsk! Fudge, ang weird ni halimaw ngayon pero hayaan na nga. Kakain muna ako kasi ang sarap ng mga pagkain at sobrang nakakatakam. Kain lang ako ng kain hanggang sa binasag ni lloyd ang katahimikan.

"Tsk! Para kang batang kumain" bigla nyang sabi sa akin.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"May white sauce ka sa gilid ng labi mo" sagot nya sa akin kaya dinilaan ko agad yung kaliwang gilid ng labi ko.

"Right side" pagtatama nya sa akin kaya dinilaan ko naman ang kanang gilid ng labi ko.

"Tsk! Ako na nga" sabi nya at medyo tumayo sya ng konti sabay abot sa mukha ko.

Nanigas ako bigla dahil sa ginawa nya, pinunasan nya yung sinasabing white sauce na nasa gilid ng labi ko. Akala ko tapos na sya at bibitiw na sya pero nag kamali ako dahil hinamplos nya ang pising ko at huminto naman sya agad pero naka-dikit parin ang kamay nya sa pisnge ko.

"I can't believe I can fit my whole world into the palm of my hand"

May binulong sya at dahil curious ako tinanong ko sya.

"Anong binulong mo lloyd?" takang tanong ko sa kanya.

"Tsk! Bingi. Ang sabi ko, ang kapal ng pisngi mo" sagot nya sa akin kaya tinabig ko ang kamay nya.

"Tsee! Di kaya. Don't me lloyd, kainis ka. Makakain na nga" inis na sabi ko sa kanya at sumubo agad ako ng pagkain.

"Hahahahahaha!" biglang tawa ni halimaw.

Luhhh! Na baliw na si justin lloyd montenilla pero fudge ang pogi nya esp now na tumatawa sya.

"You're so damn cute awhile ago monic" sabi nya sa akin at bigla akong napahawak sa dibdib ko.

DUGDUG DUGDUG DUGDUG

GOSH!

ANG PUSO KO!

THE MONTENILLA BROTHERS 1 (JUSTIN LLOYD MONTENILLA)Where stories live. Discover now