CHAPTER 5

4.8K 124 7
                                    

Audrey's POV:

Maaga akong aalis ngayon para kulitin na naman si lloyd na yun tsk.

Kinuha ko ang bag, brown envelope at cellphone ko, di kasi kami busy ngayon dahil ang sabi ni Ms. Dowson sa amin na "focus muna kayong dalawa sa Montenilla Brothers, do your best para masali natin ang panganay na Montenilla sa magazine natin para sa susunod na buwan, dahil kung di parin natin sya makuha malaking kalawan sya" kaya mangungulit na naman ako ngayon.

Kanina tinawagan ko ang secretary nya at ang sabi uuwi ang boss nya mga 10:00 am sharp daw, tinignan ko ang wristwatch ko at 9:00 am na. Kaya aalis na talaga ako, tumayo na ako at maglalakad na sana kaso nakita ako ni Ms. Dawson.

"Where do you think your going?" nakataas ang isang kilay na tanong nya sa akin.

Maldita po to sobra tsk.

"Legacy Ms. Kukulitin ko si Mr. Montenilla" sagot ko sa kanya.

Nag bago ang aura nya dahil sa narinig nya tsk.

"Oh? Talaga? Sge bilisan mo na, siguraduhin mo lang na sa legacy ka pupunta" sabi nya sa akin at tumango ako sa kanya.

"Doon talaga ako pupunta Ms. Sge alis na ako, baka di ko sya makita doon. Aalis pa naman yun ngayon" sabi ko sa kanya at tinulak-tulak nya ako.

"Go! Alis na, bilisan mo at tumakbo ka na" pagtataboy nya sa akin.

Tsk. Ganyan talaga yan at ayaw na ayaw nya na mag PO o OPO kami sa kanya kasi daw di pa sya matanda tsk.

No choice, tumakbo na nga ako.

_______________________

Nandito na ako sa labas ng legacy, nag aabang na lalabas sya para ma sundan ko sya. Yes susundan ko sya kahit sa bahay pa nila, tsk bahala na si batman.

"Ingat sir" sabi nung guard, napaayos ako ng tayo pagkarinig ko nun.

Tinignan ko kung sino yung sir na sinasabi ni manong guard na yun at laking tuwa ko kasi si lloyd ang nakita ko. Sumakay sya sa kotse nya dali-dali akong tumakbo at nag para ng taxi, ang swerte ko talaga dahil may huminto agad na taxi sa harapan ko.

"Manong pakisundan po ang kotse na yun" sabi ko sa taxi driver habang turo ko ang kotse ni lloyd.

"Ho? Bakit ma'am?" tanong nya sa akin, binaliwala ko sya at sumakay na ako sa taxi nya.

"Sge na manong, dali na. Ayan na aalis na sya" sabi ko sa kanya.

"Di pwede ma'am, baka masamang tao ka at bibiktimahin mo ang tao sa loob ng kotse na yan" seryosong sabi ni manong driver.

"Di ako masama at boyfriend ko sya. Ang sabi-sabi may ibang babae sya kaya heto ako susundan ko sya, gusto kong malaman ang katotohanan kasi manong *sob* tinanong ko sya pero ang sagot nya wala daw kaya heto naging desperada na ako kasi manong *sob* mahal na mahal ko sya, gusto ko lang talaga malaman ang totoo" pagdadrama ko, naiyak na din ako.

Iyakin kasi ako, kung gusto kong umiyak iiyak talaga ako iisipin ko lang ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay ko at viola luluha na ang mga mata ko, tulad nalang ngayon.

"Oy, oy ma'am wag kang umiyak. Sge susundan natin ang nobyo mo, tumahan ka lang ma'am" tarantang sabi ni manong driver.

"Talaga po? Sge, ay ayan na manong sundan na natin, dali na manong" hyper kong sabi sa kanya kaya yun pinaadar nya na ang taxi.

Nakakahalata na ako na panay tingin si manong sa akin dun sa samilin tsk.

"Di sana totoo justin na may iba kang babae, jusko di ko kakayanin" pagdadrama ko, nakatutok lang ang atensyon ko sa kotse ni lloyd.

THE MONTENILLA BROTHERS 1 (JUSTIN LLOYD MONTENILLA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon