CHAPTER 16

4.1K 91 6
                                    

Audrey's POV:

Nandito na kami sa manila at day off ko ngayon. Kahapon pa kami umuwi dito at naibigay ko na sa mga kapatid ni halimaw ang pasalubong ko sa kanila pero kay lalaine at sa ibang ka close ko sa mga office mate ko di ko pa nabigay dahil di pa kami nag kita, bukas pa kasi ang pasok ko kaya bukas ko pa maibibigay to sa kanila.

Nandito ako ngayon sa hapagkainan, lumalamon. Wala ang montenilla brothers dito, ewan ko kung nasaan ang mga yun. May kanya-kanyang buhay ang mga yun tsk, kaya forever alone ako dito.

*RING SOUND EFFECT*

Luhh! May tumatawag sa akin sino kaya to. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin.

"Tsk! Si halimaw lang pala. Akala ko kung sino na" sabi ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko, tsk masagot na nga.

"Yes hello?" bungad ko agad sa kanya.

"Tsk! Punta ka sa *insert address* nato. Mag madali ka tsk" sabi nya sa akin sabay end ng call.

Fudge this guy!

Buti nalang talaga tapos na akong maligo kaya mag bibihis nalang ako. Tumayo na ako at tumakbo pa punta sa elevator, bahala na yung pinagkainan ko *sigh* sila na muna ang bahala sa mga yun. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ko na ang floor ng kwarto ko.

TING

Lumabas agad ako pagkabukas ng elevator at pumasok agad ako sa kwarto ko.

______________________________________

After 30 minutes

"Manong, ito na ba yun?" tanong ko sa driver nila halimaw.

"Opo ma'am" magalang na sagot nya sa akin.

"Sge, salamat manong. Pakihintay nalang po ako ha?" sabi ko sa kanya at tumango sya, ngumiti muna ako sa kanya bago ako bumaba ng kotse.

Gosh!

Ano na naman ba tong trip ni halimaw ngayon.

Pumasok ako sa loob ng isang harden. Ano bang meron dito? Anong ginagawa ni halimaw dito? Tsk.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakita akong isang curtain. Curtain na parang pinto? *sigh* ay ewan pero pumasok parin ako sa kurtenang nakita ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakikita ko ngayon, may mga petal roses sa may paanan ko patungo sa isang organized table na may wine, plates, candles, wine glass so on and on.

Wow!

Ang romantic naman ng lugar nato!

"Hello! Sir Justin?" sigaw ko.

🎤🎤 Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba...
walang iba 🎤🎤

Ang boses sana ni halimaw ang eneexpect ko pero isang lalaking kumakanta ang naririnig ko ngayon.

Teka!

Mali ata ang napuntahan ko!

🎤🎤 Nagsimula sa mga asaran
Hanggang sa magkainitan
Isang eksenang bangayan na naman
Ba't ba kasi pinagpipilitan
Ang hindi maintindihan
Di naman kinakailangan
Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko 🎤🎤

THE MONTENILLA BROTHERS 1 (JUSTIN LLOYD MONTENILLA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon