CHAPTER 11

3.8K 108 2
                                    

Audrey's POV:

*1 WEEK LATER*

Dahil galit ako sa halimaw na yun! Di ako sumama sa interview nila, bweset na bweset ako sa kanya. Simula noong pangyayari na yun di na nya ako inutusan ulit tsk nag iisip pa ata yun kung ano na naman ang kalokohang ipapagawa nya sa akin tsk.

Day off ko ngayon kaya mag mumukmok ako dito sa mansion ni halimaw. Wala din sya, ewan ko kung nasaan ang isang yun tsk at bahala sya sa buhay nya bweset!

Nandito ako sa kusena nila, gagawa ako ng sandwich----house club sandwich. Nag slice ako ng ham, yung pa tringle na pagka-slice.

May biglang pumasok na lalaki kaya napatingin ako kung sino tsk si troy lang pala akala ko si halimaw na tsk.

"Oh what a beautiful morning. Hi miss beautiful" bati ni troy sa akin.

Tsk! Bolero.

"Morning" bati ko sa kanya pero di ko sya tinignan pa ulit.

"Anong ginagawa mo miss beautiful?" tanong nya sa akin.

Tsk! Bulag ba to? Di nya ba nakikita ang ginagawa ko?

"Nag hihiwa ako ng ham sir, di mo nakikita?" inis na sabi ko sa kanya.

Ewan! Naiinis na ako sa mga montenilla na to.

Di po ako bitter guys tsk!

"Ang taray mo miss beautiful buti nalang maganda ka" sabi ni troy sa akin.

Di ko sya pinansin tsk.

"Anyways miss beautiful, magpapakilala ako sayo di kasi kami pinakilala ni kuya justin sayo tsk" sabi nya sa akin pero di ko parin sya pinansin.

"I'm Troy Montenilla, youngest nila at ako ang pinakagwapo sa aming lima" dagdag nyang sabi sa akin.

"Conceited. Kilala na kita, lahat naman ata kami kilala kayong mga montenilla brothers" sabi ko sa kanya.

"Talaga? Di ko alam yan tsk, pero alam ba nila na ako ang pinaka sa pinaka-pogi sa aming lima?" tanong nya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Tsk ginagago nya ba ako? Bweset! Ang hangin lang tsk.

"Tsk! Kumapit ka nga baka liparin ka" sabi ko sa kanya at kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ko.

"Ha? Bakit naman?" nag-tatakang tanong nya sa akin.

Ay! Loading sya, mahina ang signal? Tsk.

"Kasi ang hangin mo! Sobra po tsk. Liliparin ka sa lakas ng hangin na dala mo" sabi ko sa kanya.

Ang hangin sobra! Signal number 10 tsk.

"Hahahahaha! Shit. Loading ako, sorry naman mahina ang connection ko tsk mapalitan nga. Ano bang gamit mo miss beautiful?" natatawang sabi nya sa akin.

"Ha-Ha-Ha-Ha! Umalis ka na nga kung wala kang matinong gagawin o sasabihin tsk" sabi ko sa kanya.

"Eherm! Bahay namin to miss beautiful kaya di mo ko mapapaalis sa pamamahay namin" sabi nya sa akin.

Nganaman!

"Di yan ang ibig kong sabihin! Ang sabi ko umalis ka na dito at pumunta ka sa ibang sulok ng mansion nyo, ayokong makasalamuha ang isa sa inyo tsk" sabi ko sa kanya.

"Bitter mo naman miss beautiful. Di naman ako si kuya justin at isa pa ako ang pinakamabait sa aming lima" sabi nya sa akin.

Di ko nalang sya pinansin bahala sya kung ayaw nyang umalis. Tapos na nga pala ang house club sandwich na ginawa ko mga 10 pcs to, 5 pcs lang talaga ang ginawa ko pero hinati ko sa dalawa para maging triangle ito kaya yun naging 10 pcs.

THE MONTENILLA BROTHERS 1 (JUSTIN LLOYD MONTENILLA)Where stories live. Discover now