CHAPTER 15

3.9K 116 7
                                    

Audrey's POV:

Nandito kami ngayon sa Cebu Westown Lagoon, dito naman kami nag check in ni halimaw. Bukas na talaga kami uuwi, ang saya ko lang kahapon kasi namasyal kami ni halimaw at nag shopping kami. Bumili din ako ng mga souvenir para pasalubong ko sa mga kaibigan ko at sa mga kapatid ni halimaw. Akala ko nga aangal sya eh, pero tango lang sya ng tango. Bumili din ako ng two piece at cover up, kasi nalaman kong may pool dito. Kawawang halimaw naging banker ko tulog sya tsk.

"Pst! Ligo tayo?" tanong ko sa kanya.

"Tsk! Kung gusto mong maligo, maligo ka mag isa" masungit na sabi nya sa akin.

"Two shot of black daniel" rinig kong order ni halimaw at binigyan naman agad sya ni kuyang bartender.

"Fine!" sabi ko at nag walkout ako.

Pupunta ako sa kwarto ko para mag bihis. Maliligo talaga ako dahil ang ganda ng pool nila, may matataas din silang slides at may hot spring din.

Excited na tuloy ako!

After kung palit ng damit, lumabas agad ako sa kwarto ko at nag lakad ako pa punta sa pool. Di na ako nag cover up, naka two piece lang ako tsk sanay na ako sa ganito kaya di na ako nahihiya.

Susulong na sana ako sa pool ng may biglang humila sa akin.

"Aaaahh" sigaw ko, pag tingin ko sa taong humila sa akin *sigh* si halimaw lang pala, kinabahan ako akala ko kung sino na.

"Why are you wearing that shit?" inis na tanong nya sa akin.

"What?! This? Binili kaya natin to! Di ito shit lloyd, two piece ang tawag dito two piece" inis na sagot ko sa kanya sabay bawi ng kamay ko.

"Tsk! Change" utos nya sa akin.

Sinamaan nya ako ng tingin kaya sinamaan ko din sya ng tingin, hindi ako papatalo lloyd tsk.

"No! Pwede ba umalis ka na at bumalik ka na doon" sabi ko sa kanya sabay turo doon sa inupuan nya kanina.

"Change or bubuhatin kita at dadalhin kita sa kwarto mo" inis na sigaw nya sa akin.

Sasagot na sana ako ng bigla syang sumigaw at may tinuro sa likod ko kaya napatingin ako sa tinuro nya sa likod ko.

"You!" turo ni halimaw sa isang lalaki, napatingin naman ang lalaki kay lloyd tsk nakatingin pala ang lalaki sa akin no scratch that sa katawan ko pala.

"Stop staring man! Kung ayaw mong mawalan ng mga mata!" dagdag na sigaw ni lloyd sa lalaki, akala ko makikipagtalo pa ang lalaki pero bigla itong tumakbo.

Coward tsk.

"Choose now monic" sabi nya sa akin.

"No! Pwede ba, wag kang makialam. Kaya nga binili to para gamitin" inis na sabi ko sa kanya at akmang aalis na ako ng bigla nalang akong lumutang.

"Ugggghh! Fudge! Lloyd put me down! Ano ba, ibaba mo ko ugggh" sigaw ko sa kanya.

(A/N: Simula ngayon di ma mag cucuss si audrey monic lim guys hehehe)

Kinarga nya ako-----a bridal style.

Sigaw ako ng sigaw!

May lalapit sanang lalaki sa amin, I guess gusto nya akong tulungan.

"Mister! Help me" sabi ko sa lalaki.

Magsasalita na sana si manong ng biglang nagsalita si lloyd.

"Don't interfere man! Away mag asawa to" sigaw ni lloyd at tumango naman ang lalaki.

"Pasensya pare akala ko hinaharass mo sya" sabi nung lalaki bago sya umalis.

THE MONTENILLA BROTHERS 1 (JUSTIN LLOYD MONTENILLA)Where stories live. Discover now