Chapter 19 VIP

Zacznij od początku
                                    

Hindi ko na sila pinapansin. Sanay nga akong maghintay ng  bus at mkipagsiksikan sa LRT kaya it’s not a big deal kung madelay ang private jet!

Teen Stars Daniel Padilla and Kathryn Bernardo admitted they are officially dating

Yan ang nakalagay sa front page ng magazine na binigay sakin ni Albie. Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Shocked or angry, ewan ko na.

Kagabi lang pinagtabuyan ako tapos kinaumagahan sila na?! Siguro kaya ganun lang kadali sa kanya na ipagtabuyan ako kasi girlfriend na nya si kath at naghhanap na lang sya ng dahilan to get rid of me?!

“Sh*t!” sa sobrang inis ko binalibag ko sa vacant na upuan ang hawak kong magazine.

“bakit?” Nagulat naman si Albie. Hindi ako kumibo. Napahalukipkip na lang ako.

“Pahiram ng iphone mo. Soundtrip na lang ako.” Sabi ko na lang sa kanya.

“Princess, najan na po yung jet. This way po..” Sakto namang lumapit sakin si Arabella at sumunod kami ni Albie sa kanya.

Parang narinig ko pa ang boses ni DJ na tinatawag ako pero siguro guni-guni ko lang. Hindi naman toh parang teledrama na biglang darating yung taong mahal mo at pipigilan kang umalis. No… dapat tanggapin ko na lang na hahawak ako ng malaking responsibility kaya iwasan ko na ang mga kadramahan sa buhay.

I’m Princess Mara Julia Agatha Hautea Montes Schnittka. Cold, tough, influential….

~~~

“Mainam na ding umalis muna tayo para makarecover ka. Next week pagbalik natin tska na natin harapin yung mga interviews nila.” Simula kaninang umaga alam kong sinusubukan akong icheer up ni Kathryn pero wala pa din akong gana sa araw na toh.

“Tignan mo, pinublish na nila. No turning back..we should make this work out na.” Tinuro nya yung magazine sa waiting area.

Pagkatapos ng party, para makaiwas sa scandal kagabi at para tumahimik ang reporters, inannounced namin, I mean nila pala, na girlfriend ko si Kathryn at kaya lagi ko din syang kasama kahit sa taping ko sa Germany. Pumayag din ako dahil inamin nya sakin kagabi yung totoong feelings nya saken and I just needed someone to comfort me dahil sa ginawa k okay Julia. Alam kong galit na sya saken at alam ko din na hindi talaga kami pwede para sa isat isa. Tama si Mama…si Kathryn dapat ang mahal ko. Pretty, kind, famous, lahat na yata nasa kanya na… she’s the perfect girl to love…And I’ll try to do that…kung natuturan lang sana yung puso.

“Sorry masama lang pakiramdam ko talaga. Puyat kasi.” Sabi ko na lang kay Kath.

Pupunta kami ngayon ng Germany for some photoshoot sa movie ko dahil matatapos na naming ishoot and malapit na din irelease worldwide.

“Flight 713…Berlin.” Narinig kong inannounce na yung flight namin.

“Baby, tara na.” Hinatak na ko ni Kathryn sa passport control area.

“Miss baka pwedeng kami na yung mauna? Kasi malalate kami tinawag na yung flight no namin.” Pakiusap ko sa babae sa counter.

Ang haba ng pila at kung hihintayin pa namin baka hindi na kami umabot.

“Sir pasensya nap o kailangan nyo maghintay hindi po kami nagbibigay ng special treatment dito.” Mejo masungit pang sabi ng babae.

Aist! Nakakainis naman! Para san pang naging sikat kami kung urgent favor di mo makuha.

Kahit naiinis, napilitan akong bumalik sa linya. Pinisil na lang ako ni Kathryn sa braso para sabihing kumalma na lang ako. Pano ka naman kasing hindi maiinis, ang daming tao, pito yung counter apat  lang nakabukas, tapos yung isang counter walang nakapila, bawal daw, pero may tao naman!

“Excuse me,” May nagsalita sa likod ko.

Napalingon kami ni Kath at nakitang may mga nakablack suit na tao na parang body guard ng white house. Kaya ba madaming tao?

“Final call, flight 713 Berlin.” Narinig ko nanaman ang announcement.

Nun ko lang napansin na may naglalakad na babae na parang pinoprotektahan ng mga “body guards” papunta sa bakanteng counter. Nakayuko ito at parang tinaakpan yung mukha nya.

Sino kaya sya? Ang sexy pa ha…model siguro? Infairness para syang si Julia.

“Miss bakit pwede naman pala dun?” Nadistract ako nang magreklamo si Kathyrn. Bakit nga ba tinanggap sa counter yung babae?

“Kala ko ba walang special treatment?” Dagdag ko pa. Napalingon sa sigaw ko yung babae at nagulat ako. Parang si Julia yata yun?

Titignan ko sana yung mukha nya para makasiguro pero tumalikod ulit sya.

“Julia!” Sinubukan kong tawagin pero hindi sya lumingon.

“DJ ano ba! Malalate na tayo Julia ka pa jan!” Nainis si Kathryn.

Para makaiwas sa pagkainis nya pinuntahan ko ulit yung counter at nakiusap na unahin na kami.

~~~

Habang papaliit ng papalit ang Pilipinas sa paningin ko as the plane takes off, pabilis namang ng pabilis ang patak ng luha ko.

“Okay ka lang?” Tinapik ako ni Albie at inabutan ng panyo.

“You have to forget everything. Alam mo na…” Seryosong sabi nya. Sa tingin nya, para bang naaawa sya saken na ewan.

“I know…this is it... Goodbye DJ..” Pinalakas ko ang loob ko. Wala nang atrasan toh Julia.

~~~

Magkita kaya sila sa Germany? Kung mangyari yun ano kaya mangyayari?

 Guys pwede paki-comment yung info na toh para magamit ko yung names nyo sa story:

Desired Name:

Description (something about yourself):

Age:

Para may idea po ako. Tnx! ^_^

~Marikit

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz