My Binondo Girl After Two Years Chapter 20

Magsimula sa umpisa
                                    

   "Daddyyyy!!!" sigaw ng anak nilang si Sapphire sabay katok sa may pintuhan nila.

   "Andy, si Sapphire," naitulak niyang bigla ang asawa sa dibdib para maupo sa kama.

   "Dammit, anong klaseng timing naman ito," napabalikwas ng bangon si Andy sabay kamot sa ulo. Maaaninaw sa mukha nito ang pagka-frustrate at inis.

   "Sorry, Babe. Tinatawag ka na ng little princess mo," hindi mapigilan ni Jade ang mapangiti sa ginawi ng asawa.

   "Daddyyyy!!!" tuloy-tuloy na sigaw ng bata.

   "Talagang masasabon ko itong si Annika," galit na bulong ni Andy sa sarili. "Babe, huwag ka munang matutulog, ibabalik ko lang si Sapphire sa kuwarto nila. Hintayin mo ako, saglit lang ito," nagmamadaling tumayo si Andy para puntahan ang anak.

   "Sapphire, let's go back to your room, okay? Mommy and daddy are going to sleep now," sabi nito sabay buhat sa bata.

   "No, daddy. Sleep there," matigas na tanggi nito sabay turo sa kama nilang mag-asawa.

   "Anak, doon ka na lang sa room mo tonight," uto nito sa bata.

   "NO, daddy."

   "Sapphire, huwag matigas ang ulo," nagtitimping sabi ni Andy.

   "No, Nooooo," angal ni Sapphire kasabay ng nakakarinding iyak.

   "Andy, dalhin mo na dito sa kama natin. Hayaan mo ng matulog dito ngayong gabi," salo ni Jade.

    Inihiga si Andy sa kama si Sapphire habang umiiling at bumubulong sa sarili, "Talagang makakatikim ng salita itong si Annikka sa akin bukas."

   "Ikaw naman, naglalambing lang ang anak mo di ba?" hindi maiwasang hindi tuksuhin ni Jade si Andy na maasim pa sa manggang hilaw ang mukha.

   Matapos maihiga ang anak sa gitna ng kama ay tumabi na rin ito sa kanilang mag-ina.

   Kinabukasan habang nag-aalmusal silang lahat ay tahimik si Andy sa pagkain.

   "Babe, may gusto ka bang ulam? Magluluto ako," lambing ni Jade sa asawa.

   "Okay na ito," matabang na sagot.

   "Mukhang hindi yata maganda ang tulog mo ha?" singit ni Lola Amor.

   "Pagod lang po," tahimik na sabi nito.

   "Andy, ipinagbaon kita ng adobo at steam vegetables," ani Jade.

   "Thanks," simpleng sabi nito. "I have to go, may mga meetings pa ako this morning."

   Hinatid ni Jade si Andy hanggang garahe. Nang gawaran siya ng halik sa labi ni Andy bilang pagpaalam bago pumasok ay sinuklian niya ito ng matamis na halik na ikinagulat ng huli. Napakakunot ng noo ito. Bihira kasing maglambing si Jade.

   "Sorry last night, Andy. Huwag ka ng magalit."

   "Hindi naman ako galit, Jade. Nagtatampo lang kasi parang wala kang gana sa akin," tahimik na sabi nito.

   "Sorry na nga. I'll make it up to you, promise," nakangiti ng pilya si Jade.

   "You promise, tonight?" diretso ang tingin nito.

   "Oo Babe, huwag ka ng mag-emote diyan," aniya sabay yakap sa baywang ng asawa.

   "Akala ko kasi hindi na ako importante sa iyo," may kaunting tampo pa rin ang boses nito pero tumugon din ito sa yakap ni Jade ng mas mahigpit.

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon