Chapter 14: Hair Clip

Start from the beginning
                                    

Keep your ass all together, Summer Jade. Keep cool and act normal.

"Ano ba ang date para sa'yo? Sex? Flirting? Kissing?" Sarkastiko akong napangisi. "Hindi ko kayang gawin ang tipo mo sa isang date, Calix."

"Yours would be different." Pahapyaw siyang ngumisi at malalim akong tinitigan. "Your much more than them, Summer."

Huge eyebags were encircling around my eyes as I stared my reflection in the mirror. Nagulo ko ang buhok ko habang naiisip ang mga maaaring
mangyayari ngayong araw.

This is the day it will definitely start. My game with the most wanted playboy is not just something for fun. Heart shouldn't work here. Definitely not.

I composed myself in the mirror. Put light make-up on and brushed the waves of my hair.

I got off my black turtle neck dress from the cabinet and wore the silver stilletos on. Tita Ruthie invited us for a dinner in her high class restaurant. Well, madalas naman itong mangyari sa pamilya namin whenever they want to bond. In my father's side, tatlo ang kapatid ni Dad. Si Tita Ruthie, Tito Jeck at Tita Sarina. Si mommy naman ay nagiisang anak sa pamilya nila.

They always call a huge dinner even there's no reason to celebrate. It's their way to still keep in touch. Na kahit sobrang busy sila sa kanya kanyang trabaho ay naglalaan pa rin sila ng oras para makapag bonding ang buong pamilya.

Lumabas na ako ng kwarto nang makuntento na sa ayos ko.

I was walking down the stairs when I stopped in the mid way. Nakita ko si Calix na nakasandal sa railings ng hagdan habang nakatingin sa mamahaling relo niya.

He was wearing a black coat and a red shirt underneath. Suot niya rin ang dogtag niyang hindi nakatakas sa pagbibigay ng bad boy look at angst na dating niya.

"You're here." Plain na bati ko sakanya.

Umangat ang titig niya sakin at naestatwa sa nakita. Natawa na lang ako sa ekspresyon niya.

"Mukha bang clown?" Natatawang sabi ko. I never wore make up. Ayokong magpaganda dahil sakanya. Gusto ko lang itago ang takot at pangamba sa mukha ko. That everytime he's around is my greatest fear.

Let's say we'll date secretly but I'm still madly worried. Kumakalabog ang puso ko tuwing nandyan siya at iyon ang rason. Pakiramdam ko maririnig nila ito at malalaman lahat ng sikreto ko.

Chills running down my spines. I faked a smile to cover it.

Humakbang siya palapit sakin. He leaved one step away from me. Ngayon ay magka level na ang mga mukha namin.

Hindi siya sumagot sa tanong ko kanina. But the look of his eyes says the opposite answer I want to hear. Tumitig siya sa mukha ko at ngumisi. Well, noticeable ang palagian niyang pagngiti ngayong araw.

"May kulang." Aniya habang nakangisi.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang kumuha siya ng ilang piraso ng buhok na tumatakip sa mukha ko.

May inilagay siyang kung ano sa ulo ko at narinig ko ang paglock niya nito.

"There." Muli niya akong pinagmasdan. Mas matagal at mas malalim kaya hindi ko natagalan. Inalis ko ang mga mata ko sakanya at nauna nang bumaba ng hagdan habang hinahaplos ang hair clip.

"You don't have to give me things like this." Naiirita kong utas sakanya. He's turning the tables. Nahuhulaan ko ng mangyayari ito.
But why did I choose to play with him anyway? It will a never ending question, I guess.

"Unang beses ko 'tong magbigay ng regalo sa babae. You should be pleasured...." Tumigil ako sa paghakbang at nanatiling nakatalikod sakanya.

"Oh?" Medyo sarkastiko kong turan. "Salamat but you still don't need to." Matigas na ani ko habang binabaklas ang clip sa buhok ko.

Maybe I'm Yours (Puerto Viste Series #1)Where stories live. Discover now