Ang gulo na ng sinasabi ko.. haaay !

Tumingin ako sa kanya.. “nasabi ko na ba sayo na sa mga nakaraang araw, isa ka sa dahilan kung bakit kahit papaano gumaan ang loob ko... ahe, kung hindi pa, ayan, alam mo na.. Maraming salamat Marcos...kung ako rin lang, mas gugustuhin ko na ikaw na lang ang mahalin ko.... dahil alam ko... iba kang magmahal.. kaya ang swerte ng mahal mo... haha, ang swerte ni Jenina..” tapos, tinampal ko ng mahina yung braso niya.. napangiwi siya..

“nababaliw ka na talaga, alam kong gwapo ako, wag ka ng dumagdag sa mga tga hanga ko... hahaha, saka tapat akong kaibigan... hindi ko kayang mahalin ang taong mahal na ng kaibigan ko..” sabi niya habang nakangiti sakin....

Oh?see? sinong tangang babae ang hindi gugustuhing mahalin ni Marcos db?? Si JENINA lang ata ee ! ahahahaha.. peace XDD

“calling the attention of all the passenger... blah blah blah”

 

“paano guys?? This is it... ^___^ wag niyo ko kakalimutan hah..” sabi ko sa kanila...

Dinumog nila ako at niyakap... tapos, yung girls, nag-iiyakan.. para namang hindi na ko babalik?? Mga loka-loka talaga ee.. hahaha

“sabihin niyo na lang kay Miko at Jenina, mamimiss ko din sila..” hindi kasi nakarating si Miko, dahil, may inaasikaso ito about sa company nila, si Jenina naman.. ayun, hinahanap ata si drei >____________<

Nagsimula na kong maglakad palayo sa kanila... wala ng sulyap-sulyap dahil baka hindi ako makatiis at tumakbo ako sa kanila pabalik... baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maiyak na naman ako...

Biglang may humawak sa braso ko... tiningnan ko siya...

“si Drei... iniwan ka niya dahil kay Ryu.. akala niya buhay pa si Ryu.. iniwan ka niya kasi akala nya kay Ryu ka sasaya, dahil akala niya, hanggang ngayon, si Ryu pdin ang mahal mo... nag’back out siya dahil ayaw niyang maipit ka sa sitwasyon niyo... ayaw ka niyang malungkot, ayaw ka niyang nakikitang nahihirapan at nasasaktan.. kaya mas pinili niyang magpakalayo-layo at mag-isang magdusa at mahirapan... ganun ka niya kamahal..” sabi ni Marcos habang diretso ang tingin sa mga mata ko...

Masyado akong nabigla sa mga sinabi niya...

Bakit Drei?? Bakit hindi mo manlang ako tinanong?? Bakit hindi mo man lang inalam ang lahat?? Galit lang naman ako sayo dahil sa mga narinig kong sinabi mo... oo, maaaring mahal ko pa si Ryu, pero.... wala na siya, at handa na din akong palalimin pa kung ano man ang nararamdaman ko para sayo... handa na kong sumugal para sayo... tinanggap ko ang engagement para sayo... bakit?? Bakit kelangan magkaganito??

Napaupo na lang ako, takip ang mga bibig para pigilang lumabas ang bawat hikbi...

Umupo din si Marcos sa may harap ko... “sinasabi ko sayo to, hindi dahil gusto kong umiyak ka, magbago isip mo o kung ano man, sinasabi ko to sayo... para malaman mo, na hindi siya nagbackout dahil may mahal na siyang iba, hindi siya nagbackout kasi ayaw niya na sayo... kundi... nagbackout siya, umalis siya.. dahil akala niya, iyon ang ikasasaya at ikabubuti mo... mahal na mahal ka ng kaibigan ko Euphy.. lagi mo sanang tatandaan yon...” sabi pa ulit niya...

MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~Where stories live. Discover now