CHAPTER 48: BARE TRUTH

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh the youngest Vander", the Gothic lady said. She is chewing a gum at bahagyang lumapit sa amin ni Ryu but then Mnemosyne and Red stepped in front of us bago pa ito makalapit.

The gothic lady chuckled, "Geez, you young reapers, masyado kayong protective. I'm not going to do anything stupid. Babatiin ko lamang ang batang ito. She's so strong to have stayed in her Mom's womb despite all her shots", nakangising wika nito at mas lalo kong nararamdaman ang paninigas ng katawan ni Ryu, like he's going on a killing spree any moment by now. Mas lalo ko na lamang hinigpitan ang paghawak ko sa kanya. I looked at him in his eyes as if I'm begging him.

"Here's my salute, Young Vander" she said and she raised her middle finger to me at ngumisi ng nakakaloko. Inilibot nito ang paningin sa loob at nang makita nito si Gray ay doon naman ito bahagyang lumapit. "You too. Akala ko pa naman ikaw na ang pinakabatang Vander. You're lucky to have that stupid woman offer her life for -"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang lumipad sa direksyon nito ang isang stainless tray na dala ng mga waiter kanina habang nagbibigay ng mga inumin. Nagulat ang lahat kung saan iyon nanggaling. The tray grazed the woman's forehead at tumulo ang dugo mula roon.

"What the fuck!", she hissed at hinanap ng mga mata ang pinanggalingan ng tray. There I saw Zywon stepped forward at gaya ni Ryu, nag-uumapaw din ang aura ng galit sa katawan nito. His eyes are so dark, his fist is clenched at walang ibang mababakas sa mukha nito kundi galit.

"Don't you dare call my Mom stupid", wika niya. "She is not stupid, you're just heartless!"

"And who are you?"

"Zywon Deltran."

"Ah, Deltran? You must be the other kid with this Vander few years ago. The one who was with Emerald Deltran", wika nito. Tumalikod ito kay Zywon na tila ba walang paki. "She's stupid. The kid is not even worth dying for."

I closed my eyes nang tinangkang habulin ni Zywon si Ganymede ngunit bago pa man niya ito maabutan ay hinawakan na siya ni Gray sa braso. He gave him a very sad look na tila ba sinasabing wag nang ituloy ang balak niyang pag-atake. Zywon hesitated for a while ngunit nang saglit na nakita nito ang ekspresyon ng mukha ni Gray ay pinigilan niya ang sarili. He removed his hands from his arm bago bumalik sa pwesto niya kanina.

"Umalis na kayo!", Mom said. This time ay naging kalmado na siya kumpara kanina. "We would appreciate it if you would leave this place immediately."

"Nagmamadali ka yata Athena. Don't worry, we'll leave shortly after giving you my message. I don't know who's the traitor within this mafia, ngunit sa tingin ko ay meron."

"You must mean the three of you. You're traitors, aren't you?" Mom is really recovering from her amnesia. Mukhang nakakasabay na ito sa mga pangyayari noon na kinasasangkutan ng tatlong hindi inaasahang bisita.

"That was a long time ago Athena, what I mean is that there is this new traitor. A new traitor who's also affecting us. I'm telling you, whoever you are, kapag nalaman ko kung sino ka, you will regret messing with us."

"Anong ibig mong sabihin?", Ryu asked. "And how dare you to threat the mafia."

"We'll leave it that way. Goodbye people! Continue your party", wika ni Dra. Preciosa. She smirked at Mom and Dad bago tumalikod sa amin. Ganoon din ang ginawa ng lalaking may peklat at ni Ganymede. Inalis niya sa bibig ang kanyang nginunguyang bubble gum bago iyon idinikit sa nameplate ng nadaanan niyang waiter.

"Check the area for bombs and other threats!", sigaw ni Cooler at may mga sumunod naman sa sinabi niya. Lumapit siya kay Cronus. "Do you think we'll leave it that way? Hahayaan na lamang silang umalis ng ganoon nalang?"

DETECTIVE FILES. File 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon