CHAPTER 18: 42 HOURS WITH RYU VANDER MORISSON (Part 3)

389K 13.6K 6.5K
                                    

Chapter 18: 42 Hours with Ryu Vander Morisson (Part 3)

12AM - 5AM

Marahil ay narinig nito ang sinabi ni Ryu na naka-tattoo sa braso ni Scott ang pinagtaguan ng mga hindi pa natatagpuang koleksyon ni Ivanovich!

Nagkagulo ang mga tao at panay sulyap sa kubo kung saan nandoon ang katawan. Bahagya kaming lumapit doon at nakiusyoso na rin. On the floor was the corpse of a man, he has white skin at puno ng tattoo ang leeg at paa nito. There wasn't any tattoo on his hairy right hand while his left hand was chopped and missing.

I looked around at the people. One of them could possibly be the one responsible for cutting his arms. Marahil ay isa iyon sa mga sinasabi ni Ruben na ayaw magbago. Maybe one of them spied our hut at nagbabalak na looban kami!

"Ryu?", tawag ko sa kanya. I hope I was wrong with what I am thinking.

"Ano?", sagot niya. He wasn't looking at me, sa halip ay panay pa rin ang tingin niya sa mga taong naroon na panay ang bulungan tungkol sa nawawalang braso ng convicted criminal na si Scott.

"Did you lock the door before we went to sleep?", I asked.

"I did."

"But how was it when we went to see what's happening here?"

"It's open— what the fuck!", he darted a dark gaze at me at kinapa ang bulsa niya. "My wallet and cellphone are lost. How about yours?"

"Still intact. I hid them under my pillow", sagot ko sa kanya. He took a deep sigh pero mukhang wala lang sa kanya iyon. "Aren't you supposed to be freaking out by this moment?"

"For what?", wika niya habang nakakunot ang noo.

"You just lost your phone and wallet", paalala ko sa kanya.

"So?"

"YOU JUST LOST YOUR PHONE AND WALLET!", pag-uulit ko. Ano ba ang mahirap intindihin doon sa sinabi ko?

"SO?!"

"Hindi ka man lang ba nababahala sa credit cards mo? Your phone. Hindi ka ba natatakot na baka may makakita sa mga mirror selfies mo doon?" Okay, mirror selfie is not a big deal but he is Ryu, someone you can't imagine doing a mirror selfie.

"Mirror selfie? I don't take photos of myself! As of the cards, I'll have it reported. Wala naman doon ang credit card ko", sagot niya sa akin.

Uh! Unbelievable! Sabagay! Barya lang naman sa mafia ang pinambili ng mamahaling cellphone niya!

"Makinig kayong lahat!", sigaw ni Ka Roman kaya napadako ang atensyon namin sa kanya. "Isa itong nakaka-alarmang pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang motibo ng gumawa nito at kapag nalaman ko kung sino man iyon ay kailangang umalis dito sa ating tagong baryo o kung hindi ay hahatulan ko ng kamatayan! Sinabi ko na sa inyo! Kailangan na nating magbagong-buhay!"

Nagbulong-bulungan ang mga tao. Nagtataka sila kung sino ang pumutol sa kamay ng pugante at ano ang dahilan niyon.

"Iisa-isahin namin ang bawat kubo!", wika ni Ka Roman at umalis na sila. Naiwan ang mga tao sa labas at panay pa rin ang usapan nila.

Malamig ang dampi ng hangin kaya't niyakap ko ang sarili ko. I was thinking if we could really leave this place safe. Lahat ng nandito ay mga pugante. Pamilya ng pugante. Well some could have just been desperate enought to commit their crimes but it's still their choice and they're sane enough to know what's wrong and right. I saw a log at napaupo ako roon. Ryu sat beside me but he was in deep thoughts.

"Iniisip mo ba ang cellphone at wallet mo?", I asked.

"No."

"Eh ano iniisip mo? Yung kamay nung Scott?" Oo nga pala. Wala itong pakialam sa cellphone at wallet niya.

DETECTIVE FILES. File 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon