CHAPTER 8: THE LAST WILL AND TESTAMENT

368K 13K 9.9K
                                    

Chapter 8: The Last Will and Testament

Katatapos lamang ng final exams and most students were so excited for the summer vacation. They have different plans for the summer but I just hope na hindi lamang sila hanggang sa pagguhit ng mga plano nila. Minsan kasi ay nakakatamad kapag summer vacation. Wala kang ibang gustong gawin kundi ang mahiga sa kwarto mo. Uh, well that's how I spent my summer last year. Nagbabalak pa akong sumama sa mga pinsan ko sa Palawan but in the end, I decided not to dahil hindi rin naman kami masyadong close ng mga pinsan ko.

Kalalabas lang namin ng classroom at nasa cafeteria kami tumatambay kasama ang iba pa naming mga classmates.

They were thinking of an academic year-end gathering para sa amin. Sumali na lang kami sa meeting nila kahit hindi kami makakasama dahil may sarili kaming plano ni Gray.

No, not our plan but rather Sir Arman's.

Hindi pa dumarating ang iba pa naming mga kaklase kaya may naisip na naman si Jeremy.

"To kill time, let's have some riddles", he said. " I shrink smaller every time I take a bath. What am I?"

"Water?", Marcus asked.

"Lumiliit ba ang tubig? Baka sabon", Lorie said.

"Ako! Ito! I have no end and no beginning and no middle. What am I?", Yuri asked.

"That's pretty hard."

Saglit kaming nag-isip but Gray spilled the answer. "It's doughnut."

"Right!"

"My turn. I am owned by every man, though my length differs. Their wives use me after getting married. What am I?", Marcus asked and I glared at him.

"Stop it Marcus! You're poisoning our mind", wika ko sa kanya and I was surprised to find him and Gray laughed hard. Uh, anong nakakatawa doon?

"What's funny?", Jeremy asked. "Dahil ang sagot ay—"

"Don't ever think of saying it Jeremy!", wika ko sa kanya. Knowing him, hindi ito mag-aatubiling sabihin kung ano man ang sagot niyon.

"You have a colorful mind Amber", Marcus said with a laugh.

"Bakit?", nagtataka kong tanong. Ang awkward naman talaga ng riddle niya!

"The answer is Last name", Gray said at tumatawa pa rin.

"I like the way you think Amber", komento ng isa ko pang lalaki na kaklase. Nahiya naman ako! My goodness! Pag-iisipan ko na talaga sa susunod ang mga sasabihin ko. Marami na ang nakisali sa sa pagsasagot ng mga riddles namin.

Matapos ang meeting ay bumalik na ako sa dorm upang magpahinga. Wala pa roon sina Andi at Therese kaya mag-isa muna ako doon. Pagdating ko ay sinalubong ako ng aso kong si Filter. It barked and wagged its tail. Pinulot ko ito at nilagay sa lap ko matapos umupo sa kama. Hinawakan ko siya sa katawan at hinarap sa akin.

"Filter, masama ba ang ugali ko?", I asked the dog. I'm so stupid for talking to the animal but it's I guess it's better this way. Talking to animals are good, para sa akin. Unlike people, they don't judge you. They don't have any negative things against you. Filter barked again matapos akong magtanong. Uh, pati ba aso ay nasasamaan na sa ugali ko? "Is that a yes?", tanong ko at muli itong tumahol ngunit mahina lamang.

I felt defensive and I tried explaining myself to Filter. "Hindi naman ako masyadong masama at isa pa, may good side din naman ako ah. Do you want me to change?" I asked but Filter didn't bark. Inangat ko ang mukha nito at inulit ko ang tanong ko but still he didn't bark.

DETECTIVE FILES. File 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon