Chapter 5

0 0 0
                                    

A/N

Hi kung meron mang nagbabasa nito gusto ko lang magpasalamat sayo. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako hasa sa pagsulat at maraming Grammatical errors at wrong spelling ang sinusulat ko kay pagpasesyahan nyo na. Please bare with me till the last chapter ^_^ thanks

____________________________________

Ayoko sanang pumasok, matapos ang nangyari parang gusto ko na lang ilibong amg sarili ko ng buhay. Kahit anong gawin kong pakikinig ay hindi ko magawa dahil paulit-ulit na nag p-flashback sa utak ko ang nangyari at kung gaano ako katanga.

Tumunog na ang bell kaya niligpit ko na ang mga gamit ko. Gladly at wala sya ngayon dahil hindi pa ako handa na makita sya.

"How out of the universe na naman ang utak mo ah." Puna ni Ann na nasa harapan ko na pala.

"Asan si Chella?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Im here!!! Mukang problemado ka ata ah. Mind telling us?"  Nag-aalala nyang tanong. Im really happy to have the both of them, my best listener, best comforter, my best friends.

"Wag na. Minor lang naman eh." I said at binigyan sila ng pekeng ngiti.

"Minor eh ang muka mo parang binagsakan ng langit at lupa." Hindi naniniwalang komento ni Ann. Sometimes nakakatawa talaga sya, minsan nga naiisip ko na sana ako na lang sya, yun bang carefree and innocent lang, yung wala na lang ibang ginawa kundi ngumiti? But i can never be her. I can never be as strong as her. Because she's strong enough to smile even though shes really broke inside.

"Come on KM. What are friends for kung hindi mo naman masabi-sabi samin ang problema mo." Pangongonsensya ni Chella.

Samin si Chella talaga ang ate type, yun bang sya ang parang counselor namin? Pag may problema kami she was there to listen tapos inaalo kami so I really lucky to have her. I was lucky to have the both of them.

"Ok but please dont judge me?" Nag-aalinlangan long sabi at tumango lang sila kaya wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanila ang lahat.

"What?! Seriously? Nababaliw ka na ba?! Ba't ka pumayag? Ba't nyo yun ginawa? How in the hell na naisip mong gawin yun?!" Hysterical na sabi ni Ann. Napayuko na lang ako, kasalanan ko rin naman eh.

"Hindi ka sana pumayag Km. Alam mo rin naman sigurong babae sya diba? At isa pa may Girlfriend na sya." Kalmadong sabi ni Chella as expected, pero alam kong dissapointed din sya.

"Im sorry, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. Sorry talaga." Nakayuko kong sabi. Para talaga kaming magkapatid kaya ayaw kong ma dissapoint sila sakin.

"Hindi naman kami galit eh. Maybe just dissapointed. We know that you're better than this Km, you're better than this."






Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko anh sinabi ni Chella and i tried reflecting from it. She's right, im better than this. Hindi ako mahina, hindi ako ang babaeng madali lang magpatalo sa sariling puso. Kinalaya kong umiyak at itago ang sakit na nararamdaman ko ito pa kaya. Magaling akobsa taguan ng nararamdaman at wala pang nakakatibag sa mga ginawa kong harang including my friends.

Hindi ko na rin pinapansin pa si Chloe and tried avoiding her, tinutulungan naman ako nina Chella na gawin yun. Alam kong mawawala rin to kaya habang maaga pa, habang hindi pa lumalaki ang problema at hindi p dumadating sa perpekto kong pamilya, ititigil ko na ang kahibangan ko.

"Km tara na snack tayo." Anyaya ni Ann sakin. On guard sila sakin ngayon dahil ayaw nilang lapitan ako ni Chloe. Hindi naman ako naiinis dahil ayaw ko namang makalapit sakin si Chloe dahil malaking problema. Una, dahil ayaw ng mga magulang ko sa same sex relationship, pangalawa ayaw ng mga kaibigan ko at pangatlo ay ayaw ng mga kaibigan ko sa kanya kaya wala talagang Pag-asa.

Tumango ako at tumayo na nang hawakan ng isang kamay ang braso ko. Lumingon ako sa humawak at nagulat na si Chloe pala iyon.

"Mag-usap tayo." Hindi utos, hindi paki-usap, it was a decleration. Tumingin si Ann sakin at nakikita ko ang pagtutol sa mga mata nya.

"Sige Ann mauna ka na. I can handle myself." I said and gave her a reassuring look.

"Fine. Basta nandito lang kami." Pagsuko nya saka umalis. Kinaladkad naman ako ni Chloe papuntang girls CR saka marahas na binitawan

"Ano bang problema mo?!" Inis kong sabi. Sakit kaya ng kamay ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" Diretso nyang tanong. I was taken aback by what she said, but hurriedly compose myself. Im good at concealing anyway.

"At bakit naman kita iiwasan" Walang gana kong sabi.

"Dahil hinali. . . . . . . .

"Wala lang sakin yun." Putol ko sa kung ano man ang gustong sabihin nya. "Kung yun lang ang gusto mong pag-usapan aalis na ako. Wala lang yun kalimutan mo na yun." I coldly said and stared at her blankly para layuan na nya ako.

"Bakit mo ba ako gimaganito?!" Galit nyang sabi."Gusto kita alam mo ba yun? At alam kong gusto mo rin ako, nararamdaman ko yun! So bakit mo to ginagawa." She look frustrated but I stand my ground.

"Niloloko ka lang siguro ng sarili mo." Sagot ko sa kanya.

"Please Km. Alam konh gusto mo rin ako." Pagsusumamo nya kaya naman nainis na rin ako.

"Gosh Chloe may girlfriend ka na!!!" Hindi ko na mapigilanh sigaw sa kanya.

"Hiwalay na kami. Hiniwalayan ko sya para sayo."

"Sino bang nagsabi sayo na hiwalayan mo sya para sakin ha? I didn't ask you to do that."

"Bakit hindi mo na lang kasi aminin sa sarili mo na gusto mo rin ako."

"Oo na gusto kita. Ano tapos na ba tayo dahil aalis na ako."




"Kaya pala hiniwalayan mo ako. Sya pala ang dahilan." Sabay kaming napatingin sa nagsalita, it was Jasmine. Nakita ko ang samot saring emosyon sa mga mata nya, there was pain, anger and betrayal in it. I just gave her a blank stare nang dumako ang tingin nya sa direksyon ko.

"Hindi ko hininging gawin nya yun, she did it herself. Better sue her." Cold kong sabi saka naglakad palayo.

Naiinis ako kung bakit nya hiniwalayan si Jasmine, ayokong ginagawang dahilan para masira ang nga bagay-bagay cause i don't want to feel guilty, that's thlast thing that i wanted to feel.

Sinubong agad ako ng nag-aalalang muka ni Chella at Ann pero hindi nila nagawang magtanong dahil sa announcement mula sa office na papupuntahin kami sa multimedia.


May mga taga-university pa na nag o-offer ng scholarship for grade eleven and twelve students. Maganda rin naman ang offer nila at ang sabi pa ay babalik sila after third grading para mag conduct ng test sa gustong pumunta.

"Ano Chella kukuha ka ba ng test?" Tanong ni Ann.

"Hindi na. Nanditi naman sa school natin ang major na gusto ko. Ikaw Km?"

"Kukuha siguro ako. Tatanongin ko pa sina papa at mama kung payag ba sila." Sagot ko at bigla naman silang natahimik.

"Mas mabuti na siguro yun para hindi ka na nya makukulit pa." Sabi ni Ann trying to make her voice sound happy, but I know better.

"Kumuha ka Km. Basta pag nakapasa ka wag mo kaming kalimutan ha. Makakita ka man ng bagong kaibigan kami pa rin dapat ang bestfriends mo." Minsan talaga may pagka emo si Chella.

"Ano ka ba Chella, hindi pa ng sigurado kung kukuha ba ako at kung kukuha man hindi pa rin sigurado na makakapasa ako." Natatawa kong sabi.

"Basta ipangako mo lang." Nagmamaktol nyang sabi.

"Oo na promise."

Nagpinky swear kaming tatlo. Yung right pinky ko nasa left pinky ni Chella tapos yung left ko nasa right pinky ni Ann tapos yung left pinky ni Ann nasa right pinky ni Chella, and we called it the Pinky Circle!!!


Bestfriends Series (The Rebound)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon