Chapter 1

2 0 0
                                    

Pagkababa ko sa trisekel na sinakyan ko ay patakbo ko agad na tinawid ang kalsada papunta sa school. Probinsya naman to kaya safe lang tumawid dahil wala naman masyadong sasakyan na dumadaan.

"Manong guard teka lang!!!" Pigil ko sa kayanong Guard na unti-unti nang sinasara ang gate and gladly hinto nya ang pagsasara at sinenyasan akong dalian ang pagpasok and so I did.

"Nagsisimula na palang pumila ang mga students for flag raising. Mabilis ko na lang na inihagis sa upuan na nakapaikot sa puno ng mangga ang bag ko saka mabilis na tumakbo papunta sa pila ng section namin.

"KM!!!!!!" Sino pa ba ang sisigaw ng ganyan edi my oh so energetic and beautiful bestie Anderie Ann Sphear.

"Hi Ann!!!!!" Bati ko at tinapatan rin ang energy nya. "Asan si Frachelle?" Hanap ko sa isa ko pang bestie na si Frachella Ichan.

"Andon nasa Line nila." Sagot ni Ann at tumango na lang ako.

Di katagalan ay nagsimula na ang ceremony and after nun ayun proceed na kami sa classroom namin. Oo nga pala, hindi kami magkaklase ni Frachella dahil magkaiba ang major na kinuha namin. Cookery kasi ang sa amin ni Ann while caregiving naman ang kay Frachell.

Secret lang natin to ha.........Hate ni Frachella ang pagluluto, kaya amg wish ko sana ay Chef ang mapangasawa nya dahil kung kapareho nya ang makakatuluyan nya naku!!! Maaga silang magkakasakit dahil tyak s fastfood lang sila aasa hihihi.

Pagdating sa room namin ay hindi na muna kami pumasok at hinintay na muna si Frachella para maki chika na naman.

"Chell!!!" I Cheerfully said saka patakbo syang niyakap at ganon rin sya, parang isang taong hindi nagkita noh? Ayun after yakapan, chikahan na naman at tawanan saka kami pumasok sa kanya-kanya naming classrooms.

Ayun Lecture lang ng lecture ang teacher tapos ako inaantok na huhuhu ayan kasi basa ng basa ng wattpad wala na tuloyng maayos na tulog.

After two hours na pakikinig ng lecture sa wakas recess na rin!! Makakapagpahinga na ang utak ko. Inihiga ko agad ko ang ulo ko sa armchair at pumikit.

"KM hindi ka lalabas?" Tanong ni Ann. Umiling lang ako habang nakapikit. Eh sa pagod ako eh. "Ok. Labas lang ako ha bye." Paalam nya at narinig ko na lang ang palayo nyang mga yabag.

I tried to concentrate in my sleep pero ayun nakasagap pa rin ng chissmiss ang ang echosera kong tenga kaya nag dolphin sleep na lang ako, yun bang kalahati tulog tapos ang kalahati gising ganun.

"Girlfriend pala ni Chloe si Jasmine?"

"Oo matagal na siguro? Mag-iisang taon o dalawa na."

"Tagal na pala noh?"

Pssh akala mo kung anong maganda at interesting, yun lang palang classmate naming tomboy na si Chloe Mendez at long time girlfriend nito from the other section na si Jasmine Gutierrez, inungkat pa talaga nila noh? Hay mg chismosa talaga.

**********

Hay bat ba ang boring ng school? Noon naman ang excited kong pumasok pero bakit ngayon parang gusto ko na lang magstay sa bahay at matulog? Buti ng ngayong araw eh medyo walang teacher na pumapasok, malapit na kasi ang school festival kaya naman di magkamayaw sa pag prepare ang mga teacher.

Na assign ang section namin sa horror booth kaya eto at todo prepare kami sa mga dadalhin namin. Ngayong year kasi na to ginawang open for all ang school festival namin kaya tyak na maraming taga ibang schools ang pupunta para maki fiesta so todo prepare kami para naman maging memorable ang pagpunta nila diba.

"Ok guys assigning na tayo ng Task. First sino ang gusto maging multo?" Our president ask.

"Me! Me!" Enthusiastic na sabi ni Ann sabay taas ng kamay at tayo. "Ako si bangkay" Pabiro at proud nyang sabi kaya nagtawanan kaming lahat. Bagay nga kasi sa kanya yun kasi ang payat payat nya. Nakitaw naman sya sa sarili nyang joke. At ayun nilista nga sya.

Sariling room lang namin ang gagamitin kaya gagawan na lang namin sya ng dividers para magkaroon ng rooms. For more excitement gumawa kami ng puzzles at clues kung paano sila makakalabas at pagnagkamali sila, at first to second mistake ay magagalawan ang mga bagay sa loob at pag nagkamali sila lalabas ang lahat ng multo at ito ang mag g-guide sa kanila palabas. Tingnan na lang natin kung sino ang di matatakot.

Bestfriends Series (The Rebound)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum