Chapter 3

0 0 0
                                    

Matapos ang school festival ay nagkaroon ako ng additional friend namely, Chloe.

Kahit classmate ko si Chloe ay non-existent kami sa isat-isang mundo, kaya nga nakakatuwa na naging magkaibigan kami. Madalas ng kami na lang dalawa ang nag-uusap kasi naman one seat apart lang kami kaya madali ang daloy ng communication. Minsan ng nakikipagpalit ng upuan si Chloe kay Alexa, yung nasa pagitan namin para makapag-usap kami.

Ngayon naman kahit nasa tabi ko sya  hindi kami nag-uusap dahil bussy ako sa pagkukulay ng project ko while sya nag scan ng notes nya dahil sasali sya sa science quiz bee.

"Uy may maitutulong ba ako?" Tanong nya. Nakita ko in my peripheral view na nililigpit nya ang mga gamit nya.

"Naku mag concentrate ka na lang sa study mo para manalo ka." Tanggi ko habang nagkukulay pa rin at di man lang sy tinitignan.

"Tapos na ako, tulungan na kita." She insisted aat hinablot ang oil pastel mula sakin. Tumingin ako sa kanya at medyo nagulat pa ako dahil ang lapit na pala ng muka namin. Halos isang dangkal na lang ang layo naming dalawa.

Nagkatitigan kaming dalawa, yun bang ang awkward. Nailang ako bigla kaya ngumiti na lang ako para ikubli ito at slight pa akong nagulat nang sabay kaming ngumiti at sabay na nag-iwas ng tingin. Gosh bigla atang lumakas ang kaba sa dibdib ko. Tumingin ako sa kanya at nag panick nang tumingin rin sya sakin kaya umiwas agad ako ng tingin at ganon rin sya.

Ramdam king nagiging awkward na talaga ang atmosphere. "Um-a puntahan ko lang si Ann may sasabihin pala ako sa kanya." Paalam ko sabay alis at hindi na hinintay ang response nya. Nagpunta agad ako sa likod ng room namin na habol ang hininga. Pilit kong pinakalma ang mga nagkakarerang kabayo sa dibdib ko at nang humupa na ang mga yun bumuntong hininga agad ako.

Ano bang nangyari kanina? May sakit na ba ako? O baka. . . . . . . . . . . no it can't be, impossible yun! Baka nga may sakit lang talaga ako.

"Hoy ok ka lang ba?" Napaigtad naman ako nang marinig ang boses nya. "Akala ko ba may sasabihin ka kay Ann? Nandun na si Ann sa loob Ah." Hindi ko na talaga sya nilingon, alam ko naman na naka kunot na ang noo nya eh.

"A-ano kasi ah. . . . . .Um. . . . "

"Babe!" Whoo!!! Save by the bell. Lumingon ako just to see Jasmine na niyayakap si Chloe from the back. "Hi Km!!!" Bati nya sakin kaya ngumiti na lang ako.

"Sige aalis na ako. Maistorbo ko pa kayo eh." Nakangiti kong sabi saka nakayukong umalis. Pagdating ko sa loob agad akong umupo sa upuan ko at inihiga ang ulo ko. Bwiset ano ba tong nararamdaman ko? Uh!!! Maitulog na nga.

"Knock knock." Napaangat ako ng tingin nang may taong kinatok sa ulo ko.

"Ano?" Bored kong sabi.

"Km naman eh!!! Wag ka ngang matulog, usap muna tayo please." Nag puppy eyes na sabi ni Ann.

"Ok so sino na naman ang crush mo." Walang gana kong sabi at inayos ang pagka-upo ko.

"Ang sama mo talaga KM. Pag gusto kang kausapin crush agad?" She said frowning.

"So ani pala ang pag-uusapan natin?" I ask crossing my arms. Sinamaan nya naman ako ng tingin tapos tumayo sya sa pagkakaupo nya saka ako tinalikuran.

"Wag na lang. Psh pag si Chloe nagsalita para kang batang nakikikinig pero pag-ako ang cold mo!!! Sabihin mo nga! Sino ba talaga bestfriend mo?! Oh baka naman. . . . . . . . . . . . . . . . . Crush mo na sya." Nagtatampo nyang sabi saka ako nilingon. Nanlaki naman ang mata ko sa huling sinabi nya.

"Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ko sa kanya. "Eh alam mo namang babae sya diba?!" Naiinis kong sabi. Hindi naman ako bitter at wala akong problema sa mga lahi ni Eba na nagpapaka-Adan kaya over reacting naman kasi itong si Ann eh.

"Eh bakit nga?" Nakapout yang sabi, ang cute nya tuloy.

"Wrong timing ka kasi eh. Mainit kasi ang ulo ko ngayon."

"Eh bakit nag-iinit na naman yang ulo mo?" Napatulala naman ako sa tanong nya. Bakit nga ba nag-iinit ang ulo ko? Ano bang ikinagagalit ko? Sa totoo lang hindi ko din alam, basta nung nakita ko sila kanina nagbago na ang mood ko. "Hoy ano na?" Napatitig naman ako sa kanya.

"Wala" Maikli kong sagot at nag-iwas ng tingin.

____________________________

A/N

Sorry kung boring guys medyo wala pa kasi tayo sa highlight ng story ^_^

Sana naman may mag vote at magtyagang basahin to :D :D

Bestfriends Series (The Rebound)Where stories live. Discover now