Chapter 1

14.7K 161 34
                                    

CHAPTER ONE

NAKAUPO sa harap ng malaking mesa sa library ng kanilang bahay si Aliyah. Pinapatawag siya ng kanyang ama. Alam niya kung ano ang dahilan at pinapatawag siya nito. Kaya inihanda na niya ang kanyang sarili para sa magiging diskusyon na magaganap sa pagitan nila. Nakatalikod ito sa kanya at nakatanaw ito sa bintana.

Umingit ang swivel chair na kinauupoan nito siguro dahil sa bigat nito. May kalakihang tao kasi ang kanyang ama. Pinaikot nito ang swivel chair nito at humarap ito sa kanya habang nakaupo pa rin doon. Kitang-kita niya ang pamumula sa mukha nito pati ang litid ng mga ugat sa leeg nito tanda na galit ito sa kanya.

Nakarating na nga rito ang balitang pag-aapply niya bilang isang doctor sa isang maliit na hospital sa bayan ng Kitcharao. It was fifty five kilometers from Butuan City. Tinanggap na siya ng Personnel Manager ng hospital na si Zherry na asawa ng isa sa mga resident doctor na si Dr. Jocil Piloton.

The hospital was operated by the Franciscan nuns and partly owned by Dr. Piloton na asawa ni Zherry. Iyon ang pagkakaalam niya. Mas mura ito sa kahit na anong private and public hospitals sa lugar na iyon.

Ang sabi nito ay doon na raw siya pipirma ng kanyang kontrata kapag nagsimula na siyang magduty sa hospital. She applied for the post after a friend referred her to Mrs. Piloton. Nagsubmit siya ng kanyang mga requirements thru email. Tinawagan siya nito for interview at walang sabi-sabi tinanggap agad siya nito. She really doesn't know did it happen. No exams at interview lang ang nagaganap via phone pa.

Alam niyang ito ang dahilan kung bakit siya pinapatawag ng ama niya ngayon at nagagalit ito.

"What about your plans to specialize in pediatrics?" mahinahong tanong nito sa kanya. Halatang pinigil lang nito ang galit sa kanya.

"It was your plan, Daddy, not mine," she said it in calm voice. Kahit na namamalat siya ay pinilit niyang sabihin iyon ng malinaw.

Ayaw niyang masaktan ang kanyang ama sa ginagawa niyang ito ngayon. But all she need is freedom. Freedom to choose kung saan siya magtatrabaho na hindi ginagamitan ng impluwensya nito.

Her father is the Regional Director of Department of Health-Caraga. Si Dr. Ramon Antonio Reyes. Alam niyang kahit saang malalaking hospital, mapapribado o publiko man sa Caraga ay matatanggap siya. Pero ayaw niyang sumilong sa impluwensiya nito. Gusto niyang may mapatunayan siya sa kanyang sarili. Gusto niyang maging malaya sa kanyang pamimili kung saan siya magtatrabaho.

Actually, medicine is not her choice profession. Gusto niyang kumuha ng Civil Engineering noon. But she gives up her dreams when her brother Carlisle decided not to take medicine. Bagkus, architecture ang kinuha nito.

Labis ang pagkadismaya ng kanilang ama noon dahil wala daw susunod sa yapak nito bilang isang doctor. Kaya napilitan siyang kumuha ng medisina alang-alang rito lalo na't pinakiusapan siya nito.

Looking at him now, she felt a pang of regret. Gusto niyang isumpa ang kanyang sarili sa klase ng sagot na ipinukol niya rito. Hindi man lang kasi niya iniisip na masasaktan ito sa sagot niyang iyon.

Itinaas nito ang mga kamay nito tanda ng pagsuko nito sa kanya. Pero hindi nakaligtas sa mga mata niya ang lungkot at sakit sa mga mata nito.

"Have I pushed you too hard, Aliyah?"

Gusto na sana niyang sabihin ang lahat ng sama ng loob niya sa ama pero mas pinili niyang kimkimin na lang ito. Instead she chooses to answer it with infinite gentleness and care now. "Naappreciate ko lahat ng tulong at ang paggabay na ginawa mo sa akin, Dad."

A Doctor's Love Story **Published under Lifebooks**Where stories live. Discover now