(10) You and I and Everything in Between (★)

Start from the beginning
                                    

"Sige. Tapos?"

I slowly walked with her. Her right arm clung to my left. "It's just plain if they'll just walk in the aisle procession while the others are singing. I want more... something more than just walking. What do you think?"

"Oo nga. Musical ‘to e. Kailangan ng maraming movements. Hmm." Umalis siya sa pagkakahawak niya sakin at napaisip siya saglit and then... "Yun! Pwede naman siguro sila mag-act like they were so inlove."

Naguluhan ako. Hindi pa ba inlove yung ikakasal na nga at naglalakad na sa aisle? "Hindi ko gets?"

"Konting movements lang. Pero maipapakita yung sweetness nila. Parang ganito..." She clung into my arm again and started singing the lyrics. Maganda ang boses ni Ren! She could’ve made it to being Cosette.

Yung isa niyang kamay nakahawak sa braso ko. Yung mga mata namin parang naka-glue na sa isa't isa. Her eyes are so beautiful. Bilugan at brownish yung iris ng mata niya. She has perfectly fair skin... and her lips looked so soft and fine. We we’re so inlove. Para bang pinapaniwalaan ko na yung nangyayari. Parang naiisip kong kami ni Ren yung kinakasal. Parang totoo.

Gasgas na ang susunod na linyang sasabihin ko pero...

She, literally, has a face of an angel. "Hindi pa ako nakakarating ng langit... pero nakakita na ako ng anghel."

"Kasama yan sa script?" Naglaho lahat ng ginawa ng wild kong imahinasyon at bumalik ako sa katotohanan. Napa-smile siya.

"Ah–ahh. Wala yun." Tch! Bakit ko naman daw nasabi yun? Talagang nag-space out ba ako kanina? Talagang nag-imagine ako? Ganun ba kaganda yun?

"Ah. Ok... Sige, balik tayo. Siguro okay na yun sayo?” Okay na okay. Sobrang okay. That’s the best thing that ever happened to me. Este, that will be the best thing that will ever happen to the play. “Ahm.. Ano na susunod dun?" Tanong niya ulit. Nakita niya sigurong nag-space out na naman ako.

"Yung conversation ni Marius, at yung Thenardiers."

Umupo ulit siya dun sa inupuan niya kanina. "So... I think, ok na yun?" Umupo narin ako. "Yes. And then... Ah. Oo nga. Naalala ko. Uh... the waltz thing."

 

"What's up with the waltz thing?"

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeWhere stories live. Discover now