Chapter 20

10.2K 181 17
                                    

Awkward. Yun lang ang masasabi ko. Napaka-awkward ng buong paligid. Mag-iisang oras na ata kaming walang imikan ni Eron matapos nya akong yayain papuntang school garden. Mag-uusap raw kami pero hindi naman sya nagsasalita. Nasa malayo ang kanyang tingin at tila malalim ang iniisip. Kanina pa sya ganyan di ko alam kung bakit. Dahil siguro sa nangyari kanina.

Napabuntong hininga ako. Mag-gagabi na kailangan ko nang umuwi sa school dorm at mag-aayos pa ako ng gamit dahil lilipat nako sa apartment na nahanap ko.

'Aalis nako' mahinang ani ko at nahihiyang tumayo

Bigla syang tumingin sakin at agad na hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa nya kaya agad ko itong iwinaksi.

Bumuntong hininga sya at muling hinawakan ang kamay ko, sa puntong ito mahigpit na ang kanyang pagkakahawak.

'Mara' bulong nya

napalunok ako dahil sa intensidad nang kanyang pagkakatitig sakin.

'whatever happens, please,  trust on me' bulong nya

magsasalita pa sana ako nang magpatuloy sya

'not everything you see is the truth..someone might playing with us.'

napakunot ako ng noo. Hindi ko sya maintindihan.

'promise me' napapikit ako ng idinikit nya ang kanyang noo sa aking kamay

'promise me' ulit nya ng hindi ako sumagot.

'Eron naguguluhan na ako' ani ko
'ano ba talaga ang nangyayari?'

hindi sya sumagot

tumayo sya at niyakap  ako ng mahigpit at sapat na yun para maramdamang kong ligtas ako sakanya.

Hindi ko alam kung ano ang pinupunto nya pero mag titiwala ako sakanya. Crush ko naman kasi sya eh.

Pero may naalala ako.

Tinulak ko sya ng mahina at sumimangot sa harap nya

"May girlfriend kana"ani ko

kunot-noo naman syang tumingin sakin at biglang ngumisi

"sinasagot mo na ako?" aniya na parang kumikinang ang mata.

umirap ako sakanya

"kanina sa rooftop nakita kitang may kayakap na babae."

matiim nya lamang akong tiningnan na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

'miss na miss nyo raw ang isa't-isa' huminga ako ng malalim dahil nakaramdam ako ng kirot saking dibdib

'mahal na mahal nyo raw ang isa't-isa" yumuko ako

'narinig ko, Irene, yun yung pangalan nya hindi ba?" ani ko pumikit ako ng mariin para pigilan ang luhang akmang babagsak mula saking mata

naramdaman ko ang kamay nya saking baba na inaangat ito.

"How did it happened?' takang tanong nya
'nasa Faculty Office ako buong araw,and Irene?she's" nagtiim bagang sya "she's dead matagal na"
tumingin ako sa mata nya para syang nagsasabi ng totoo. At ano raw? Matagal ng patay ang babaeng yon? How come? Nakita ng dalawang mata ko silang dalawa!

'"why did you go there anyway? Sa rooftop?"

'yung letter! sinulatan mo kaya akong hayop ka!" naiinis kong ani at hinanap sa bulsa ko yung papel na naitago ko kanina at binigay sakanya 

"And Emerson was there! He saw you too and sya nagkumpirma na—na nobya mo nga yung Irene na yun! Anong dead dead ka dyan!"

kunot-noo nya itong sinuri at tiim bagang nilukot ito.

"This is not from me" aniya ng seryoso

"He's really playing with us! Those motherfucker!"

tinapon nya sa malayo ang papel at pabagsak na umupo.

"A-ano ba yang pinagsasabi mo! Ikaw kaya iyon! Ikaw talaga yun! Yung boses mo! Yung mukha mo---" napatigil ako sa pagsasalita ng may mapagtanto ako.

'omaygosh!"

si Emanuel! Pero bakit naman sya magpapanggap ng ganun! At si Emerson, bakit ganon nalang makareact yung taong yun.

'exactly' ani Eron at hinala ako paupo sa tabi nya

'bakit nya--nila nagawa yun?" bulong ko

'I dont know. He loves messing around with his brothers, with Emerson and I."

'eh hindi naman nya ako kuya ah! Bakit nya ako napagtripan? at si Emerson! Alam nya bang si Emmanuel yun? he acted and confirmed like it was you that I saw in the rooftop with that Irene girl na sabi mong patay na?! Ano ba talaga Eron? Ang gulo gulo naman"

naiinis kong sabi

sinayang ko yung mga luha ko! Nag-inarte pa ako kanina! tapos palabas lang pala ang lahat.

"Because he knows how  important you are to me!!and about Emerson, I don't know why he fucking did that! maybe he has the plan on destroying us because he likes you—that piece of shit!!!"
nanggigigil nyang ani na halos sabunutan na ang sarili!

Napa-atras naman ako, bigla akong nakaramdam ng takot sa awra n'ya. Pero tila napansin nya ang konting pag-layo ko kaya lumapit s'ya sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko! Sa sobrang gulat ay nakatulala lang ako.

"Mara, please sakin ka lang maniwala, sa akin ka lang makinig"
gahibla na lamang ang layo ng mga labi namin kaya bawat bigkas nya ay tumatama ang kanyang labi sa akin. Para akong nakukuryente. Para akong hihimatayin. Wala akong marinig sa sinasabi n'ya.

"A-ano?—"

Parang nawasak ang sarili naming mundo ng tumunog ang tyan ko.!

Oh God! Wala pa pala akong kain simula kanina..

Napaiwas ako ng tingin at tumili sa isipan ko! Nakakahiya!

Napatikhim s'ya.
"So I guess we should continue this talk over dinner ?

Hindi parin ako nakatingin sakanya!

'its okay' aniya ng natatawa.

'uuwi nako may gagawin pa kasi ako' sagot ko sakanya. May mukhang ihaharap pa ba ako sakanya matapos--

napakunot ako ng noo ng may tumunog na katulad ng kanina.

tumingin ako sakanya na nanlalaki ang mata.

ngumisi sya "and now we're even, hindi lang naman ikaw ang taong nagugutom eh"

nang dahil dun nawala ang kaninang hiya na nararamdaman ko. Napalitan yun ng pagkamangha sa lalaking nasa harapan ko.

inilahad nya ang kanyang kamay sakin

'shall we?'

ngumiti sya. Ngiting nakakalaglag matres! Na kung sino man ang makakakita ay mahihipnotismo at mahuhulog sakanya.

At isa ako sa nakakita non, ngayon.

tinanggap ko ang kamay nya tulad ng pag tanggap ko sa kanya sa buhay ko.

Sino ba ang hindi mahuhulog sa isang Eron?

---

Boring na talaga to 😭😭
Okay lang guys. Naiintindihan ko kung ireremove nyo na to sa reading list nyo. Una matagal mag UD. Pangalawa Magulo. Pangatlo. Ang ganda ko.char

The Ice Prince ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon