TLH: Chapter 2

14.9K 247 3
                                    

Eunica's POV

"Ikaw/Ikaw?" Pareho naming sabi dahil pareho kaming nagulat. Nakarinig ako ng bulong bulungan nung parehas kami napasigaw. Ang kaninang maingay na mga empleyado ay nanahimik sa biglang pagsigaw namin. S-siya yung natapunan ko ng kape a-ang b-boss ko?! Oh c'mon!

"Dude, siya nga pala si Eunica, your new secretary" masayang sabi nito ng sino nga ba ito? Alam ko nakita ko siya nung nag-interview ako dito eh.

"You!" turo nito sa akin

"Me? Este! Sir?" kinakabahan ako swear!

"In my office now!" at dali dali itong pumasok sa loob ng opisina at pabalibag na sinara ang pinto.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala. Bakit siya pa? Kung anong swerte ko nung natanggap ko itong trabahong toh ay siya namang malas ko sa boss ko.

"First day, huh? You better get inside bago magwala yung nasa loob"

Natigil ang pag-iisip ko nung may biglang may nagtapik sa likod ko at siya yung nagpakilala sa akin kanina. Nakita kong umalis na ito, nang matauhan ako ay dali dali kong binuksan yung pintuan at dahan dahan pumasok.

Pagkabukas ko nabigla naman ako sa laki ng kwartong ito. Mas malaki pa 'to sa bahay namin eh. Grabe! Ang ganda ng pagkakaayos. Mula sa floor to ceiling window nito hanggang sa mga furniture nito. At makikita mo sa labas ang kabuuan ng makati. Grabe! Ang ganda, pwede na akong tumira dito.

"Do you know how to knock first?"

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng magsalita ang nasa swivel chair at nakapatong paa habang nakahawak sa sentido nito.

"S-sorry po, sir"

Tumingin ito sa akin at nagtama ang mga mata namin. Nakatanggal na ang shades nito at nakita ko ng kabuuan ng mukha nito. His thick eyebrows, beautiful gray eyes, long natural lashes, impeccable pointed nose, chiseled jaw and damn perfect lips. Masasabi kong napakagwapong nilalang nito. Kung hindi ko lang ito boss eh, pinatulan ko na.

"Come forward"

Pagkasabi niyang yun ay lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Pagkalapit ko ay umayos na ito ng upo at may kinuha isang folder at tinignan ito. The way he looks at it, ineexamine nito ang nasa loob nito.

"So, you're Eunica Valdez, anak nila Marithes Valdez na isang housewife at Domingo Valdez na isang construction worker. At may isa kang nakababatang kapatid na pangalang Alice Valdez. " Tumigil ito at tumingin ulit sa folder. Kinakabisado pa nito ang talambuhay ko?

"You graduated from Metropolis University at oh, you are only 24 years old." Sabi nito habang tumatango tango.

"S-sir, ano p-po kailangan niyo?" nauutal kong sabi. Eh kasi naman kinakabahan ako 'no! Napaangat naman ang tingin nito.

"Ok then, my name is Ivan Matheo Clarkson and you'll be my secretary for I guess 2 weeks? 3 weeks? or half a month maybe?" Ano daw? Bakit naman ang bilis lang?

"Sir, bakit naman po ang bilis lang?" Naka-kunot-noong tanong ko.

He chuckled. "You don't know what you've been through, Eunica. "

I looked at him puzzled. Hindi ko siya ma-gets promise!

"Sir, hindi ko po kayo maintindihan. Kakapasok ko pa lang aalis na po agad? Sayang naman po sweldo pati paghihirap ko para makapasok sa ganitong posisyon"

Tumawa ito ng nakakatakot. Baliw na ba 'tong boss ko? Ano bang nakakatawa?

"You're interesting, Eunica. Here are my schedules and appointments, ayusin mo 'yang lahat at kailangan ko na iyan bukas na bukas"

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon