Kabanata 8

7.4K 151 27
                                    

"Sometimes, the hardest thing to let go of is something you never really had."

Iwinaksi ko sa isip ko iyon at nagfocus sa movie na pinapanood.

"Mahal kita." Sambit ni Ely sa katabing si Mia.

"No. You don't have to. Wag mo akong mahalin dahil mahal kita, mahalin mo ako dahil moko. Because that is what i deserve." Ngumiti ako at unti-unti nararamdaman ang pag-patak ng luha sa mata ko. Sana, sana kilala ko siya. Sana nakilala ko siya, sana nakita ko ang paglaki niya at naalagaan ko siya.

Masyado akong napaiyak sa movie which is, Barcelona. Pareho kami ni Mia, ginagawa namin lahat para maging proud yung parents namin. Ang kaibahan lang, Suportado siya ng nanay niya. Ako? Wala. Kahit sa daddy ko.

Nag-focus ako sa palabas at hindi na lamang pinansin ang mga posibleng bagay na pumapasok sa isip ko. Hanggang sa.. "Omygod! They kissed. Waaaaaah!" Tumayo ako sa upuan ko at nagtatalon at nagsisigaw doon.

Natatawang hinila naman ako paupo ni Brent. "Hindi ako nagkamaling dalhin ka dito, sabi ko na nga ba eh! Hahaha. Upo ka nga, may nanonood sa likod oy! Mahiya ka nga. Hahaha" Sinamaan ko lamang siya ng tingin. Bakit? Masama bang kiligin kahit kay Dedge my baby loves lang? Tsk.

Kumalma ako ng koonti, pero nung nasa part na ng nag-sshoot sila kung saan kunwari daw ay magkakasalubong sila, ay hindi ko napigilang mapahagikgik. Really? Mia. Hahaha!

Napatingin naman ako sa katabi kong tumikhim habang naka-focus ang mata sa palabas. "Bakit?" Tanong ko dito. Umiling-iling lamang ito at tumaas ang sulok ng labi.

Hindi ko na lamang siya pinansin. Hanggang dumating sa part na bumalik na sila ng Barcelona, yung part na inaaya na ni Dedge my baby loves si Mia magpakasal, tapos nung malapit na silang mag-kiss ni-cut naman. Napabusangot ako pero napalitan ng kilig at saya ang mukha ko. Katulad ng ginawa ko kanina, napatayo na naman ako sa upuan ko at nagtatalon doon habang tinuturo ang nagkikiss na si Mia at Ely.

"Omygod omygod! Is that true? Nag-kiss talaga sila? For real? Owemgi. Nag-kiss sila." Malakas na tili ko habang inaalog-alog ang balikat ng dalawang mag-kapatid.

"Stop it will you? You're annoying." Saad ni sir Sigmon sa akin. Tinaliman ko lamang ito ng tingin at binelatan.

Nye nye nye! Titili ako hanggang gusto ko. Annoying pala huh? Makikita mo. Ngumisi ako ng malaki at mas lalong tininisan ang boses ko. "Omygod omygod. They kissed! they kissed. Sulit ang paghihintay mo ng matal sa kissing scene Dedge my baby loves! Kyaaaah." Malakas na tili ko pa.

Bigla nama'y napasiklot ako ng maramdamang naka-upo na ako sa kandungan ni sir Sigmon. Nanlalaking matang nagtaas ako ng tingin sa kaniya. "WHAT THE F----" Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng maramdamang naglapat ang labi naming dalawa.

Napaawang ang bibig ko, mabilis ko siyang tinulak at tumayo sa lap niya. "The heck, you punk! Why did you kissed me?" Impit na sigaw ko dito.

He just smirked and wink at me. "To shut you up sweety, you're so annoying and noisy." Sambit nito.

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. The heck, Did we just kissed? Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit--- bakit ang lambot ng lips niya..

Arrrrgh! The heck, stop thinking Tamara!

Simula noon ay nanahimik na lamang ako, hindi na ako tumili pa o nakapag-focus man lang sa palabas. "Mommy, what's wrong? Is there any problem?" Tanong ng cute na batang si Schizelle.

"No sweety, medyo sumakit lang yung stomach ni m-mommy." Naka-ngiti kong saad. Lumuhod ako at pinantayan siya, "Sweety, Im going home na ah? Hope to see you again. be a good girl."

"That fast? Can we eat first Mommy?" Suhestiyon nito.

"Im sorry sweety, pero may work pa si mommy e! Next time nalang okay? Bbye." Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Okay. I understand! Hope to see you again too Mommy! I really really like you po. I promise i'll be a good girl." Ngumiti ito at hinalikan ang magkabilang pisngi ko.

Hinaltak ko na si Brent at hindi na nag-abalang mag-paalam sa boss ko. Ayoko, hindi ko siya bati. May kasalanan pa siya sa akin. "Mauna na kami kuya, Ingat sa pag-ddrive." Paalam ni Brent sa kapatid niya. Nye nye! Paalam pa? uso ba yon?

"Hahaha. I wish you could seen your face, what happened? It is about the kiss?" Tanong nito bigla. The heck, nakita niya?

"Both of you seem to enjoying. Don't worry, I can pretend i didn't see anything." Nakangising saad nito. The f-vck with this guy! Bestfriend ko ba talaga ang isang ito?

"Don't think too much Tamara, Mukha kang tanga! Haha!" Natatawang saad nito. Tinaliman ko ito ng tingin ngunit nginisian lamang ako nito.

"The f-vck, ang daldal daldal mo. Pwede bang manahimik ka nalang? Nakakairita kana ah. Masasapak na talaga kita mamaya." Inis na sigaw ko dito.

Nasa car park na kami't lahat lahat hindi parin ito tapos tumawa. The heck, kailangan niya na talagang magpa-check up. Nababaliw na talaga siya.

"Okay okay! Shut up nalang ako." He raised his both hands and stick his tounge out. Sarap hilahin ng dila nito at tadtarin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at bago umikot at sumakay sa driver's seat. "Ano? Masarap bang humalik si Kuya?" Natatawa na namang saad nito.

This time, hinampas ko na siya sa braso at piningot sa tenga. Natatanga na naman, Hindi ko na nga inaalala e! Kiss lang naman yon. The f-vck. Seriously Tamara? KISS LANG?

Parang gusto kong batukan ang sarili ko sa naisip ko. Really? Nilalang ko lang iyon? Mababaliw na yata ako.

A BEAUTIFUL CREATION (BS 2 - Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum