Kabanata 1

11.1K 189 32
                                    

"Everything that GOD allows to come into your way is with purpose.. He will use even the greatest error and the deepest hurt to mold you into a person of worth."

Nang matanaw kong wala na ang sinasakyang kotse ni Brent ay nagpasya nadin akong pumasok sa loob ng apartment at naghanda para sa trabaho mamaya sa Resto bar.

6:30 PM

Naligo na ako't nagbihis at umalis sa bahay at nagtungo na sa Resto bar.

"You're 5 minutes late Tamara! Magbihis kana, madami ng tao sa labas." Untag ni Kiro. Ngumuso lamang ako at humingi ng pasensya.

"Tamara, bilisan mo! Ito na ang isusuot mo, madami ng tao sa labas." Iniabot sa akin ni Trisha ang isang paper bag. Aysus! Jesus. Inulit lang niya yung sinabi ni Kiro e.

Napa-irap ako sa kawalan at pumasok na sa banyo at nagsimulang magbihis.

Lumabas ako sa backstage at umupo sa isang stool na nasa gitna ng stage. Namamawis na ang aking kamay hindi pa nagsisimula ang aking pagtipa at pagkanta.

Huminga ako ng malalim at iginala ang paningin sa kabuoan ng resto bar. Mas marami ang tao ngayon kumpara noon.

Nagbuntong hininga ako at patuloy na iginala ang paningin ko sa resto bar ng may nahagip ang pares kong mata ng isang bulto ng lalaki na nakatitig sa akin. Hindi ko masyadong makita ang kabuoan ng mukha niya.

Pinaningkitan ko ito ng mata ngunit, nanatili lamang itong nakatitig. Lumayo ito ng kaunti at tanging mga labi niya na lamang ang nakikita ko

Pinagmasdan ko ang mapupulang labi niya, Kasabay ng pag-ngiti niya ang may kung anong pagkalabog ng puso ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Crap! Ang lakas ng pintig ng puso ko.

"Goodevening, ladies and gentleman." Panimula ko at huminga ng malalim. Paano ko ba ito sisimulan? Ngayon lamang ako kinabahan ng ganito.

"Im gonna sing Impossible cover by Maddi" Ngiti ko at nagsimulang mag-strum ng gitara.

I remember years ago
Someone told me I should take
Caution when it comes to love
I did, I did

Ako? Nag-ingat naman ako ah? Ayun nga lang masyado kong nagtiwala sa kanila, sobra ko silang inintindi. To the point na, kahit na sobra na pala akong nasasaktan dahil sa kanila pero okay padin para sa akin.


And you were strong and I was not
My illusion, my mistake
I was careless i forgot
I did, I did.

Oo. Malakas sila, eh ano lang ba naman ako? Wala akong ibang kakampi kundi ang sarili ko lang.

And now, when all is done
There is nothing to say
You have gone and so effortlessly
You have won
You can go a head tell them

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang pagtugtog at pagkanta.


Thell them, all I know now
Shout it from the rooftop
Write it on the sky line
All we had is go now
Tell them I was happy
And my heart is broken
All my scars are open
Tell them that I hope would be
Impossible, Impossible
Impossible, Impossible


Pagkatapos ng huling pag-strum ng gitara ay agad akong nagmulat ng mga mata.

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. 'Oh! Jesus. Bakit pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko?'

Bago ko pa tuluyang makalimutang nasa gitna ako ng stage ay nagpasalamat na ako. "Maraming salamat po." Ngiti ko at bumaba na ng stage.

Rinig ko pa ang mga hiyawan nila at nagrerequest ng isa pa. Napailing na lamang ako at hindi napigilang mapangisi.

Binalikan ko ng tingin ang misteryosong lalaki ngunit wala na ito doon. Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang. Crap! Tamara Elizabella! Lungkot? Panghihinayang? What's happening to me?

Tinapik tapik ko ang pisngi ko at naglakad na patungo sa office ni Kiro.

Pumasok ako sa loob ng opisina niya at naupo sa upuan na nasa unahan ng table niya.

"Kiro? Can i ask you something?" I mananged to say.

"What is it?" Huminga ako ng malamim at pasimple kong pinunasan ang namumuong butil ng pawis sa noo ko.

"M-mmay nakita kabang l-lalaki k-kanina sa resto bar m-mo?" My voice are trembling.

I saw him smirked. "Why sudden interested Tamara? Your voice are trembling." Nanunuya niyang tanong at mas lalong pinalawak ang ngisi sa labi niya.

Tinaliman ko siya ng tingin. I composed my self and let out an heavy sigh. "Dammit. I asked first Kiro! J-just just answer me!"

Lalong lumaki ang ngisi niya sa labi. "Chill woman! Hahaha. Sinong lalaki ba? Sa pagkakaalam ko maraming costumer na lalaki kanina sa bar." Nanunudyong tanong niya na ikinapula ng dalawang pisngi ko.

Laglag ang panga kong tumingin sa sahig. Shit! Antanga mo Tamara! Oo nga pala. Madaming costumer na lalaki kanina sa bar. -_-

"N-nothing. N-n-nevermind." Tumayo na ako't tinalikuran siya.

"Bye. Bukas ko na lamang kukuhanin ang sahod ko noong nakaraang buwan at ngayong buwan." Paalam ko at nagmartsa palabas ng opisina. Narinig ko pa ang malakas na halakhak niya bago ko ibinalya ang pinto ng opisina niya.

Dammit. Saan ako humugot ng lakas ng loob para itanong kay kiro ang mga bagay na iyon?

Aish!

Pakiramdam ko sasabog ang dalawang pisngi ko sa sobrang pula at init na nararamdaman ko mula rito. For pete's sake, Ipinahiya ko na naman ang sarili ko sa gunggong na iyon! Paniguradong wala akong lusot ngayon. Manunuya at manunuya ang panget na iyon.

A BEAUTIFUL CREATION (BS 2 - Completed)Where stories live. Discover now