Part XII

16.1K 100 0
                                    

   Kahit tinatawagan niya si Marissa hindi na ito sumagot sa kanya.Parati siyang pinagpapatayan nito ng celpon.

  Si Elaine naman,hindi niya alam kong nalaman na ng asawa niya ginawa niya,dahil mas malamig pa ito sa yelo kong pakiharapan siya.

  Sana inaway na lng siya nito,sana binuhos na lng nito ang sama ng loob,para pagkatapos ay wala na.Ang hirap manghula kong ano ang nasa isip nito.

  At ang mga anak niya para na lng siyang hangin sa paningin ng mga ito,parang hindi na siya nag -eexist sa buhay ng mga ito.Datnan alisan ni ho, ni ha ,ay wala na.Sobrang sakit yong dating malambing na mga anak ngayon ay hindi na, Talo pa niya ang may sakit na nakakahawa

  Pero ano nga ba ang gagawin niya?Sumbatan ang mga ito? Ano ba ang karapatan niya ? Wala!.Siya ang nagkamali at pagdusahan niya

Dalawang buwan na ang nakakaraan,Nagdesisyon na lang siyang maglayag ulit.

  May kinuha siyang ilang papeles sa shop.Nagulat siya ng pumasok si Marissa.

  "Ador puwede bang mag-usap tayo.?" Sabi nito

  "Bakit ka pumunta dito baka malaman ito ni Elaine."

   "Ador buntis ako!"

  "Dalawang buwan na akong hindi dinatnan,at nag pregnancy test na ako,positive Ador." Maluha luhang sabi nito

  "Pero Marissa  hindi ko puwedeng akuin yang pinagbubuntis mo.May asawa ako.Saka malay ko kong akin yan e may asawa ka ding tao."

  "HAYUP KA!HAYUP KA! ALAM MONG SAYO ITO!HAYUP  KA.  ADOR.!" Iyak ni Marissa sabay sinusuntok sa dibdib si Ador

  "Huwag kang sumigaw..

  " ANONG IBIG SABIHIN NITO MARISSA!!"

  "Arnel..

  " Arnel magpapaliwag ako."sabi ni Ador

  "HAYUP KA..." Sabay suntok Kay Ador.

  Natumba si Ador.Shock si Marissa

Umalis si Arnel saglit pagbalik my dala na itong tubo.

Nang hahampasin na nito si Ador , natauhan si Marissa nayakap niya ang asawa.Napigilan niyang ihampas Kay Ador ang tubo.

" HUWAG  Arnel please."

Nanlambot si Arnel

"Ayokong makapatay ka,Ayokong makulong ka.Ayokong magdusa ka dahil sa kasalanan ko.Please please bitawan mo yan Arnel..
.

Binitawan ni Arnel ang tubo at saka ito umalis.Sumunod dito si Marissa pero nakasakay ito kaagad.

Nadatnan niyang nag-eempake ito ng mga damit.

  "I'm sorry Arnel I'm so sorry.."

  Nakayuko si Arnel habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.

  "Ang sakit Marissa,hindi ko akalaing ganito kasakit.
   " BAKIT? MARISSSA...?

"Alam mo naisip  ko na din na baka dumating ang araw na ito,Na baka mgmahal ka ng iba, na baka hindi ako maging sapat sayo.
  Akala ko kaya ko,hindi pala.Masakit...sobrang sakittt! Yumogyog ang balikat nito habang nagsasalita.Alam niyang umiiyak ang asawa.

  Gusto ni Marissang yakapin ang asawa.Pero tinabig nito ang kamay niya.

Bitbit nito ang dalawang bag.
"Alam  mo ,ang higit na masakit yong isiping tuwing lalabas ako.Ako ang pinag-uusapan ng mga tao na iniipotan mo ako sa ulo .Kayo ng asawa ng kapitbahay ko. Ang hirap isipin.At ayoko ng isipin.

 

  Bitbit ang dalawang bag. Tumalikod si Arnel

Tanging pag iyak na lng ang nagawa niya.Magsisi man siya ay huli na.

MY NEIGHBORS HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon