Part VI

25.1K 128 0
                                    

    Elaine POV

  Nakaharap siya sa malaking salamin,pinagmamasdan ang sarili.Sa edad niyang kuwarenta e singko parang mas matanda ang itsura niya kesa edad niya.May ilan -ilan ng puti ang buhok niya ,may gatla na ang pagitan ng kilay niya at tumataba na pala siya.

   Kailan nga ba siya huling na conscious  sa itsura,Ah matagal na ,katwiran niya.Marami ding lalake na nambabae kahit maganda at seksi pa ang asawa.
   Sa isiping pambabae may kumirot sa puso niya.

   "Aling Elaine,sana huwag niyong isipin na gumagawa ako ng kuwento ha?wala ba kayong nahalata sa asawa niyo at Kay Marissa?"

   "Ikaw talaga Janet mgkaibigan at halos magkasosyo ang asawa ko at si Arnel kaya madalas magkasama ang dalawa."

   "Ganun po ba?"

  "Pero bilang isang nagmamalasakit na kapitbahay puwede po ba na medyo imulat mo ang iyong mata.Baka kasi wala kang nakikita.Cge po pasensya na po kayo ha?"

   "A Janet salamat ha?hayaan mo gagawin ko ang sinabi mo." Ngumiti ito sa kanya.

  Kilala si Janet sa lugar nila bilang manginginom ,nagsusugal minsan, pero hindi ito tsismosa.madalas itong mambara kapag nakakarinig ng tsismis na hindi totoo kaya kinabahan siya.

  'O Ma kanina ka pa diyan sa salamin ah!"

  Napukaw ang ala-ala niya ng magsalita ang bunsong anak niya.

   " A ano kasi ,mahaba na pala itong  buhok ko ,gusto ko sanang pagupitan na."sabi na lang niya.

   "Naku ,!Ma tama yan O bigyan kita ng pera,Shiela i pa make over mo yan si Mama ha?.Sabat ng panganay niya.

   " Sama ako diyan ,ito Shiela bili kayo ni Mama ng mga damit saka ipa enroll mo si Mama sa zumba .

  Gusto niyang maluha pero pinigil niya.

   "Kayo talaga pinagkakaisahan niyo ako.bakit Pangit na ba talaga ako?" Malambing na sabi niya sa mga anak niya.
 
  "Of course not, uumbagan ko kapag my nagsabi niyan sayo Ma" Sabi ulit ng panganay niya

  "Ang gusto namin Ma, isipin mo din ang sarili mo,malalaki na kami Ma,You are the best mom in the whole world Ma.'sabi ng pangalawa

  " Binola niya na naman ako."

   "At saka Ma para hindi naman tumingin si Papa sa iba"Sabi naman ng bunso.

  Lihim niyang nakita na pinandilatan ito ng panganay niya?Pati ba mga anak niya may alam din at siya na lang ang wala?

  Pero ayaw niyang mgtanong masasaktan siya kapag ang mga ito ang kumumpirma sa kanya.

  Kinompos niya ang sarili kunwari wala siyang alam.

  " O siya maligo muna ako after lunch alis tayo Shiela."sabi na lng niya sabay talikod dumiretso sa kubeta.

  Isa siyang matatag na babae yon ang alam niya.Isa siyang dating government employee pero nag resign na siya at sa ngayon nasa online business na lang siya ,at dito na lng sa bahay nila.

   Pero sa pagkakataong ito hindi niya mapigil ang umiyak  sa isiping pinagtataksilan siya ng asawa at ng kapitbahay nila na ang turing niya ay parang kapatid na.Yon ang isang bagay na hindi niya matatanggap.

   Umalis sila ng anak niya pumasok sa mall,sa isang sikat na salon doon sila pumunta

   Ginupitan siya,kinulayan ang buhok,manicure,pedicure,foot spa,facial at pinaayos din ang kilay niya.

Tiningnan niya kagabi ang celpon ng asawa pero may pattern ito hindi niya mabuksan.Siguro sobrang tiwala sa asawa kaya kahit minsan hindi siya nakialam sa celpon nito.Para sa kanya pribadong pag-aari ng isang individual ang celpon.Kahit mga anak niya never siyang nagbasa ng kahit ano mang TX sa mga ito.Dahil pakiramdam niya ,Isa itong sulat sa sobre na tanging ang my nakapangalan lang ang may karapatang mgbasa.

  Napadilat siya ng sinabing tapos na daw.

  "Wow ganda ni Mama ah!'papuri ni Shiela

   Nag-ikot ikot sila bumili ng ilang pirasong damit at sandals.May nakita si Shiela na kaibigan.Nagpaalam ito na kong puwede sumama muna siya.

   Naisip niyang pumasok sa Sun Network.Nakapostpaid kasi sila.

   " Hi Mam good afternoon?"

   "Good afternoon ,medyo tumaas yong bills namin puwede ba akong makahingi ng mga call logs ng account ko?"

  Sa isang account tatlong # na ang dala nito ,isa kanya,Kay Ador at si Sheila.

   "Ok po.Your name and valid ID Mam please.."

   "Elaine Doniza.here...sabay abot ng ID niya.

   "Wait Mam,ipiprint out ko lang po."

   "Ok thank you Miss "

Ngayon malalaman niya Kong may komunikasyon si Marissa at asawa niya.

MY NEIGHBORS HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon